Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Like A Dream

The Ex Files (Book 1 of 6)

By Sachi Bliss

     “Don’t do this anymore, David, please.”
     Napakurap siya sa sinabing iyon ni Miranda. “What?”
     “Don’t act as if that night several years ago never happened… don’t pretend as if I ever meant anything to you dahil alam naman natin ang totoo.”
     “At anong totoo ang alam mo?”
     “So cruel of you to even make me remember.” She looked hurt.
     “Dahil baka iba ang alam at pinaniwalaan mo, Miranda. You never gave me the chance to explain then, remember?”
     “I don’t want to remember anymore.”
     David didn’t want her to forget. Bumaba ang mga labi niya sa bibig nito at masuyo itong hinagkan. Nang tuluyang tugunin ng dalaga ang halik niya, na-realize niya ang isang bagay: May magagawa pa siya upang ibalik ito sa buhay niya….

Like A Fairy Tale

The Ex Files (Book 2 of 6)

By Sachi Bliss

     Nawindang si Mel nang makitang sinundan siya ng lalaking parang ewan kung makatingin sa kanya mula nang pumasok ito sa bar. In fairness, he might look dangerous but he didn’t really look like he was about to do her harm.
     “Hey…” His deep, very male voice seems to seep into her.
     Hindi siya nakapagsalita. Tumaas ang isang kilay ng lalaki. His smile looked somewhat mischievous. Nagsimula itong lumakad patungo sa kanya, hindi inaalis ang tingin sa mukha niya. At tila ipinako siya sa kinatatayuan ng tinging iyon. His look seems to promise a thousand things.
     Gusto niya sanang komprontahin ito. Sino ba ang estrangherong ito? Ano ang balak nitong gawin sa kanya?
     Bago pa niya iyon masabi, nahila na siya nito at hinahagkan nang mariin na tila ba karapatan nito iyon….

Like A Magic Spell

The Ex Files (Book 3 of 6)

By Sachi Bliss

     Sydney has been done with love, years and years ago. Gaya ng mga walang buhay na sineserbisyuhan nila, nag-rigor mortis na rin yata ang puso niya.
     Pero nagkita sila ng first love niyang lalong gumuwapo. Ang first love na kung dati ay parang laging naaalibadbaran kapag nakikita siya ay ganoon na lang kung tingnan at ngitian siya ngayon. Hindi niya alam kung bakit mabait na si Wesley sa kanya. Sinubukan niyang huwag maapektuhan masyado ng kung paano siyang minamasdan nito na para bang nagagandahan pa ito sa kanya sa halip na naaalibadbaran kagaya noon.
     She is beginning to like it and it’s unnerving her at the same time. Hindi pala rigor mortis ang puso niya, dormant lang.
     Bad trip.

Like The First Time

The Ex Files (Book 4 of 6)

By Sachi Bliss

     “I’m not sure if Shaun told you anything about where you should go if ever something like this happens…” umpisa ni Trevayne, na ang tinutukoy ay ang common friend nilang ngayon ay nasa ospital at kritikal ang kalagayan dahil sa tangkang pagpatay rito.
     “He told me to stay at his unit in Brighton. Iyon ba?”
     “Yes. At ngayon na. It would be dangerous for you to keep staying where you are now.”
     Napabuntong-hininga si Divine. “Fine. Pero dumaan muna tayo sa bahay para kunin ang gamit ko.”
     “Good. My stuff is already there, too.”
     Takang minasdan niya ang katabi. “Anong your stuff is—”
     Matamang tiningnan siya ni Trevayne. “We’re staying together, Divine. Iyon ang bilin ni Shaun.”
     It only took one look from this man, and everything came rushing back like a tidal wave. Mga dahilan kung bakit sa nakalipas na mga panahon ay wala siyang ibang minahal….

Like Wishes Coming True

The Ex Files (Book 5 of 6)

By Sachi Bliss

     “I think I should start laying down a few house rules.”
     Kunot-noong nilingon ni Dawn si Earnest. “Like what rules?”
     “Like, bawal kang tumingin sa akin ng more than five seconds.”
     Natawa siya. “Bakit, na-co-conscious ka?”
     He smiled. “Not really. Pero lumalakas ang loob ko.”
     Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. “Feeling mo gusto kita? Naguguwapuhan lang ako sa ’yo.”
     “That’s a start.” Ngumisi ito at muli, gusto ni Dawn na murahin ang sarili.
     Alam niya kung ano ang nararamdaman ni Earnest sa kanya. At sa kabila ng palpable tension sa pagitan nila, hindi tamang paasahin niya ito. Dahil ayaw niyang magsisi sa huli o masaktan ang binata….

Loving Red

By Basha Eugenio

     Nagtungo sa Maynila si Kelly at nakipagsapalaran sa paghahanap ng kalayaan dahil pilit siyang ipinagkakasundo sa lalaking hindi niya nakilala. Itinago niya ang katauhan sa mala-Miss Minchin attire at pekeng identity.
     And then, she met Red. Ito ang boss niya na saksakan ng antipatiko at guwapo. Kilala ito sa opisina nila na kilabot ng mga sekretarya, kaya naman naamoy niya na siya ang next target nito. O assuming lang ba siya?
     But when she learned of his sweet side, she fell in love with him. Naibaba nito ang sing-taas ng Eiffel Tower na pride niya at sa kasamaang-palad ay naisuko niya rito pati ang Bataan.
     At mukhang nag-iwan pa ito ng ‘souvenir’ kay Kelly kung kailan handa na siyang harapin ang kapalaran sa lalaking ipinagkasundo sa kanya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!