Posted on

Pink & Purple Release!

Want to read the story teasers?

Mistakenly Meant For You Part 2

By pajama_addict

     It all started with a glass of water. At ngayon, everything is different from how I planned my life. I now have John, and life is so much better with him around.
     John is not simply my boyfriend. He has also become my best friend. He is my number one fan, too. He has mastered the art of making me fall for him harder everyday. He is my Prince Charming, riding a Ferrari instead of a white horse.
     Pero hindi ganoon kadaling maging ganap na masaya. Maraming gustong sumira sa happy ending namin. Pero iyon ang consequences ng ginawa naming mga desisyon at kailangan namin iyong harapin….

Wicked Ways

By AnnSyvil

     Kilala ni Charlize ang mga tipo ni Ram. He’s the kind of guy who can take off a girl’s panties faster than he can change gears in a race track. Kaliwa’t kanan, taas-baba ang mga babae nito. He is a manwhore, so to speak. Kaya naman, she’s keeping him at arm’s length. Nunca na magkakaroon ito ng tiyansa sa kanya.
     Pero bakit kaya kahit paulit-ulit ang indecent proposal nito sa kanya, lalo pa yatang napapalapit ang loob niya kay Ram?

The Lust Marriage

By Teasethisgirl

     “I’ll do anything. Just please, don’t give up on us. For me.”
     Hindi na niya ako pinasagot. Isang malalim na halik ang binigay ni Paul habang hawak ang batok ko. Halos isang linggo akong nangulila sa kanya at parang napawi ang sakit na nakadagan sa dibdib ko sa tuwing magkakasagutan kami―dahil lang sa isang halik.
     Napatungo ako nang matapos iyon.
     Hinawakan ni Paul ang baba ko para magkatinginan kami. Nahihiyang ibinaling ko sa ibang direksyon ang mga mata ko. Ramdam kong pulang-pula na ang mukha ko dahil sa pwesto namin ngayon.
     “Just say yes, Savanna.”
     Napatungo ako. “P-pero―”
     Hindi siya muling naghintay ng sagot. Yumuko siya at hinalikan na naman ako.
     Just please, don’t give up on us. Paano niya ako nagagawang pasayahin sa isang pitik lang? Paano niya nagagawang kahit magkasakitan kami, isang salita niya lang, kinikilig na ako?

Weight For Love

By yilin04

     Nag-palpitate ang puso ni Yssa nang makita ang bago niyang kapitbahay. Pero natigil ang paghanga niya nang magsimula itong magsalita. Aba’t kaguwapo nga, antipatiko naman!
     Still, hindi niya mapigilan ang paglisaw ng kanyang imagination tungkol dito, lalo’t panay ang display ni Red ng machong katawan sa tapat ng kanyang bintana….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!