Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

By Your Side

By Dior Madrigal

     This is not Simon’s brightest idea, but he hopes it will work. Isa pa, nagkaroon ng pag-aaral tungkol doon. Ayon sa isang study, ang pagsunod sa gut feelings sa mga split-second decisions ay may logical basis. Subconsciously, sa intuitive level, may kakayahan ang utak na magproseso ng positive at negative factors sa mga options para makagawa ng magandang desisyon. Nag-rely siya sa kanyang gut instinct nang magpanggap siyang boarder sa bahay ni Barbara Sancristobal.
     Matigas ang babae at hindi payag na ibigay na lang sa kanya nang mapayapa ang anak ng kanyang late brother. Kailangan niyang mapalapit sa dalaga para mahanapan ito ng butas na puwede niyang gamitin laban dito sa oras na magharap sila sa korte.
     Walang lugar ang libido niya sa planong ito. But he cannot keep himself from thinking about knowing Barbara intimately….

Irresistible Attraction

By Helene Del Mundo

     Nang makilala ni Isaac si Hazel Del Fierro, naniwala na siyang posible ngang maging dahilan ng giyera ang mukha ng isang babae.
     The woman takes his breath away with her exquisite beauty and sensuality that he wants to believe he has met Aphrodite herself or some mythological siren. Ang nakabibigla, fascinated ang magandang dalaga sa kanya at hindi nito itinatago iyon—kita iyon sa kislap ng mga mata nito, sa matatamis na ngiti at nakumpirma nang sabihin nitong liligawan siya nito kung kailangan.
     Pero hindi niya puwedeng hayaan lang ang perverted ideas niya ukol sa babae na magsumiksik sa kanyang isipan. Hindi iyon maaari. A man about to get married to the woman he loves is not supposed to lust after another woman. Hindi ganoong klase si Isaac.
     Ngunit masyadong determinado si Hazel para maniwala at sumuko na lang matapos niyang i-reject….

Charmed In Vietnam

By Karen Celerio

     Pamilya ang isa sa mga dahilan kung bakit napapayag si Nicole sa isang weird na kasunduan. Bukod pa roon, tila naengkanto siya sa charm ng playboy na si Mateo de Ortaleza na siyang sangkot sa deal na iyon.
     Tila napakadali ng misyong iniatas sa kanya subalit nang makita niya sa personal ang binata at pinakitaan siya nito ng pagka-playboy, nahulog na si Nicole sa bitag na siya mismo ang gumawa. Sino ba naman ang makakatanggi sa isang sweet, guwapo at may makapanindig-balahibong boses na si Mateo?
     Subalit hindi niya tiyak kung maiintindihan siya ng lalaki sa oras na malaman nito ang totoo. Higit doon, kung magagawa pa ba nitong mahalin siya kapag buko na ang kanyang plano….

Irish Nights

By Elise Estrella

     Hindi kaila kay Sean O’Reilley ang mga babaeng naghahanap ng asawa sa Internet at iyong mga nagbebenta ng sarili kapalit ng citizenship. Hindi imposible na mail-order bride ang fiancée umano ng kanyang half-brother.
     Maganda si Evangeline Lorenzo. Mukhang inosente at mabait. Pero hindi porque mukha itong hindi makabasag-pinggan, ibig nang sabihin ay hindi ito gold digger at manggagamit. Naiinis siya sa kanyang kuya at naaawa na nagpapagamit ito sa isang babae dahil lang nadala ito sa kagandahan ni Evie. At galit siya sa dalaga sapagkat nakuha nitong isahan ang isang napakabait na lalaki.
     Ang hindi niya maamin ay nakakadama rin siya ng disappointment at betrayal. Dahil unang beses siyang na-attract sa isang babae sa loob ng matagal na panahon, mababang uri pa ang natipuhan niya….

The Hot Recruit

By Jade Anne Franco

     Isinumpa ni Caylene sa sarili na ipaghihiganti ang kamatayan ng kanyang kapatid. Para magawa iyon, ilang linggo niyang minanmanan si Raymond Aparilla, ang anak ng may-ari ng human trafficking business na nagkukunwaring modeling agency. Sa huli, nagpanggap siyang aspiring model para mapasok ang kuta ng kalaban.
     Pero malaking hadlang sa mga plano niya ang alalay ni Raymond na si Wilson Garcia. Mula sa una nilang pagkikita, naging abala na ito sa kanya. Mula sa pagsasaboy sa kanya ng beer, pagkumbinsi sa amo nito na huwag siyang kuhaning model… at ang buwisit, pagkamalan ba naman siyang prostitute!
     Pero hindi niya kinaya ang huli nitong ginawa—he kissed her and awakened a need so strong within her….

Tami’s Love

By Doreen Laroya

     Don Simeon dela Fuente gave Jeffrey a very serious task. He is to obtain a DNA sample from a girl whom he believes to be his long-lost daughter.
     Gusto niyang magdabog nang ibigay sa kanya ng matanda ang utos. He’s a software architect, not a detective! Ano’ng alam niya sa DNA? Pero hindi siya nakatanggi sa taong bukod sa pagiging employer niya ay itinuring na niyang pangalawang ama. Ang naging tactic niya? Get close to the subject… very, very close.
     Nagawa naman niya ang misyon. Nagkaroon lang ng pagbabago sa plano dahil nagsimula ang assassination attempts sa buhay ni Tami.
     Dahil doon ay nagbigay muli ng utos si Don Simeon sa binata. He is to keep her safe and protected habang hindi nahuhuli ang culprit.
     This time, he’s more than willing to do his job….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!