Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Blue-Eyed Devil

By Dior Madrigal

     Gusto nang sumalampak ni Nina sa sahig at sumigaw ng ‘Why me?’ sa langit habang nakatitig sa namumulang mukha ng kanyang ama. Nahulihan lang naman nitong may kasama siyang topless man sa loob ng bahay niya. Ang nabanggit na lalaki ay walang iba kundi ang blue-eyed devil niyang boarder na siyang dahilan kung bakit umiksi ang life span niya sa nakaraang mga linggo.
     Di puwedeng malaman ng istriktong mga magulang na kailangan niyang magpaupa ng kuwarto sa isang estranghero dahil gipit siya; kung hindi, magkakaroon ang mga ito ng dahilan para pilitin siyang bumalik sa bahay nila. Kaya nagpauso ng kuwento ang malikhain niyang isip; sinabi niyang nobyo niya si Adam McIntosh.
     Kaso may kapalit ang dramang iyon—‘sexual assault’ mula sa mukhang bad boy niyang pekeng boyfriend….

Dear Mr. Right

By Doreen Laroya

     After four failed relationships, with the last ending with her being jilted at the altar, Meriel became a skeptic about love and happy ever after. Magkatulad sila ng mommy niya, habambuhay na lang naghahanap ng Mr. Right. And then, she met Giles Matthew Esperon, a certified playboy extraordinaire. Napupuno ng tensyon ang hangin sa paligid nila sa tuwing magkakatagpo sila sa isang lugar. Meriel can’t deny the attraction, at bigla ay nagsimula siya muling mangarap.
     Subalit malabong si Giles ang kanyang Mr. Right dahil habit nitong magpaiyttak ng mga babae, commitment- phobic ito at hindi naniniwala sa true love. Kahit pa ito ang nakatagpo sa love letter na isinulat niya maraming taon na ang nakakaraan, hindi niya kayang ipakipagsapalaran ang kanyang pusong takot nang masaktan. Pero ang pag-iwas sa binata ay isang napakalaking challenge para kay Meriel….

The Notorious Playboy

By Aileen Samson

     “I just don’t get it. S’abi ng classmates mo, playboy ka raw. Where are your women? Why did you bring me here instead?” sa wakas ay naitanong ni Mikee nang dalhin siya nito sa isang reunion party.
     Natawa si Joaquin. “I’ve changed. Dumating ako sa puntong I just feel so tired waking up on different beds every morning.”
     Whew! Prolific playboy pala ito. Alam niyang nagsasabi ito ng totoo. With his looks and charms, who would not fall for him?
     “Salamat naman at tinigilan mo na ang pagiging playboy,” nasabi na lang niya.
     He chuckled. “I don’t know. I admit, though, I miss kissing a woman.” Nagulat siya nang malamyos siyang kabigin ng lalaki.
     He was an expert at womanizing. At marahil dala ng alak kaya siya nito hinahalikan. Basta ayaw niyang mag-ilusyon na type siya ni Joaquin….

This I Promise You

By Kriss Dela Roca

     Pakiramdam ni Adee ay pinagkaisahan siya ng pamilya niya by agreeing to an arranged marriage at siya ang bride.
     But she didn’t expect that the man she married was not the man she read about in the news; na isa itong manipulative, arogante, at mayabang na business magnate. Ever since she lived with him as his wife, ipinakikita nito ang side ng pagkatao nito na hindi alam ng lahat. Ang side na makulit, sweet, maalalahanin, mapagbigay, pasensyoso, at mapagmahal. At sa bawat araw na nakakasama niya ito ay hindi niya maiwasang umibig na rin sa lalaki.
     Ayos na sana ang lahat kung hindi lamang umeksena ang baliw na ex-girlfriend ni Rome na wala yatang ibang agenda kundi ang maibaba ang pantalon ng kanyang asawa….

A Heartbreaker’s Kiss

By Sachi Bliss

     “Something’s there, Cara, and you can’t just ignore or forget about it like that,” naiiling na turan ni Craig. “I felt it. I know you did, too.”
     Pinagmasdan niya ito. “Don’t be too quick to assume. Wala kang alam sa mga nararamdaman ko.”
     “Do you really believe that, Cara?”
     “Alam mo na umpisa pa lang kung ano ang tingin ko sa ’yo at wala kang magagawang kahit ano para baguhin iyon.”
     Ang totoo, kinakabahan ang dalaga. Hindi siya ganoon kasiguro sa feelings niya. And he’s no ordinary guy. He’s a notorious heartbreaker. At maliwanag pa sa sikat ng araw ang katotohanang wala siyang mapapalang maganda sa lalaki.
Unless she wanted a fling, a short-term thing….

The Only Exception

By Angela Pangilinan

     Matagal nang lihim na iniibig ni Isabelle ang kaopisina niyang si Melvin. Ngunit ni hindi yata alam ng lalaking ito ang existence niya kahit na madalas silang magkasabay sa MRT tuwing umaga at nagkakasalubong sa opisina. Paano naman kasi siya mapapansin ng binata kung ang istilo ng pananamit niya ay para bang nagsa-shopping siya ng mga damit sa National Museum.
     Ngunit isang pangyayari sa opisina ang naglapit sa mga loob nila. At sumunod niyang nalaman, she had given herself to him already. Pero kahit may nangyari na sa kanila, wala pa ring linaw ang relasyon sa pagitan nila.
     Nalaman ni Isabelle, takot palang umibig si Melvin dahil sa nangyari sa mga magulang nito….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!