Posted on

Release For My Special Valentine Premium!

Want to read the story teasers?

Unmasked

Incognito (Book 3 of 3)

By Sachi Bliss

     Star witnesses ang mga magulang ni Charlee sa isang
krimen laban sa malalaking tao sa lipunan. Dahil doon, kailangan nilang magtago sa iba’t ibang katauhan at magpalipat-lipat ng tirahan upang hindi masundan ng mga kalaban. Hindi sila maaaring maging kapansin-pansin; hindi puwedeng magkaroon ng mga kaibigan o ano pa mang malalalim na pakikipagrelasyon sa isang lugar sapagkat alam nilang hindi rin sila magtatagal doon.
     Ngunit nakilala niya si ZD Montecillo. At sa kabila ng pag-iwas ni Charlee at pagtatago ng maraming bagay tungkol sa sarili, minahal siya nito nang tunay. Pero ilalagay niya maging ang buhay ng lalaki sa kapahamakan kung malalaman nito ang buong katotohanan.
     Walang ibang paraan. Sasamantalahin lang niya ang pagkakataon habang kasama pa niya ito. Pero kapag dumating ang oras, iiwan niya ang San Diego at maging si ZD….

No Strings Attached

By Dior Madrigal

     “Look, Daniela, I’m not trying to be an ass. I just want to make sure we’re on the same page here,” ani Rigo. “I don’t date. I don’t do relationships. Anuman ang mamamagitan sa ’tin, it’s going to be just sex.”
     Nanginginig siyang humugot ng hangin. “I don’t want it.”
     “Liar. You want me. Even right now, you’re fantasizing about me,” kumpiyansang sagot ng binata. Bumaba ang tono nito nang muling magsalita. “We can have fun with this, Daniela. You just have to be more open and receptive. And I assure you, I will make you love every minute of it.”
     Gusto na niyang sabuyan ang sarili ng asin at holy water. Dahil sa kabila ng mga hesitasyon, alam niyang tama ang lalaki. Imbis na ma-offend sa no-strings-attached sex proposal ni Rigo, lahat ng nerve endings sa katawan niya ay tila ba sinisilaban….

Dark Angel

By Doreen Laroya

     Mahigit dalawampung taon makalipas ang pagsakop ni Maelgar sa Aschelon, inatasan si Eros para sunduin ang prinsesa ng Thyrian at siyang itinadhanang magpalaya sa kanila mula sa masamang reyna. Ngunit determinado si Rhoswen na kalimutan ang tungkol sa kapalaran at mamuhay nang permanente sa mundo ng mga tao.
     Sa tingin ni Eros, duwag ang babae at walang pakialam sa mundong pinanggalingan nito. Yet, he could not seem to resist her. Marahil dahil sa magkaugnay nilang kapalaran, hindi niya magawang umiwas dito. Pero sigurado siyang walang kinalaman sa tadhana ang di-maipaliwanag na mga damdaming ginigising ni Rhoswen sa kanya.
     His mind reels with lustful thoughts whenever the beautiful princess is near….

Midnight Sweetheart

By Tabitha Luna

     Marami nang natiis si Margaret kay Nicholas del Lupo sa nakalipas na limang taon. It is hard enough working for a boss who’s always late for meetings, forgets to sign reports and has legions of women falling at his feet… so why does he have to be the one werewolf Margaret finds irresistible?
     Gayunpaman, professional ang dalaga sa lahat ng oras. At kung may gusto man siya sa amo niya, naniniwala siyang may panahon ang lahat ng bagay. May tamang timing.
     Hindi siya nagmamadali. At hindi niya ipagpapalit ang bawat sandaling magkasama sila—kahit tambak ang reports, lagi itong nangungulit at madalas pang matulog sa opisina.
     She has all the time in the world to enjoy all that. Pero paano kung malaman niyang paubos na pala ang kanyang oras?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!