Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Tormenting Flame

By Elaina Larusso

     Hindi makapaniwala si Rachelle na siya ang napiling maging kapalit ng executive assistant ng may-ari ng kompanyang gumagawa ng luxury timepieces, kung saan siya nagtatrabaho. Bakit siya kung may ibang mga empleyada naman na mas qualified?
     Mas lalong hindi siya makapaniwala nang mapansin ang kakaibang mga tingin sa kanya ng bagong boss niya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya kayang iwasan ang mga advances nito.
     Ikinabigla niya nang mag-propose ng kasal si Levin. Masaya man na magiging kanya ang lalaki dahil kahit paano ay nahuhulog na ang kanyang loob dito, hindi inaasahan ni Rachelle na may dahilan pala ang lahat….

If This Isn’t Love

By Jade Anne Franco

     “I’m beautiful,” matatag na sabi ni Natasha at sinalubong ang kanyang tingin. “So don’t think that I don’t recognize a perverted look when I see one.”
     Napapalatak si Travis. “Don’t be too hard on yourself, Natasha… Why deny yourself of pleasure when it’s knocking right at your door?”
     Sandaling tila natameme ito habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.
     I’m handsome, Natasha. So don’t think I don’t recognize a smitten look when I see one, ngisi niya sa sarili.
     Base sa karanasan, wala pang babaeng tumanggi sa kanya. It could take a couple of days or even a week, but in the end, he’d always got them where he wanted them—under him on his bed. On top of him could work, too.
     Napangisi siya at inilang hakbang ang distansya sa masungit na dalaga….

All Of Me

By Dior Madrigal

     Sa tingin ni Loren, mali ang ex-boyfriend niya. Hindi siya ice queen, hindi totoong frigid siya. Dahil kung nagkaganoon, bakit para na siyang bulkan na sasabog anumang oras sa init na nararamdaman niya kada makikita si Caleb Serquiña?
     Parang buhay na sex advertisement, supernova ang level ng hotness ng binatang ranchero na nakilala niya matapos siyang maligaw nang apat na oras sa gubat sa probinsya ng kanyang best friend. Tinulungan siya ni Caleb na makabalik sa bahay ng kaibigan niya at hindi lang iyon.
     She was not supposed to feel a need so consuming for someone she just met.
     But she did.

Just Give Me A Reason

By Jasmine Han

     “Hindi ba kasali sa code of ethics ninyo ang ‘do not mix business with pleasure’? Ilang beses mo na ’yung binali kapag may magaganda kang mga kliyente?” tanong ni Tracy sa ni-hire niyang private investigator.
     “I’ve never mixed business with pleasure before. And I’m not about to start now,” sagot ni Blake.
     “Good.” Pero parang kinurot ang kanyang pride. She wouldn’t mind should he decide to break that code right now.
     “Kaya nga mamadaliin kong matapos ang kaso mo.”
     Napalingon siya sa lalaki. “Dahil natatakot kang i-break iyong code of ethics mo?”
     “Dahil gusto ko nang matapos ang business natin, at puwede na nating simulan ang pleasure,” he answered, smiling flirtatiously at her.
     Dahilan kaya nanghihina bigla ang mga tuhod ni Tracy….

Always Be My Baby

By Mariflor Jose

     “I hate to be blunt, Ralph, pero gusto ko lang malaman kung ano ang pakay mo sa pag-aya mo sa aking mag-dinner?” prangkang tanong ni Roanne.
     “You don’t waste time, do you?” anito.
     “’Yan ang natutunan ko sa Amerika, dapat straight to the point at walang paligoy.” Derecho ang tingin niya sa mga mata ng lalaki.
     “Okay, I guess I have to be straightforward with you. The reason I invited you to dinner is to tell you the reason why we can’t be together.”
     Parang gumuho ang mundo ni Roanne sa narinig. Akala pa naman niya, sa wakas ay tinugon na ni Ralph ang pag-ibig niya rito mula noong thirteen siya. Pero siguro, nakababatang kapatid lang talaga ang tingin nito sa kanya—pa rin.

You Love Me, You Love Me Not

By Adrienne Rowland

     Nalilito na si Carla kung ano ang katayuan niya sa puso ni Ompong. Mahal ba siya nito o hindi?
     Kung pagbabatayan ang espesyal na turing ng binata sa kanya at ang mga ikinikilos nito sa tuwing kasama siya ay ciento porciento siyang sigurado na mahal siya nito. Pero bakit wala itong sinasabi na ‘I love you’ sa kanya?
     ‘Action speaks louder than words’ lang ba ang drama nito sa buhay, o sadyang hindi lang talaga nito masabi ang mga katagang iyon dahil, bukod sa kanya, may Dina pa ito sa buhay? O, ang saklap naman ng life!
Maubos man yata niyang pitasin      lahat ng sunflower sa hardin ng UP, wala pa rin siyang makukuhang kasagutan sa katanungan niya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!