Posted on

Release For My Special Valentine Premium!

Want to read the story teasers?

Like Lovers Holding On

The Ex Files (Book 6 of 6)

By Sachi Bliss

     “You’ll get over him and move on.”
     “I want to start forgetting now.” Kumapit ang babae sa isang braso ni Connor.
     “That’s not possible.” Ninenerbyos na napatawa siya. Masyadong malapit ang dalaga sa kanya na ramdam na niya ang hininga nito sa mga labi niya.
     “Sure it is.”
     At bago pa siya may masabi muli, nagdikit na ang mga labi nila. Ni hindi alam ni Connor kung sino sa kanilang dalawa ang naunang lumapit, ang nag-umpisa. The only thing he knew was how wonderful it felt to kiss her, and he didn’t want to let go.
     Ano ba ang ginagawa niya? Brokenhearted ang babaeng ito. He shouldn’t seduce her, right?
     Hindi nga dapat. Ngunit nang ma-realize niya iyon, parang huli na….

My Lovely Chauffeur

By Doreen Laroya

     Hindi lang nanganganib si Georgina sa kabi-kabilang demanda dahil sa money-making scam ng kanyang kapatid; nanganganib din ang puri niya sa ex-fiancé nito hangga’t hindi niya naibabalik ang perang ninakaw dito ng kapatid.
     Constantly harassed and suddenly jobless, napilitan siyang tanggapin ang alok na maging chauffeur ng mayamang businessman na si Ellis Ferguson para lang unti-unting mabayaran ang mga obligasyon. Ang problema lang, lalaki ang kailangan nito. To the rescue ang kaibigan niyang bakla. In an instant, Georgina became George.
     She was safe for a while. Until Nicolai Durantes came into the scene. Hindi lang ang disguise niya ang nanganganib mabuko ng binata, nanganganib din ang puso niya sa ex-Special Forces operative, na sa malas ay nakilala ni Georgina habang bumibili siya ng briefs para kay ‘George’!

An Angel’s Lies

By Dior Madrigal

     Her savior. Sa mga mata ni Charlotte, iyon si Gabriel Ongpauco. Para itong guardian angel na sinagip siya mula sa mga gunmen na kumidnap sa kanya, binayaran ang utang ng namayapang nanay niya sa isang malaking drug syndicate at dinala siya sa Palawan para makilala niya ang tunay niyang ama.
     How can she not love him? Imposibleng magawa niyang pigilan ang sariling damdamin na mahalin ito nang buong-puso at pag-alayan ito ng sarili nang buong-buo.
     Pero hindi niya alam na sa likod pala ng kabutihang ipinakita nito sa kanya ay isang madilim at pangit na motibo. Ginamit siya ni Gabriel, ginawang pawn. Sa malas, sa lalaki na umiikot ang mundo ni Charlotte nang madiskubre niyang hindi ito ang ‘anghel’ na inisip niya noong una at hindi totoo ang lahat ng pagmamahal na ipinakita nito sa kanya….

Somethin’ Stupid

By Tabitha Luna

     “Sa lahat ng ayoko ay ’yung mga lalaking hindi nag-iisip… ’yung mahihina ang utak.” Iyon ang paninindigan sa buhay ni Rachel Osorde, coordinator para sa literacy program ng Lorenzo Foundation.
     Sigurado siya na she will never, never, never (overemphasis sa never) fall for a guy na hindi kasing-talino niya o higit pa sa kanya.
     Malas lang, may nakikinig pala nang sabihin niya lahat iyon.
     Jacobo Lorenzo hears Rachel’s every word. He takes it as a challenge and sets out to teach the woman a lesson or two by posing as a student in her class.
     Sino ang mag-aakala na sa huli, pareho pala nilang matuturuan ng leksyon ang isa’t isa? And that it would turn out to be the hardest, most painful, yet sweetest lesson of all—love?

The Best Of Romances

By Elise Estrella

     “Apat na taon kitang hindi nakita. Ang dami nating kailangang pag-usapan. Tinakbuhan mo ako pagkatapos tatanungin mo ako kung ano’ng ginagawa ko rito?”
     Mahina ang tinig ni Vince pero matigas iyon, may halong galit at panunumbat. At kung akala ni Margaret ay magaling na ang sugat sa puso niya, nagkamali siya dahil muli iyong bumukas at nagdugo ngayong kaharap na niya ang sanhi niyon.
     “Kasalanan ko ba kung bakit apat na taon mo akong hindi nakita?” sikmat niya. “Sino ba sa ’tin ang unang nang-iwan?”
     Pinandilatan siya ng lalaki. “Ako ba? Ako ang sisisihin mo? Binalikan kita, Meg. Hinanap kita.”
     Kalahati ng puso niya ay tinatanggap ang paliwanag na iyon ng dating nobyo, pero ang kalahati ay naniniwalang, kahit naman noon, hindi na talaga sila para sa isa’t isa….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!