Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Substitute

Women In Love (Book 1 of 4)

By Alexie Aragon

     “Kung mapapatunayan ko bang I’m not a girl anymore, magbabago na ba ang trato mo sa akin?” Boldly, tumayo si Kim sa harap ng lalaki. “Can’t you see the woman in me? Alam ko na ang tama at mali. Sigurado na ako sa gusto ko. I—”
     “Wait. Are you drunk?” takang tanong ni Gerard.
     Siete! Pagkatapos ng pinaghandaan niyang litanya, iyon lang ang masasabi ng manhid na lalaking ito?
     “Hindi ako lasing o nakainom,” singhal niya. “You can smell me if you want.” Hinawakan niya ang collar ng suot nitong polo at inilapit ang mukha rito. Nagtama ang mga mata nila.
     “Very well, Kimberly Reyes. Since you’re claiming you’re a grown-up now, go, prove it to me…” he huskily said.
     Kinakabahang inilapit niya ang bibig sa mga labi nito na ilang taon na niyang pinagpapantasyahang mahalikan….

Captive Heart

Women In Love (Book 2 of 4)

By Alexie Aragon

     Nagtayo ng diagnostic clinic si Andre sa liblib na bahagi ng isang probinsya hindi dahil sa negosyo at lalong hindi dahil sa charity. Ang motibo niya ay para mahanap doon ang taong gustung-gustong makita ng amang may taning na ang buhay. Iyong taong pakay niya ay pinaghihinalaang sumali na sa NPA. Kaya nang makilala niya si Anemone Flores at nalamang may ‘lefty’ ang boyfriend nito, agad siyang nagpasya na dapat siyang mapalapit sa dalaga. Sigurado, kahit kaunting impormasyon ay may maibabahagi ito sa kanya.
     Pero hindi niya alam kung bakit siya naiinis sa kaisipang may nobyo na si Annie….

Delilah’s Descendant

Women In Love (Book 3 of 4)

By Alexie Aragon

     Nang makita ni Renzo si Consolacion ‘Aliw’ Recuerdo, hindi na niya masisi ang tiyuhin kung nahumaling man ito sa magandang dilag. Honestly, inaamin niya sa sarili na may appeal din ang babae sa kanya kahit na nga ba nauna nang nasabi ng mga pinsan ang negatibong katangian nito. Hindi pa man naipagtatanggol ni Aliw ang sarili, boluntaryo na niya itong binigyan ng benefit of the doubt.
     If it’s any consolation, he thinks it would be thrilling to stalk Delilah’s descendant….

The Princess’s Redemption

Women In Love (Book 4 of 4)

By Alexie Aragon

     Mukhang kinakatigan ng pagkakataon si Chesca. Kaninong santo kaya namanata ang ex niya at mukhang itinutulak siya palapit dito?
     Isinumpa ni Atty. EJ Cervantes na hinding-hindi na makikipaglapit pang muli sa dating nobya. Hindi lang basta pride niya ang niyurakan nito noon―his ego as a man as well at lalong-lalo na ang kanyang puso. Minahal niya nang lubos ang babae na anupa’t wala itong hiniling na hindi niya ibinigay. Pero nagawa pa rin siya nitong talikuran.
     Pero ngayong kailangang-kailangan ng pinsan cum best friend niya ng tulong at ang paglapit kay Chesca ang tanging paraan para makatulong siya, walang ibang choice si EJ kundi gawin iyon.
     Gayunpaman, wala siyang balak bigyan ang dalaga ng pagkakataong makabawi sa mga kasalanan nito sa kanya….

Illicit Tenderness

By Dani Alba

     “What worries you, Arianne?” tanong ni Miko.
     “Everything,” mabigat ang loob na sagot niya. “But as of now, kontento na ako sa ganito—malayo sa mga mata ng mga tao, tahimik, walang usapan, walang gulo….”
     “So magtatago na lang tayo parati?” Mapait ang tono nito.
     She sighed heavily. “You don’t understand.”
     “Kaya kitang ipaglaban, Arianne,” matigas na saad ng binata. “Kahit kanino—sa pamilya ko, sa pamilya mo…”
     “I can’t believe you can actually hurt them all.”
     “Matatanggap din nila tayo,” he answered with conviction.
     “Miko, ayokong ako ang maging dahilan ng pagkasira ng magandang samahan ng mga pamilya natin.”
     Iyon lang iyon, tanggapin man nila o hindi: Siya at si Miko, isang kasalanan ang mahalin nila ang isa’t isa….

Chances And Happy Endings

By Alesia Marquez

     May commitment issue? Check.
     Takot sa love? Check.
     Super workaholic to the point of obsession? Check.
     Planado ang buhay? Check.
     Kinda cold? Check.
     Mga katangian iyon ng isang lalaking hindi dapat gustuhin ng isang babae para makaiwas sa isang possible heartbreak. At lahat ng iyon ay nasa bagong kapitbahay ni Krema na si JV Valencia.
     Gayunpaman, kataka-takang curious siya rito at gusto pa rin niyang makilala ito nang lubusan.
     Type ba niya si JV?
     Base sa bilis ng tibok ng puso niya kapag nakikita ito, mukhang check na check!

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!