Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Love Kita, Sir

By Darla Domingo

     “Why does this feels like goodbye?” tanong niya nang ihatid siya ng binata sa tapat ng pinto niya.
     “Shh…” saway ni Jax. “No goodbyes, Alyssa.”
     “No promises, either,” hindi niya napigilang isatinig.
     Malamlam ang mga matang tinitigan siya nito. “I am sorry, Alyssa. I know I am selfish. I am unfair. I cannot even promise things will be all right. But I want you to know how special you are to me. I’ll always have you here.” Dinala nito ang mga kamay nila sa dibdib nito, sa tapat ng puso. Ramdam niya ang pintig niyon. It may be beating for her, but she knew he would not go after his heart.
     Mas maagang matanggap iyon ni Alyssa, mas mabuti. Dahil kahit pa batid niyang mahal din siya ni Jax, hindi niya ito pipiliting siya ang piliin….

If I Should Love You

By Terri Dizon

     Para kay Dr. Moira de Castro, hindi sapat na magaling siya at matalino, kailangan din ng tamang koneksyon. Kaya nga sumipsip siya nang husto sa dati niyang superior para i-mentor siya nito. Iyon din ang rason kaya ganoon na lang ang kaba niya nang malamang ang lalaking tinarayan niya sa parking lot ng ospital ang siya palang bagong head nila sa Neurosurgery Department. Nadagdagan pa iyon ng ilang unpleasant meetings sa pagitan nila.
     Paano siya ii-style ng pagpapansin kay Dr. Adam Laurencio, ganoong pangit ang impression na iniwan niya rito? Hindi niya maatim na tanggaping magpapaalam siya sa matagal na niyang pangarap.
     Mukhang kailangan na ni Moira na gamitan ito ng kanyang charms. Tingnan lang niya kung kayanin pa siyang i-resist ni Adam….

The Charming Thief

By Doreen Laroya

     Dalawang bagay lang ang kailangan ni Caitlin mula kay Ellis Ferguson; ang titulo ng lupa’t bahay nila sa Palawan at ang pearl and ruby brooch na pag-aari ng kanyang nasirang ina. Napunta ang mga ito sa binata dahil walang habas iyong ipinusta ng kuya niya sa isang poker game at naipatalo.
     Para makuha ang pakay, kailangan niyang makalapit sa napakayamang negosyante. At para magawa iyon, dapat niyang ibigay ang weakness nito: sex.
     She never expected that she’d enjoy her first time experience with him. Pero nahuli siya nito sa aktong papatakas na bitbit ang dokumento at ang alahas. At bago pa siya magkaroon ng tsansa na magpaliwanag, nadamay siya sa pag-kidnap sa binata. In the midst of peril, Caitlin didn’t realize that she had stolen Ellis’ heart, too….

Substitute Bride

By Dana Rivera

     Debut ng ate niya nang makatagpo ni Sandy si Martin sa isang napaka-weirdo at kahiya hiyang insidente sa ilalim ng isang puno. He was only twenty-two then, habang fourteen pa lang siya. Kinalaunan, mukhang magiging potential brother-in-law pa niya ang lokong walang kamalay-malay sa pang-ha-harass sa kanya!
     Oh, alam niyang lalo itong gumuwapo matapos ang ilang taon at CEO na rin ng kompanya, pero para sa dalaga, Martin is still an annoying soul. Oo, kahit pa ang totoo ay lihim niya itong pinagnanasaan.
     Ngunit isang araw ay nagising si Sandy na hindi na siya supposed sister-in-law ng lalaki, sa halip ay asawa na ng guwapong bipolar….

Yakap Ng Kahapon

By Marianna Ruiz

     “Magkaliwanagan nga tayo. Bakit mo ginagawa ito, ha? Puwede ba, huwag mo nang ipaalala ang nakalipas? Tigilan mo na rin ang pagbigay ng mga pabor sa akin. Just stop being good to me!” asik niya kay Dustin.
     “I can’t, Yna. You mean a lot to me and it’s our past that makes me endure the present.”
     “Oh, please shut up! Kilala kita, Dustin Villarosa. Saksakan ka ng sinungaling,” buong pait na sagot niya. “Bakit ka pa ba bumalik-balik, ha? Okay na ako, eh. May successful career, marangyang buhay, at mapagmahal na nobyo―kompleto na. Pero mula nang dumating ka, bigla para na namang may kulang. Ginugulo mo parati ang buhay ko!” Nalaglag ang luha mula sa kanyang mga mata.
     Walang salitang nilapitan siya nito at masuyong niyakap. Hindi inasahan ni Yna ang epekto niyon. It felt like coming home after five long years….

My Eyes Adore You

By Edna Reyes

     Bonn Alarcon is going blind. Mahirap para sa kanya ang tanggapin na mababago ang lahat sa kanyang buhay sa sandaling tuluyan siyang mawalan ng paningin. Upang makaiwas sa pang-uusisa ng mga kaibigan, ipinasya niyang lumayo.
     Everything seems fine until he finds himself struggling with falling in love with Mayette. Ang dalaga ang naging personal staff niya at nagsilbing mata habang patuloy na nanlalabo ang kanyang paningin. Mula nang dumating siya sa Encabo Hotel, alam na niyang attracted siya rito, at ito sa kanya. Pero disente siyang lalaki at ang patulan ang fascination ng isang gaya ni Mayette ay wala sa kanyang karakter.
     Gayunpaman, hindi niya alam kung hanggang kailan niya magagawang pigilan ang sarili na pagmasdan ito habang may paningin pa siya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!