Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Best Friend, Mahal Kita

By Doreen Laroya

     Kumbaga sa nobela, overused na ang plot nila: na-in love si Girl sa guy best friend niya, who happens to be in love with someone else. Nag-decide si Gwen na ipaubaya na lang sa mahal nito si Bryce. She stood by the sidelines and silently nursed her broken heart.
     Hanggang sa di-sinasadyang natuklasan niya ang lihim ni Meredith, ang fiancée ni Bryce. Hindi naman puwedeng magsawalang-kibo na lang siya. Pero bago pa man niya masabi rito ang lahat ay galit na sinugod siya ng kaibigan sa opisina and kissed her brusquely bilang parusa.
     The incident changed everything between them. Kaya umalis si Gwen, sa pag-aakalang pati ang friendship nila ay natapos na.
     But her love story has just begun. And it’s about to get better. Iyon ang natuklasan niya sa kanyang pagbabalik….

Playing With Fire

By Sachi Bliss

     Romee never thought she will ever find herself somehow ‘involved’ with a recently brokenhearted man. And someone who is also hellbent on exacting his revenge at that. At her expense. Wala siyang kakayahang tumanggi dahil hawak ni Atom ang isang nakakaeskandalong video ng pinaggagawa niya rito noong malasing siya, bukod pa sa nasilip niyang kabutihang-loob pala ng binata dahil sa pagmamagandang-loob nito sa isang taong mahalaga sa kanya.
     Kahit walang-wala sa plano niya ang inihaing deal ng lalaki, tatanggapin iyon ni Romee. For the sake of her sanity and a chance to get her much deserved big break, she decides to play along.
     But she finds herself slowly playing with fire instead.

Sad Mr. Baraquil

By Sefah Mil

     Excited na magbakasyon si Amelie sa probinsya dahil buong buhay niya ay nakatira siya sa siyudad. Plano niyang mag-gardening dahil naniniwala siyang mayroon siyang green thumb. At nakarating nga siya sa bayan ng San Ildefonsa, kung saan sa gilid ng maliit na bahay ng kanyang dating yaya ay may isang malaking Jacobean mansion na may masukal na hardin na punung-puno ng mga halamang gusto niyang hingin para itanim sa kanyang sariling garden.
     Ang problema, super suplado ng may-ari ng malaking bahay na si Mr. Baraquil—super duper suplado, super hot at super sad.

Ikaw Lamang Sa Puso

By Regine Yoon

     Makalipas ang maraming taon ay muling nagkrus ang mga landas nina Mariette at Vaughn. Ngunit hindi inaasahan ng dalaga na hindi siya mamumukhaan ng dating kamag-aral. Dahil doon kaya mas pinili na lang niyang ibaon sa limot ang bahaging iyon ng kanilang nakaraan.
     Pero nang hingin ng pagkakataon na aminin na niya sa binata ang dati nilang kaugnayan ay hindi niya iyon nagawa.
     Iyon ang dahilan kaya mas pinili na lang niya ang magpakalayu-layo….

Urong Sulong Na Pag-ibig

By Adrienne Rowland

     A jilted bride, that’s what Ludi was. Pero pitong taon na ang nakalipas mula noon. Over naman kung sa nagdaang mga taon ay hindi pa siya naka-recover. Ang suwerte ng ex niya! Siyempre, handa na siyang magmahal muli.
     Bigla at walang babala, dumating si Dan sa buhay niya. A kiss was all it took to make her heart beat again.
     Pero ano ito? Pabagu-bago ang isipan at damdamin niya. One minute she’s in love, then all of a sudden, she will change her mind.
     Sigurado na ba talaga si Ludi na in love siya?

Six Months With Liam

By Joelle Madison

     Tumalim ang mga mata ni Liam. “Baka naman gusto mo talagang makuha ang mana ko?” asik nito matapos niyang tumangging makasama ito sa ilalim ng iisang bubong sa loob ng anim na buwan. Sa kondisyon sa testamento ng ama nito, kung hindi iyon mangyayari, sa kanya mapupunta ang dapat ay mamanahin ng binata.
     “How dare you! Hindi ko din alam ang tungkol sa lintik na mana mo!” asik ni Cadence.
     “If that’s the case, prove it. Gawin mo ang nakalagay sa testament. Kung hindi mo gagawin, iisipin ko na talagang ginawa mong manipsip kay Papa.”
     Bad trip talaga ang supladong ito!

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!