Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Tyler’s Fall

Geeks In Love (Book 1 of 3)

By Sachi Bliss

     “You know what, I am beginning to think you’re one Casanova in Clark Kent glasses,” pansin ni Shawn sa binata.
     “You think that’s bad?”
     “Are you trying to seduce me, nerdy boy?” Nauwi sa paglunok ang gagawin niya sanang pagngisi, nang gumalaw ito palapit habang palipat-lipat ang tingin sa kanyang mga mata at mga labi.
     “Is it working?” bulong ni Tyler.
     “Try harder,” pabulong ding sagot niya.
     “Gladly.” Hinawakan nito ang mukha niya; and then, he was kissing her like a pro.
     Tyler Salvatierra may look dorky and naïve, but after that hot, mind blowing kiss, his name might as well be synonymous with ‘trouble’….

River’s First

Geeks In Love (Book 2 of 3)

By Sachi Bliss

     Hindi nagpunta si River Aldeguer sa San Diego para mambabae. In fact, he resolved to stay away from them. Kaya nga siya nag-disguise na parang weirdo na nerdy professor sa universidad na iyon para makasigurong celibate siya sa susunod na mga buwan, habang nagpapalamig at nagtatago sa mga taong galit sa kanya dahil sa mga kalokohang nagawa niya.
     Ang hindi niya maintindihan, nagkaka-crush pa yata siya sa weird at baduy na dalagang nag-‘make under’ sa kanya. Pero bukod sa na-establish na nila ni Valentine na hindi nila type ang isa’t isa, wala siyang balak ma-involve sa kahit sinong babae roon.
     Women are trouble, and he had enough of it.

Hunter’s Last

Geeks In Love (Book 3 of 3)

By Sachi Bliss

     Ramdam ni Audra ang pinaghalong kaba, excitement at panic, ngunit unti-unti iyong natatalo ng kagustuhang tuparin na ang matagal na niyang gustong gawin sa gabing iyon.
     Maingat niyang pinlano ang kanyang special project para sa gabing iyon. Nag-set siya ng halos imposibleng criteria para sa estrangherong pagbibigyan niya ng sarili, at nang makilala niya si Hunter, alam niyang ito na ang hinahanap niya. Ngunit sa huling sandali, naunahan siya ng kaba at natauhang nilayasan ang binatang nabigla.
     Hindi niya alam kung paano mag-re-react nang malamang bukod sa magkatapat lang ang building na tinitirhan nila, estudyante niya ito sa masteral course in Creative Writing at nakatakda silang magkasama tuwing weekend sa loob ng limang oras nang halos limang buwan….

The Goodbye Girl

By Lea Pearl

     Ang gusto lang ni Ella ay isang pagmamahal na mananatili sa buhay niya. Nang bumalik si Tony, ang kanyang dating kababata, nagkaibigan sila. Pero dahil sa isang pagkakamaling nagawa ng kanyang ina, labag man sa kalooban nila ay naghiwalay sila.
     Pagkatapos ng isang taon ay natagpuan nila ang isa’t isa na magkasama sa trabaho. Sa pagkakataong ito, nasa kanila ang pagpapasya kung ano ang gagawin sa itinitibok ng kanilang mga puso. Dahil napakabigat ng pagkakamali ng mama niya, babaliin nina Ella at Tony ang lahat ng uri ng batas para lang magkasama sila.
     Ngunit walang kasiguruhan kung pagbibigyan ng tadhana ang kanilang pinakamimithi. O magpapasya na lang silang pagpaalam sa isa’t isa nang tuluyan….

Deceptive Heart

By Venice Del Valle

     “One hundred thousand pesos a month, iyan ang offer ko sa ’yo,” tukoy ni Jerick sa suweldong tatanggapin niya bilang private nurse nito.
     Muntik nang mapanganga si Frankie. Halos limang beses ng sinasahod niya ngayon! Ngunit napailing siya pagkatapos. Siguradong may catch ang offer na ito. Naalala niya kung paano niya ito binasted noong college at nanghilakbot siya sa maaaring hingin nitong kapalit. Nagsimula nang maglaro ang kung anu-anong ideya sa utak niya.
     Tumawa ang lalaki; tila nabasa ang iniisip niya. “Tama ka, may kapalit nga.” Isang pilyong ngiti ang pinawalan nito.
     Lalong nanginig ang dalaga. Akala pa naman niya, pagkakataon na niya iyon para mangarap na mahalin siya muli ni Jerick Montemayor….

At First Kiss

By Bella Miara

     Hindi makapaniwala si Aaron nang patulugin siya sa sapak ni Chesca sa unang beses nilang pagkakakilala. Akala kasi niya, gagana ang pang-akit niya kaya nginitian, kinindatan at tinitigan niya ito buong gabi. Akalain ba niyang suplada pala ang magandang dalaga at nang mapikon, isang suntok sa mukha ang inabot niya mula rito!
     Na-bother siya, at the same time, lalo siyang na-challenge. Mukhang may nahanap na talaga siyang babae na tumatanggi sa kanyang charm. Ipinangako niya sa sariling bibigyan niya ito ng ‘leksyon’ sa oras na magkita sila muli.
     Ito pala ang bisita nila sa hacienda. Ang suwerte niya! Mukhang pagkakataon na iyon para paamuin ang dalaga.
     Aaron smiled wickedly. At naisip niya, Tingnan natin kung hanggang kailan tatagal ang kasupladahan mo sa akin, Liz Franchesca.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!