Posted on

Introducing My Special Valentine Presents!

My Special Valentine Presents… Dior Madrigal!

Want to read the story teasers?

Almost Love

By Dior Madrigal (writing as Ella Gualvez)

     “Why are you so angry?” There was innocence in Alvaro’s voice.
     Iniwas ni Enna ang tingin dito at gigil na sumagot, “Tinatanong mo kung bakit? One, you’re trying to control my life. Two, you treat me like I’m your property. Three, you harass me. Four, you drive me insane with your pestering. Five—”
     “Nakita mo ba ang announcement sa magazine tungkol sa engagement ko sa ibang babae?” Napatigil siya sa out-of-the-blue question nito. “Are you jealous?”
     Humagilap siya ng unan at malakas na ibinato ito sa lalaki. Tumatawang sinalo lang nito iyon. “You are jealous.”
     He was right. Kahit gaano pa kahaba ang listahan niya ng mga bagay na ayaw niya ukol sa binata, ito pa rin ang tanging nagmamay-ari ng puso niya….

Bad Love

By Dior Madrigal (writing as Ella Gualvez)

     Mula nang dumating sa buhay ni Janet si Mikhail, nagbago ang tingin niya sa mundo. Nalimutan niya ang sakit na dulot ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Basta kasama niya ito, kakayanin niya ang lahat. They were inseparable and she thought it would be like that forever.
     Then a sweet, fragile-looking girl came their way. Kaibigan ang turing niya kay Hanna noong una. Hanggang sa makita niyang angkin nito ang mga labi ng lalaking mahal niya. She knew then that he would break his promise that he’d always be there for her.
     She felt dark and ugly emotions coiling like poisonous snakes around her heart. She suddenly turned cruel and did what she had to do—inalis niya sa landas nila si Hanna.
     Masaktan na ang lahat ng masasaktan, she vowed to make Mikhail hers alone….

Songs Of The Heart

By Dior Madrigal (writing as Ella Gualvez)

     Motivated by broken heart and ego, determinado si Victoria na makuha ang simpatya ng may-ari ng LV Records para isali siya nito sa all-girl band na binubuo nito. Kailangan niyang makabilang doon para matupad ang plano niyang pabagsakin ang career ng lalaking panloloko ang ipinalit sa pagmamahal na ibinigay niya.
     Pero mukhang hindi madaling mahanap ang kiliti ni Jaime Laurencio. For one thing, ang gusto nito ay umawit siya nang may emosyon, which she found difficult mula nang masaktan siya.
     Then one thing led to another at na-realize na lang ni Victoria na hindi lamang tungkol sa career niya ang itinuro nito—Jaime also taught her the real meaning of love….

Love Pact

By Dior Madrigal (writing as Ella Gualvez)

     Napilitan si Ceci na tanggapin ang alok ni Marcus na sa halip na mag-away, mas mabuting pagtulungan nila ang pagsira sa engagement nila. Ang mga magulang nila ang may pakana niyon at pareho nilang disgusto ang ideya dahil….
     Naman! He was everything she hated in a man! At sa tingin niya, the feeling was mutual. Kung hindi nga lang may punto ang binata, hindi siya makikipag-cooperate dito.
     Then fear and confusion set into her. Bakit ba ito umaakto na parang concerned sa kanya? Ayaw niyang maging sweet, concerned o mabait ang lalaki sa kanya. It was making her…
     Umiling si Ceci. For sure walang ibang meaning ang mga iyon sa isang gaya ni Marcus….

Miss Perfect No More

By Dior Madrigal (writing as Ella Gualvez)

     Sa mata ng lahat, perpekto si Megan Mejia. Sophisticated, demure, elegante at well-bred ang imahe niya sa mga kakilala. But that was all it was—an image. A façade. Kabaligtaran ng lahat ng adjectives na ipinang-de-describe sa kanya ang tunay na Megan. Sigurado rin siyang mawawalan siya ng kaibigan sa opisina kung alam ng mga ito kung gaano siya ka-peke.
     Kaya naman ganoon na lang ang takot niya nang mabuko ni Troy ang pinakatatago-tago niyang sekreto at i-blackmail siya nitong ipagkakalat iyon kapag hindi siya nakipag-date dito. Kandatayo na ang balahibo niya isipin pa lang niya ang magiging reaksyon ng mga katrabaho kapag nakarating sa mga ito kung ano at sino talaga siya.
     Walang ibang choice para kay Megan kundi tanggapin ang paghihiganti ng lalaking nasaktan niya ng pride at puso ten years ago….

Teach Me Love

By Dior Madrigal (writing as Ella Gualvez)

     He could be a leading man in her next erotica novel. Ito ang unang pumasok sa isip ni Marjorie nang masilayan si Nigel Alejo, ang bagong chairman ng school na pinagtuturuan niya. Nangangati tuloy ang mga daliri niya na tumipa sa keyboard at umpisahan ang plot line na naisip niyang gamitin dito.
     Naputol ang perverted imagination niya at nauwi sa horror ang ideas niya nang ipakita nito ang kanyang notebook na ilang araw na niyang hinahanap. Sa pag-iisip ng paraan para malampasan ang sitwasyon, naalala niya ang usual plot lines ng mga nobela niya at nagpasyang gamitin ang isa roon. She told him she would do anything, huwag lang nitong ipaalam kahit kanino ang natuklasan nito. In short, para siyang napasok sa sarili niyang kuwento.
     Nang hagkan siya ng binata, nadiskubre niyang hindi lang pala ang kaguwapuhan ni Nigel ang maaari niyang mapulutan ng ideas para sa mga nobela niya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!