Posted on

Release For My Special Valentine

Want to read the story teasers?

Parang Tayo, Parang Hindi

By Ramonna Alvarez

     Isang gabing miserable si Mac sa isang bar ay may nakausap siyang babae na naghahanap ng taong puwedeng sumapak sa ex nito para makaganti. ‘Rhys with no last name’ umano ang pangalan nito. Dahil nagkataong nasa bar ding iyon ang babaeng nag-reject sa kanya, isang halik mula sa estranghera ang hiningi niyang kapalit ng ipinapagawa nito. Gusto niyang ipamukha sa nambasted sa kanya na mabilis lang siyang naka-move on dito. Natuloy naman ang deal. The woman kissed him and he punched her ex.
     Iyon nga lang, hindi roon natapos ang lahat. Dahil sa pareho ring gabi ay may nangyari sa kanila at naulit iyon nang naulit. Kahit malabo ang status nilang dalawa….

A Love Story In Sagada

By Selena Arcangel

     “Where do you think you’re going, Cailey?” pigil sa kanya ni Aaric.
     Pumiksi siya mula sa pagkakahawak nito. “Kailangan ko nang umalis. Naghihintay na sa akin si—”
     “Sino? Si Kean?” galit na putol nito. “Di ka na sasama sa lalaking iyon!”
     Napabuntong-hininga siya at gusto niyang mapaiyak. Napakagat-labi siya upang pigilan ang pagtulo ng luha. “Aaric, kailangan ko na talagang umalis.”
     “Fine!” biglang pagpayag nito na ikinagulat niya. “But I’m going with you.”
     Pinanlamigan ng katawan si Cailey sa sinabi ng kausap. Madidiskubre nito ang sekretong limang taon niyang itinago, sa oras na sumama ito sa bahay niya. At madadagdagan lang ang dahilan para lalo siyang kamuhian ni Aaric….

Flowers For Artemis

By Joelle Madison

     Isa sa mga kondisyon ng lolo ni Vergil bago ipamana sa kanya ang kompanya nito ay ang pag-vo-volunteer niya sa isang foundation for homeless children sa loob ng limang buwan. Umano, gusto siyang turuan ng abuelo dahil masyado siyang materialistic at iresponsable.
     Sa paghahamon sa kanya ni Helena Lopez, ang babaeng kontrabida sa buhay niya, pumayag na rin siya. Gusto niyang pamukhaan ito at ang lolo niya, na kaya niyang maging karapat-dapat para maging CEO ng kompanya nila.
     Pero sa huli, parang si Helena na lang ang gusto niyang kumbinsihin—na mabuti rin naman siyang tao at karapat-dapat pagkatiwalaan ng puso nito….

Doctor Love

By Abby Herrera

     Mula noong fourteen years old siya, crush na ni Yelen si Damon De Guia—ang best friend ng kanyang kuya na halos ampunin na rin ng kanilang pamilya. Kaso little sister lang yata ang tingin nito sa kanya at walang kaide-ideya sa pagsintang pururot niya para rito. Nang lakas-loob siyang umamin noong gabi ng kanyang graduation party, rejection ang napala niya.
     Ngayong nagbalik ito sa bansa, hindi na niya sana gustong makadaupang-palad ito kahit pa imposible iyon.
     Pero ngayong ipi-feature ng magazine nito ang clinic niya, mukhang pahihirapan siya nitong makaiwas. Dagdag sa pagkaasiwa ni Yelen ang kaalamang lalo lamang gumuguwapo si Damon habang lumilipas ang panahon….

Electronic Heart

By Alexie Aragon

     Anji Jimenez, a quality assurance analyst by profession, is a conformist. Hindi lang pagdating sa trabaho kundi maging sa real life. Nalagay sa balag ng alanganin ang mga kinalakhan niyang moral and social standards nang muling magbalik-eksena ang ex-boyfriend niyang si Francis, na ngayon ay may asawa at anak na.
     Sa umpisa, matigas at pinal ang kanyang pasya: kailanman ay hindi siya sasapi sa PNMK o ‘Pederasyon ng mga Kabit’. Pero sa kalaunan, nasumpungan niya ang sariling tumutugon at nag-e-enjoy sa mga yakap at halik ni Francis—ang ex niyang nangakong hihintayin siyang maka-graduate, pero ilang buwan lang ang lumipas ay nakabandera pa sa mga pahayagan ang pagpapakasal.
     Limang taon pagkatapos, muli silang nagkita. Pareho silang hindi pa rin nakaka-move on. Pero hindi pa rin handa si Anji na maging second woman, not even for the man she’d loved all her life….

Game Of Love

By Eunice Xyra

     Nasanay si Madel sa solong atensyon at pagmamahal ng daddy niya sa kanya. Growing up with only him by her side, naitanim na sa isip niya na kanya lang ang pagmamahal nito. Kaya halos gumuho ang mundo niya nang malamang ikakasal na ulit ito sa iba.
     With her evil plans, she vowed to stop her father’s stupid marriage with Martha. Lahat ay umaayon sa plano hanggang sa dumating si Jovan, ang nag-iisang anak ng future stepmom niya. Akala ni Madel, magiging problema niya ito. Pero mukhang nagkamali siya. Ito man ay hindi sang-ayon sa kalokohang marriage plans ng dalawa.
     Magtagumpay naman kaya silang pigilan ang kasal ng mga magulang nila? Kaya ba nilang paglaruan ang pag-ibig? O baka iyon pa ang maglaro sa kanila?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!