Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Unexpected Prince Charming

By Vanessa Corral

     “By the way, there’s something that I wanted to do na hindi ko nagawa sa kasal natin kanina.” Damien’s eyes shone in amusement and his lips curved into a sexy smile. “I forgot to kiss my bride.”
     Naalarma si Brianna at umatras. Hindi porque pumayag siyang magpakasal dito para huwag makulong ang tiyahin niya ay may karapatan na itong gawin ang anumang nais nito sa kanya.
     She was looking for a Prince Charming and not some heartless beast na kayang magmanipula ng kahit sino makuha lang ang gusto.
     Pero imbis na mainis ay iba ang nararamdaman ng pesteng puso niya sa asawa. At sa bawat araw na magkasama sila ay unti-unting nahuhulog ang loob niya rito.
     Hala, ano ang nangyari?

Sweet Compromise

By Connie C. Causing

     Walong taon matapos manatili sa Amerika, nag-balikbayan si Desiree sa Pilipinas na isang bagay lang ang nasa isip: ang mabawi ang kanilang farm mula sa bago nitong may-ari at iregalo iyon sa amang maysakit.
     Pero hindi niya inasahang bibilhin niya iyon sa ex-boyfriend niyang si Lance. Dahil sa ginawa niyang pang-iiwan dito noon, halos imposible nang pagbigyan siya nito na makuha muli ang dating property ng kanyang pamilya.
     Ngunit nakahanda siyang gawin ang kahit ano, mapatawad lang siya ng binata at maibigay sa magulang ang farm na alam niyang napakahalaga rito.
     Kahit ano. Ibig sabihin, maging ang tanggapin ang kondisyon ni Lance na tumira sa bahay nito at magpanggap na asawa ng dating nobyo sa loob ng isang linggo….

Lovingly Yours

By Marianna Ruiz

     Russia Laudel is every man’s dream. Sanay siya na maging sentro ng atensyon palibhasa maganda at mayaman. Nang maging ganap siyang doktor, hiniling ng kanyang mga magulang na magpa-assign siya sa remote at depressed na lugar bilang pagtupad sa isang panata. Pero ang totoong naging kalbaryo ng dalaga ay hindi ang bigat ng trabaho o kasalatan ng buhay sa Concepcion kundi ang binatang may-ari ng kanyang inuupahang bahay.
     Apparently, her beauty has no effect at all to her landlord Jake. Hindi maganda ang impresyon nito sa kanya at hindi naniniwalang kaya niyang magmahal ng iba bukod sa kanyang sarili. Na-challenge siyang paibigin ito. Hindi nga lang niya inaasahan na siya ang ma-i-in love sa binata. Bigla, ang kanyang munting adventure ay naging komplikado.
     Especially when Russia’s fiancé arrived in Concepcion, ready to claim what’s rightfully his….

True Romance

By Doreen Laroya

     “Don’t you dare make a scene!” asik ng lalaki. Mahigpit ang hawak nito sa braso niya, matalim ang tingin ng kulay abong mga mata, halata ang galit sa kanya.
     Nangunot ang noo ni Florence.
     Being the incurable and hopeless romantic that she is, hindi niya makontrol ang bisyo niyang pag-iyak sa mga kasalan. At iyon ang ginagawa niya ngayon. Iyon lang ang kasalanan niya, kaya bakit ganoon kainis sa kanya ang estrangherong ito? Hindi naman siguro labag sa batas ang umiyak sa kasal ng iba?
     Pero mukhang labag iyon sa batas ng matangkad na lalaking kaharap niya. Inakala nitong siya ang ex-girlfriend ng brother-in-law nito at nagbabalak siyang manggulo sa pagsasama ng bagong mag-asawa. Para hindi niya umano magawa iyon, isinama siya nito at dinala sa isang probinsya na nasa kabilang dulo ng Pilipinas….

The Heart Of Paris

By Fely Umali

     “Tell me, is Christophe your boyfriend?”
     Kahit iyon ang gusto ni Moonlee na palabasin nitong nakaraang mga linggo sa mga mata ni Paris, ikinagulat pa rin niya ang tanong na iyon ng binata. “I don’t think—”
     “Tell me! Is he your boyfriend?” galit na ulit nito.
     “That’s none of your business!” pasinghal na balik niya.
     Bakit ba nagkakaganoon ito? Wagas kung ignorahin siya ng kausap sa loob nang mahigit isang buwan na nagkakasama sila, pagkatapos ngayon, bigla na lang itong aakto nang ganito na para bang pinagtaksilan niya ito.
     Pinagmasdan siya ni Paris at gustung-gusto na ni Moonlee na maniwalang kagaya niya, hindi nabago ng sampung taong pagkakahiwalay ang pag-ibig nila….

Spying On The Supermodel

By Mary Santiago

     Sa tingin ni Tessa, kabaliwan ang gusto ng kanyang best friend na palihim na bantayan niya ang boyfriend nito habang wala ito sa bansa.
     Unang-una, hindi siya naniniwalang tatagal ang bago nitong boylet. Maraming beses na nitong naipagkamaling pag-ibig ang kung anong damdamin nito para sa mga lalaking nakarelasyon. Pangalawa, napakaganda ng kaibigan niya para ma-insecure sa kung sinumang magkakagusto sa modelo nitong nobyo. At pangatlo, wala siyang planong mag-babysit sa kung sino, ano! Kahit pa kasing-guwapo ng Arman na iyon.
     Pero nakuha siya sa emotional blackmail ng best friend niya at napapapayag siyang maging secret spy sa buhay ng nobyo nito. Hindi na bale, ilang buwan lang naman. How bad could it get?
     But how very wrong Tessa was….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!