Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

It’s Love After All

By Tarra Buluran

     “Alam ko na kung bakit bigla kang sumama sa akin nang gabing iyon. Dahil kay Papa. You lost your virginity to me just like that dahil hindi mo maatim na ikakasal ka sa isang matanda. You want to disappoint him, right?” Hindi kaagad nakakibo si Ashna, kaya biglang tumawa ang lalaki. “Your silence means yes. Pero bakit ka magpapakasal kay Papa? Marami namang lalaki diyan, bakit sa kanya pa? I guess it has something to do with money.”
     “N-nagkakamali ka,” mabilis na tanggi ng dalaga.
     Kung puwede lamang niyang isalaysay rito ang puno’t dulo ng lahat, gagawin niya mabago lang ang tingin sa kanya ng binatang tumimo na sa puso niya. Dangan lang, ayaw ni Ashna na siraan si Don Eustavo sa anak nito….

Nerd In Distress

By Helene Del Mundo

     She had her glasses on—and nothing else. Ganoon ang hitsura ni Nikki sa mga panaginip ni Brandon Duque at kasalanan iyon ng isang gabing nagkamali ito ng kuwartong napasukan. Imbis na ang kanyang kaibigan, siya ang tinangka nitong akitin…
     Na wala rin namang silbi dahil matagal na siyang attracted sa babae, albeit her nerdy ways. Ngunit nang matauhan, para na siyang ketongin kung iwasan nito.
     Buti na lang, nagkataong anak si Brandon ng nanay niya at kailangang-kailangan ni Nikki ng kanyang tulong dahil doon. May maganda at seksing ideya na siya kung ano ang kanyang hihingin kapalit ng pabor na pinapakiusap ng dalaga….

Forever And A Day

By Doreen Laroya

     Bahagi iyon ng plano ni Claire. Gusto niyang maghiganti sa mga Llanzana dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. And what better way to exact her revenge than to drive Mitch away from his home? At nagawa na niya iyon. Siya na ang nagmamay-ari ng Hacienda Llanzana. She can let it rot for all she cares.
     Ngunit kahit paano, naaawa rin siya kay Mitchell, kahit karma ang nangyayari sa lalaki. He deserved it. Nagbalak ito noong kamkamin ang hacienda nila; sorry na lang dahil kabaligtaran ang nangyari.
     Pero bakit hindi siya masaya?
     Hindi kasi siya likas na masamang tao, iyon ang katuwiran ni Claire sa sarili. Pero iba ang iginigiit ng kanyang puso….

Naengkantong Pag-ibig

By Adrienne Rowland

     Naloloka na yata si Tita Ursula, ang mahaderang madrasta ni Pia. Mantakin ba namang gawin siyang spy sa kalabang resort upang matuklasan nito kung totoo talagang may namamahay na engkanto roon. Mahilig daw gumawa ng kababalaghan sa pag-ibig si Engkantong Valentino, kaya maraming turista ang dumarayo roon na nagnanais magkaroon ng kasintahan o kaya ay asawa. Naiinggit si Tita Ursula sa kasikatan ng resort, kaya inutusan siyang piratahin nila ang engkanto. Labag sa loob niya ang pinaggagawa ng stepmother, pero binantaan siyang aalisan ng mana kapag sinuway niya ito.
     Upang maisakatuparan ang plano ay kailangan ni Pia na mag-apply ng trabaho bilang chef kay Steve Ervas, ang may-ari ng enchanted resort. Hindi lang magandang lalaki, maganda rin ang kalooban ng kanyang amo, at mukhang ang attraction niya sa binata ang sisira sa plano nila ng madrasta….

You Are Summer

By Abby Herrera

     “Did you have fun?” tanong ni Tinoy nang ihatid siya nito.
     “Siyempre. Thank you sa araw na ito.”
     “Do you think puwede nating ulitin? Papayagan kitang titigan ako hanggang gusto mo.” His grin was utterly sexy.
     “Puro ka biro.”
     “No, I’m not joking.”
     Automatic na bumangon sa dibdib ni Yana ang tuwa. “Pero aalis ka rin, di ba?”
     Ikiniling nito ang ulo. “Yup. Eventually. I could postpone it, though.”
     Ang bottom line, aalis pa rin ito. Wala silang usapan, wala siyang dapat asahan. At pagkatapos ng summer, babalik na sila pareho sa dati nilang buhay….

Scripts And Memories

By Autumn Castillo

     Nag-alok si Harris na tulungan si Mari na mapanumbalik ang memorya ng pinsan nitong si Kirk. Dating nobyo ng dalaga ang huli, eleven years ago noong probinsyano ito at hindi pa sikat na matinee idol. Pero nang muli silang magkita, ni hindi siya nito maalala.
     Bilang kapalit, pahihintulutan ni Mari ang binatang director na magsagawa ng video coverage sa lahat ng mga gagawin niya para maalala siya ni Kirk. Gagawin iyong documentary ni Harris.
     Mainam iyong proyekto. At inaasahan na niyang, sa huli, isang engrandeng fairy tale ang masasaksihan ng buong Pilipinas.
     All is going well. Hanggang sa isang gabing malasing si Harris at biglang hinalikan si Mari….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!