Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Minsan May Isang Kahapon

By Doreen Laroya

     “Palagi namang ganoon ang rason, di ba? ‘It’s not what you think’. Ganoon ba ako katanga sa paningin ninyo?” asik niya.
     “Frances…”
     “Bakit, Ronald? Ano’ng naging kasalanan ko sa ’yo? Bakit si Tita Jasmine pa? I treat her like she’s my own mother!”
     “Hindi mo naiintindihan. Baby, please… let me explain.”
     “Mahal mo ba siya?”
     “Frances…”
     “Just answer me, damn it!” singhal niya.
     “Y-yes. I love her, pero….”
     Walang magagawa si Frances kung ganoon maliban sa magparaya. They were the two most important people in her life and she couldn’t deny them happiness—even if it would mean a lifetime of heartache for her….

An Honest Mistake

By Alexie Aragon

     Pakakasal na sana si Lian Dancel sa fiancé niya at nag-request na nga ito ng Certificate of No Marriage, nang matuklasan niyang dahil sa isang technical error, siya pala ang ikinasal kay Miggy Pacheco at hindi ang namayapa niyang kapatid.
     Habang nag-iisip kung anong ground ang gagamitin nila para makapag-file ng annulment, tumira sila ng biyudo sa iisang bahay. Noon nagsimula ang kalbaryo niya.
     Nanunumbalik ang lihim na pagmamahal niya para kay Miggy. At kailangan niya iyong pigilan; flirting with her brother-in-law is a form of debauchery….

Perfect Fit

By Andrea Olivares

     “M-Matt, I…” sambit ni Adrienne matapos ang mainit na halik na kanilang pinagsaluhan. “Ayokong ipagkamali itong nangyayari sa ’tin.” Nanginig ang boses niya. “We agreed to pretend we’re attracted to each other to convince the board and your family, pero ngayon, wala sila rito. Tayong dalawa lang.”
     “That’s the problem, Adrienne,” tugon ng binata habang pinaglalandas ang daliri sa leeg niya. “This has nothing to do with the company or my family.”
     “W-what do you—”
     “Hindi ko sinasabing tigilan na natin ’to. I just want you to know that if I’m kissing you or doing beyond that…” He paused, his eyes getting darker. “I’m not acting at all.”

Hanggang Wakas

By Angela Pangilinan

     Sa paniniwala ni Louise, malapit nang magunaw ang mundo. Kaya bago pa iyon mangyari, she decided to spend her so-called last grandest vacation of her life sa bayan ng Pagudpud, ang pinakadulong lugar sa itaas na bahagi ng Pilipinas.
     Ngunit sa kanyang pag-e-enjoy sa white sand beaches sa nabanggit na bayan ay lagi niyang nakikita ang isang guwapong lalaki. Saanman siya pumunta ay di-sinasadyang nagkikita sila ng estranghero. Like it was destiny.
     Dahil doon, hindi na naiwasang maging magkaibigan sila. And then, their relationship grew and went beyond friendship. Ngunit hindi niya ito maaaring mahalin. Hindi na magtatagal ang mundo. Lahat ay mapaparam sa takdang panahon—gaya ng pag-ibig.

The Fake Prince

By Eunice Xyra

     Api-apihan ang drama ng buhay ni Janine. Tunay na ‘wicked’ ang tiyahin at mga pinsan niya na walang ginawa kundi pahirapan siya. Gayunpaman, hindi siya naghahanap ng prinsipe; ang pangarap lang niya ay makatapos ng pag-aaral at nang umayos-ayos ang buhay niya.
     Hindi man tunay na prinsipe at mukhang nakonsyensya lang kaya siya tinutulungan, nagpapasalamat na rin si Janine na nakilala niya si Kenneth. Inalok ng binata ang bahay-bakasyunan nito para matirhan niya nang palayasin siya ng tiyahin. Nagiging maganda na sana ang impression niya rito at gusto na niyang maniwalang ito ang Prince Charming niya nang matuklasan niya kung sino talaga si Kenneth.
     Hindi ito mabuting tao… at lalong hindi siya nito mahal.

Opposites Attract

By Sansa Esguerra

     Marami nang babaeng naging karelasyon si Alexi, pero hindi pa nangyari na nagulo siya araw at gabi dahil sa isang babae. Gusto ng mga ito ng commitment at kasal, pero para sa kanya… no way! So he makes a policy to never get worked up over a woman—partikular na sa isang babaeng laging nakasuot ng konserbatibong damit, nakatira sa exclusive subdivision, at kulang na lang may nakasulat na ‘prim and proper’ sa noo.
     Kaya bakit hanggang ngayon, iniisip pa rin niya si Marla Jane? She is not right for him even on a temporary basis. She is uptight and upright with no imagination or sense of adventure.
     Pero hindi makalimutan ni Alexi ang sensasyong naramdaman niya habang nakasakay sila sa motorsiklo niya at magkadikit ang kanilang mga katawan….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!