Posted on

Pink & Purple Release!

Want to read the story teasers?

Brave Heart

By Eunice Xyra

     Isang talon na lang at tapos na sana ang problema ni Lesandrea, isang talon na lang! Kung di lang may lalaking biglang sumulpot at pumigil sa kanya, masaya na sana siya sa kabilang buhay at wala nang problema.
     Gayon na lamang ang pagkulo ng dugo niya nang malamang ang lalaking sumabotahe sa kanyang suicide attempt ay ang mismong lalaking umagaw sa kompanya niya—si Hans De Silva.
     At kung inakala niyang iyon na ang pinakamatinding kamalasang kayang ibigay ng lalaki sa kanyang buhay, mukhang nagkamali siya. Dahil ang mayabang at walang-pusong binata ay nagbigay ng isang kondisyon para muli niyang mabawi ang kanyang kompanya.
     Pero mukhang may balat yata talaga si Lesandrea sa puwit, dahil sa halip, kay Hans tumibok ang puso niyang eengot-engot.

The Knight In Distress

By Mahemaya

     Hinawakan ng index finger at thumb ni Knight ang baba ni Rapy at itinapat sa sariling mukha.
     Ngumisi ang binata. “Balita ko wala ka pang nagiging boyfriend? Malamang wala ka pang first kiss.” Kinabahan lalo siya at nakaramdam ng init sa kanilang dalawa. Napasandal ang likod sa pinto, hinawakan ni Rapy ang doorknob sa kanyang likuran. “Paano kung sabihin ko sa ’yong gusto kita?” Nanghina bigla ang mga tuhod ng dalaga.
     Mga lalaki talaga, kung mang-trip tagos sa puso! Ngayon lang niya naranasan na may lalaking malapit sa kanya, bukod sa tatay niya.
     “Huwag kang matakot, hindi naman masakit ang halikan.” Unti-unting inilapit ni Knight ang mga labi nito sa bibig ni Rapy….

Love Potion

By Gabrielle

     Addict sa gayuma si Trina, pero hindi dahil naghahanap siya ng pag-ibig. Contrary to that, nagpapakadalubhasa siya sa mga love potions upang maiwasan niyang umibig. Iyon kasi ang idinahilan ng kanyang ama na rason kaya ito ‘sumakabilang-bahay’.
     Ang irony, kinailangan niyang humingi ng tulong sa isang taong marunong gumawa ng gayuma para tigilan ng tiyahin ang plano nitong ipakasal siya sa lalaking hindi niya gusto.
     Kamalas-malasan, siya ang nakainom ng gayuma! At dahil ang kaibigan niyang si Menard ang kasama niyang uminom niyon, dito raw siya mai-in love. Halos best friend na ang turing niya sa binata, ayaw niyang magkagusto rito, utang-na-loob!
     O ayaw ba niya talaga? Bakit parang…
     Ah, hindi! Epekto lang ng potion ang nagbabagong pagtingin niya kay Menard ngayon. Baka nga totoong tumalab na iyong gayumang nainom nila….

When You Say Nothing At All

By Angela Pangilinan

     Hindi alam ni Pamela Nepomuceno kung bakit hindi siya pinapansin ng kaklase niyang si Timothy Razon nang makatabi niya ito noong unang araw ng klase nila. Maganda naman siya, galing sa prominenteng pamilya, walang BO at mabango ang hininga, pero olats pa rin. Dahil sa pandededma na ginagawa sa kanya ng lalaki ay nainis siya rito.
     Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay mayroon siyang pagtingin sa guwapo pero iyon nga lang ay supladong si Timothy. At nakaramdam pa siya ng di- maipaliwanag na selos nang tingnan niya ang Facebook account ng lalaki at makitang may kahawak-kamay itong babae sa isang larawan. Di-hamak na mas maganda naman siya kaysa sa kasama nitong iyon. Pero bakit nga ba hindi siya nito pinapansin?
     Hindi maipaliwanag ni Pamela ang pakiramdam nang matuklasan niya ang sekreto ni Timothy minsang nagkasabay silang magsimba….

The Happiness Protection Program

By Autumn Castillo

     Nakasanayan na ni Vanilla na maging shoulder-to-cry on ng best friend niyang si Luigi sa tuwing may pinagdadaanan itong heartbreak. Kaya nag-alala siya sa biglaang engagement nito sa isang babae. Paanong susugod ito muli sa isang potential heartbreak dahil lamang sa isang baduy at imperfect na babaeng kagaya ni Madeline Felicity?
     Dumating ang solusyon ng universe nang lapitan siya ni Nicholas, ang hot at brooding pero nakakainis na best friend umano ni Maddie. Umamin ang lalaki na may pagtingin ito sa fiancée ni Luigi. Para patas, nagsinungaling si Vanilla at sinabing in love din siya sa matalik niyang kaibigan. They made a deal. Sa huling pagkakataon, poprotektahan nila ang happiness ng kani-kanyang best friend.
     Pero lumabo ang kuwento nang isang gabi ay halikan siya ni Nicholas… at nalito si Vanilla kung ang kaibigan pa ba ang kanyang pinoprotektahan o ang puso niya….

Reaching For You

By Elaine Bartolome

     Fiona is contented with her life. Wala na siyang mahihiling pa sa ngayon. Mayroon siyang mapagmahal na pamilya, may crush siyang mukhang may gusto rin sa kanya at may mababait ngunit makukulit na kaibigan. It was enough for her.
     Until one day, Dylan Castillo literally crashed into her. Nabangga kasi niya ang kotse nito. Noong una ay buwisit na buwisit siya sa lalaki dahil sa kayabangan nito, ngunit nang magtagal ay hindi na niya malaman kung ano ang tamang isipin. Dahil minsan ay napakasungit ni Dylan, minsan ay iniinsulto siya, minsan nagiging mabait, at minsan bigla na lang siyang ngingitian nang hindi niya naiintindihan kung bakit.
     Napakagulo niyon para kay Fi. Dahil ang inakala niyang taken na niyang puso ay mukhang balak din nitong guluhin at angkinin….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!