Posted on

Pink & Purple Release!

Want to read the story teasers?

Sofia The Nuno Slayer

By Ella Gualvez

     May kakaibang kakayahan si Sofia dahilan kaya freak ang tingin sa kanya ng mga kaklase. Kasali si Noah sa mga nawiwirduhan sa kanya, pero mukhang mas nakuha niya ang interes nito nang sabihin niyang may kasama ito palaging bata na hindi nito nakikita….

My OTP

By Jade Anne Franco

     Popular dahil sa kanyang beauty and brains, dapat lang na isang kagaya ni Daniel Toledo na guwapo, mayaman, at galing sa mahusay na pamilya ang makatuluyan ni Kimberly Linnea. OTP talaga sila.
     Kaso panira ng eksena ang schoolmate nilang si Joshua Arcenas. Kung kailan papa-sweet na ang eksena, saka ito biglang sumusulpot. Nababawasan tuloy ang kilig niya at napapalitan ng pagkaimbiyerna sa lalaki.
     A little accident leads Kimmy to know the real, and a lot more adorable Joshua… and then, confusion sets in.

My Sweet Callie

By Quinn_Lauren

     Mutual hatred ang meron sila. Since time immemorial, para nang aso’t pusa sina Callie at Ethan na di magkasundo. But destiny played a little game at nalaman na lang nilang ipinagkasundo sila sa isang arranged marriage ng kanilang mga magulang na solid fans ng kanilang love team!
     Sa unang pagkakataon, nagkasundo sila para pansamantalang pagbigyan ang kabaliwan ng kanilang mga magulang. Pero hindi ibig sabihin n’un, gusto na nilang makasal sa isa’t isa, ah! ’Wag na oy!

Falling For The Wrong Guy

By fraeraine

     Nag-palpitate ang puso ni Yssa nang makita ang bago niyang kapitbahay. Pero natigil ang paghanga niya nang magsimula itong magsalita. Aba’t kaguwapo nga, antipatiko naman!
     Still, hindi niya mapigilan ang paglisaw ng kanyang imagination tungkol dito, lalo’t panay ang display ni Red ng machong katawan sa tapat ng kanyang bintana….

When August Meets Venice

By Fraeraine

          Kung ganda rin lang ang pag-uusapan, hindi pahuhuli si Venice. May problema nga lang, wala siyang datung at ni hindi siya nakapag-college. Better late than never, she believed, kaya’t ginawa niya ang lahat para makapag-enrol this sem. There she met August, ang batang-batang prof na nagpakilig sa kanyang puso. Hindi lang kasi ito matalino, mayaman na at guwapo pa!
     But there’s just one problem, antipatiko ito at bongga kung ipahiya siya sa loob ng klase. Kaya’t ‘di na niya hinangad na magkagusto din ito sa kanya. Imposible!
     Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, nagising na lamang siya isang umaga na katabi na ito sa kama. But instead of apologizing, “you cannot use this to blackmail me!” ang ibinungad nito sa kanya. Anong akala nito? Na maghahabol siya? No freakin’ way!

My Favorite Mistake

By InnerSmile7

     Daniella’s young heart has always been in love with Kendrick. Kaya nang paalis na siya papuntang Amerika upang doon magpatuloy ng pag-aaral, napagdesisyunan niyang ipagtapat ang lahat ng nararamdaman dito.
     Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay ang kapatid nitong si Kyler, ang kanyang best friend, ang nakarinig ng lahat ng sinabi niya!

Fan Girl

By Dyosa Maldita

     Cassiopeia Cheng. Iyan ang pangalang hindi nagpapatalo. Iyan ang pangalang nakukuha ang lahat ng gusto. At iyan ang pangalan ko.
     Pakialam ko ba kung milyun-milyong fan girls ang kaagaw ko kay Zero Choi, basta kami ang magkakatuluyan. Period!
     Iyon ay basta tigilan na ni Zero ang kade-deny na ikakasal na kami at itrato ako bilang fiancée at hindi lang bilang isang fan girl….

Mistakenly Meant For You Part 1

By pajama_addict

     I am Irina Ysobel Samonte. My friends call me ‘Ice’. I had everything planned—pag-aaral, pag-aabogasya, then, travel around the world.
     Unfortunately for me, fate has a sense of humor. And it all started with a glass of water. Who would have thought na sa isang basong tubig lang, magugulo na ang buhay ko?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!