Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

My Italian Seducer

By Sansa Esguerra

     “You smell absolutely wonderful. And it just made me want to smell you more,” anas ni Carmine sa kanya.
     Lihim na napalunok si Senneth, pero minabuti niyang galit ang ipakita sa binata. “Can you please stop talking to me like that? If you want entertainment, I suggest humanap ka ng babaeng handang makipaglaro sa ’yo. Just leave me alone.”
     “I’m not playing games with you, Senneth.”
     “Then, what the hell do you want?”
     “You,” walang gatol na deklara ng lalaki habang nakatitig sa kanyang mga mata.
     No doubt about it, he was an expert at seduction. At pakiramdam ni Senneth ay biglang nalaglag ang puso niya sa lupa at nagpagulung-gulong patungo kay Carmine….

Blame My Heart

By Tarra Buluran

     Magic ang kailangan ng sikat na artista at commercial model na si Beth upang makalimutan si Jake. Lalo pa ngayong tila sinusutil siya ng tadhana. Of all the photographers in the world, bakit ang dating nobyo pa ang ibinigay sa kanya?
     Ang pinakamahirap pa namang gawin ay iyong alang-alang lamang sa trabaho, kailangang pilitin ni Beth ang sarili na makitungo sa isang taong halos isinumpa na niya.
     She refused to manifest her weak emotions, either. Nais niyang pairalin ang pagiging ‘Zee Gomez’ kaysa sa dati niyang malambot na karakter. Kailangan niyang magkunwaring bale-wala sa kanya ang lahat ng ginawa ni Jake noon para lamang maging maayos ang takbo ng kanyang photo shoot at hindi siya mailang.
     But deep inside, she was going crazy—too crazy to still care about him, too crazy to still want him….

His Heart’s Desire

By Sachi Bliss

     Dark period kung ituring ni Darcy ang panahong iniwan siya ni Reese. Nalaman kasi niyang ni hindi pala siya nagustuhan man lang at niloko lamang ng unang babaeng minahal niya. He felt ugly and worthless after that.
     Matapos ang halos siyam na taon, kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas para samahan ang sister niyang nagre-recover mula sa ilang beses nitong pagtatangkang mag-suicide. Hindi niya inasahang malaki na ang ipinagbago ng pananaw nito sa buhay at lalo siyang nabigla nang malamang si Reese ang dahilan ng pagbabagong iyon ng kapatid. Pero dahil malayo na sa patpating nerd ang hitsura niya ngayon, hindi siya nakilala ng ex niya.
     At naisip ni Darcy, iyon na ang pagkakataon niya para ipakita kay Reese na ngayon ay deserving na siyang mahalin nang totohanan ng dalaga….

Just A Day With You

By Charisse Pamela

     Nagtungo si Celine sa probinsya ng Quirino para sa kasal ng kanyang boss. Iyon ang unang pagkakataon na tatapak siya sa Norte. Sa malas lang, walang magda-drive para sa kanya kaya bitbit ang wedding gown ng boss at lahat ng gamit, nag-commute siya patungo sa Nagtipunan. Sa dami ng dinanas niyang hirap, tinutukan pa si Celine ng baril ng isang nakakatakot na mama dahil lang hindi siya marunong mag-Ilocano!
     Mabuti na lang, niligtas siya ni Zack. Pinsan pala ito ng amo niya at siyang nautusan na sumundo sa kanya sa bayan. Bukod sa mabait, nakapanghihina rin ng tuhod ang kaguwapuhan ng binata. Bigla tuloy siyang nagka-crush nang wala sa oras.
     Pero nahulasan si Celine mula sa pangangarap nang gising nang makilala ang pagkaganda-gandang nobya ni Zack….

Written In The Stars

By Autumn Castillo

     Eight New Year’s Eves ago, may isang estrangherong bigla na lamang nagnakaw ng halik kay Chloe. Bago pa siya magtitili, may ibinulong ito sa kanya: ‘When you see a star fall from the sky on an eve like this, then you’ll hear my voice, and we’ll meet again.’ Pagkatapos ay nawala na ang lalaki na parang dark prince na nagnakaw ng kanyang puso.
     Makalipas ang walong taon, may falling star ngang nahulog mula sa langit sa mismong New Year’s Eve! Nagtatakbo si Chloe patungong telepono at pigil-hiningang hinintay na pumailanlang ang isang boses. May sumagot nga sa kabilang linya, pero napakunot-noo siya dahil pamilyar iyon.
     At nag-explode yata ang brain cells niya nang makilala ang tinig ni Nathan Castillo—ang kanyang supladong boss na nagbilin na bawal siyang ma-in love dito….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!