Posted on

Pink & Purple Release!

Want to read the story teasers?

Just A Night With Him

By xxakanexx

     Seven years ago, Sheenalyn Ybarra made a mistake by joining a fraternity. Binago ng desisyong iyon ang buo niyang buhay.
     Pitong taon pagkatapos, muli siyang nakagawa ng pagkakamali: pinasok niya ang teritoryo ni Sancho Consunji at nanganganib na mabunyag ang pinakatatago niyang sekreto.
     Kahit na ayaw niya, mukhang magkakamali rin siyang mahalin ito nang buong-buo.
     Now the ruthless man, who marked her seven years ago, is planning to mark her—again.

Hands All Over

By xxakanexx

     Para kay Aura, sa mga prinsesa lang applicable ang ‘happy ever after’ at mala-fairy tale na mga istorya. Alam niyang hindi siya pangit, pero sa tuwing tititigan niya ang sarili sa salamin, kapangitan at kadumihan ang kanyang nakikita. She wanted to be a damsel in distress and ask for a rescue. Pero sa kalakaran ng kanyang mundo, walang ibang sasagip sa kanya maliban sa sarili niya.
     Hindi niya inisip na si Adam Ignacio Consunji ang darating at mag-aahon sa kanya. Pero hindi para mahalin siya at alagaan. Masyadong galit sa kanya ang lalaki para malimutan ang pangit nilang nakaraan.
     Ganoon pa man, kahit paano ay umaasa pa rin si Aura na darating ang araw na babalik iyong nakilala niyang Adam—iyong Adam na minahal niya noon, at nagmahal din sa kanya nang lubos….

Once Upon A Fishball

By pajama_addict

     Minsan, may mga pagkakataong sayang.
     Minsan, may mga pagkakataong naiisip mong sana.
     Minsan, sayang ang pagkakataong sana ay di mo pinalampas.
     Sayang at sana.
     Sayang, masaya ka sana kasama siya, at sana maulit ang pagkakataong maging parte ng buhay niya na hindi mo sinunggaban dati.
     Sayang. Sana. At ang sampung pisong fishball.

Love Encounters

By mypencil1223

     Expertise na ni Lisa ang pambabasted kay Kyle Anderson. Wala kasi itong ginawa kundi mangulit, eh, ayaw nga niyang magpaligaw rito. May ngitngit pa rin siya sa lalaki matapos siyang mahubuan ng palda noong high school dahil sa kagagawan nito.
     ’Tapos, nadagdagan pa ang kunsumisyon niya nang dumating sa school nila si Brent Spencer. Pinaalala nito iyong katangahan niya isang maulang hapon sa playground kung saan ninakawan niya ito ng halik.
     Kahit sinabi ni Lisa na hindi pa siya magmamahal, kakainin niya rin lahat ng sinabi niya. Pero kanino kaya siya mai-in love—sa lalaking di nagsawa kahit ilang beses na niyang ni-reject, o sa lalaking na-kisszoned niya?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!