Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

100% Crazy Love

By Ingrid De La Torre

     Sigurado si Saskia, tinamaan siya ng pana ni Kupido. Dahil kahit na mukhang de-bateryang robot ang binatang si Chace Aldeguer ay gustung-gusto pa rin niya ito. He was her ultimate crush. Buong akala niya ay pareho sila ng nararamdaman para sa isa’t isa, ngunit tahasan nitong sinabi sa kanya na hindi siya nito gusto. Tila hinampas ng tubo ang puso niya, kaya ipinangako niya sa sariling kakalimutan na ito.
     Akala niya ay hindi na muling magtatagpo ang mga landas nila. Ngunit napasok siya sa isang sitwasyon kung saan kailangan niyang umentra ulit sa buhay ni Chace upang pigilan ang nakatakda nitong kasal. Sa kung anong biro ng tadhana, siya na sisira sana sa kasal, ang naging future esposa ng groom!

Deeply In Love

By Kriss Dela Roca

     Nuknukan man ng guwapo, pero alam ni Misha na malaking gulo lang ang dala ni August Santander sa buhay niya. Wala itong ginawa noon kundi ang asarin siya at ipaalala sa kanya na anak lamang siya sa labas.
     “Hello, Misha,” matamis ang ngiting bati nito. “Good to see you after all these years.”
     “I’m sorry, Sir, but do I know you?” kaila niya.
     Tinitigan siya nito bago muling nagsalita. “I’m sorry if I’m being rude, but to refresh your memory…” Bago pa man niya nahulaan ang gagawin ng binata ay nakalapit na ito sa kanya, nahapit ang baywang niya at magkahinang na ang kanilang mga labi.
     Hindi puwede ito! Naloko na, mukhang nahuhumaling na naman siya kay August….

Blackmailing A Rebel

By Joelle Madison

     Papalugi na ang kompanya ng pamilya ng lumaking rebelde na si Kyra Alejandrino. Inalok siya ng big-time businessman na si Gerard Quirino ng tulong para ma-save iyon. Nasa kamay na niya umano ang lahat at kung tatanggi siya, alam niya kung ano ang mangyayari.
     Pero hindi niya iyon kaagad na matanggap. Wala siyang tiwala sa binatang sinungaling. At sa hindi nito pagtatama sa akala ng publiko na magnobyo sila, hindi rin siya sigurado sa tunay nitong motibo. Paano kung katawan pala niya ang hingin ng lalaki na kapalit ng pagtulong sa kanila?
     Salamat na lang at hindi iyon ang eksaktong hiniling ni Gerard. Pero wala pa ring ligtas ang puso ni Kyra….

Dark And Beautiful

By Alexie Aragon

     Hindi inaasahan ni Miel na ang ama pala ng adorable na batang naka-close niya sa resort na iyon ay ang controversial TV host na si Dave Tanjuatco. At dahil dati na siyang may crush sa guwapong binata, naging madali ang pagkahulog ng loob niya rito.
     Lahat ng insecurities niya ukol sa pagiging ugly duckling niya kumpara sa mga kapatid ay nabura sa piling ng lalaki. Hindi lang ito guwapo at matalino, he also made her feel beautiful and desirable.
     Sobrang mahal na ng dalaga ang mag-ama nang malaman niya ang katotohanan—ginamit lang siya ni Dave para linisin ang imahe nito sa publiko at sa sariling anak….

Can’t Fight Love

By Kylie Montiel

     Upang iligtas ang sarili sa galit at siguradong malupit na parusa ng kanyang kuya ay napilitang humingi ng tulong at literal na dumepende ni Roni sa masungit, ubod ng seryoso at may kayabangan niyang former classmate na si Clark. His help didn’t come free, though, dahil kapalit ng pagsiguro nitong magagawa ang hinihingi niyang pabor sa oras na itinakda niya, kinailangan niyang magpanggap na girlfriend nito.
     It turns out, the seemingly self-assured, formidable Clark is actually scared of one thing—his beloved grandmother’s wrath and the possibility of losing the chance to inherit a most coveted beachfront property.
     Masama man sa loob ay pinagbigyan niya ito, at tiniyak na sa sandaling masiguro na ng binata ang mana nito ay matatapos na ang ugnayan nila sa isa’t isa. Ngunit bakit wala pang isang linggo simula nang mag-‘break’ sila, na-mi-miss na niya ito?

Love Will Lead The Way

By Edith Joaquin

     Nagngingitngit si Czarina nang malamang pumayag ang mahadera niyang kapatid na magpakasal sa pinsan ng abogadong amo nito, kapalit ng malaking halaga.
     Kaya siya napadpad sa opisina ni Atty. Darren Feliciano. Para makiusap sa lalaki na kumbinsihin ang pinsan nito at bawiin ang alok na ‘sideline’ sa kapatid niya. Wala siyang balak mang-away, promise. Mahinahong pakikipag-usap lang kung magiging matinong kausap ang abogado at kung wala itong kinalaman sa kalokohang iyon; bagaman duda siya sa huli.
     Ngunit naparalisa ang utak ni Rina nang makita ang lalaking balak niyang awayin—este, kausapin.
     Si Atty. Feliciano ang tipong maiisip ninuman na iniregalo ng Diyos sa kababaihan….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!