Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Mr. Substitute Teacher

Naughty Professors (Book 1 of 3)

By Doreen Laroya

     Inis na inis si Anthony nang ipatapon siya ng lolo niya sa Lucena. He hated being controlled, pero wala siyang pagpipilian. Sa ngayon, kailangan muna niyang sumunod. Ngunit oras na maging maayos na ang lagay ng abuelo, he will have a piece of his mind—a very huge piece of it. Ang pinakaayaw niyang parte ng kanyang exile, kailangan niyang magtrabaho bilang isang Math substitute teacher. Wala siyang katiya-tiyagang magturo, lalo sa mga hyperactive, hormonal teenagers na mas interesado pa sa DoTA kaysa sa mga algebraic equations.
     Mabuti na lang, may maganda siyang kapitbahay at sa parehong eskuwelahan pa sila pumapasok. Medyo mailap si Ellie, pero wala siyang balak na sumuko. Kahit gamitin pa niyang excuse ang estudyante niyang obsessed sa kanya, gagawin niya mapalapit lang sa dalaga….

Teacher’s Enemy No. 1

Naughty Professors (Book 2 of 3)

By Doreen Laroya

     ‘Every teacher’s worst nightmare’ ang impression ng lahat kay Robyn Teodoro, ang sikat na estudyante ng St. Theodore University. Iyon ang rason kung bakit pinagbawalan ni Dale ang pamangkin na si Valerie na makipaglapit sa dalaga. Subalit sa kabila ng lahat ng kanyang efforts, nagkakilala pa rin ang dalawa. Nang minsang nanganib ang buhay ng pamangkin, ibinunton niya ang lahat ng sisi kay Robyn, para lang matuklasan na ang pasaway na babae pala ang nagligtas sa buhay ni Valerie.
     Sa pagnanais na mapatawad nito, nakipaglapit si Dale sa dalaga. Unti-unti, nakilala niya ang tunay na Robyn at yumabong ang espesyal na damdamin niya para rito na kay tagal niyang itinanggi sa sarili. They broke all rules and let the sparks of attraction erupt on a night of blissful passion. Ang problema lang, natuklasan ng buong university ang relasyon nila….

Mr. PE Teacher Meets Ms. PT

Naughty Professors (Book 3 of 3)

By Doreen Laroya

     Inis si Seth sa bagong trainer ng St. Theodore Blue Falcons. Daig pa kasi nito ang beauty queen na rumarampa sa loob ng dugout slash training gym. And she looked like one, too. With her flowing dark hair, her curvy body, a smile that could melt an ice cap, and eyes that spell S-E-X in bold letters, hindi na siya magtataka kung lahat ng players niya ay bigla na lang mapabilang sa disabled list bago pa magsimula ang basketball season.
     Ngunit alam ng physical therapist na si Joeyleen ‘Joey’ Milano kung paano itataboy ang mga binatilyo, kahit nga ang rugged appeal niya ay bale-wala rito. Hindi niya tuloy alam kung matutuwa o maiinsulto.
     Hanggang sa minsang mapag-isa sila sa dugout at hindi na niya napigilan ang sariling halikan ang dalaga. It was an addicting kiss that made him want her more….

The Enemy’s Kiss

By Marianna Ruiz

     Malakas ang kutob ni Era na ang mga Marasigan ang dahilan ng pagkalugi ng kanilang negosyo at paghihirap ng kanilang pamilya. Lalong tumibay ang hinala niya nang biglang naging mabait sa kanya ang binatang Marasigan, na rival niya mula pa noong nasa prep siya. Tila guilty si Jaden na panay ang pilit na assistance saanman siya nangangailangan ng tulong.
     Nagdesisyon siyang samantalahin ang guilt ng binata. Aba, kung hindi rin naman sa madayang business strategy ng mga magulang nito, hindi niya mararanasan ang mga inconveniences na nararanasan niya ngayon. Tinanggap na lang niya ang ‘pagbawi’ nito sa kanya.
     Pekeng friendship lang dapat ang ibinibigay ni Era kay Jaden. Kailangan niya iyong ipaalala sa sarili maya’t maya upang hindi tuluyang umibig sa lalaking pinakakinaiinisan niya sa lahat….

Estranged Husband

By Andrea Olivares

     Hindi sapat ang sabihing nagulat si Kharrie nang malaman niyang isang maliit na bahagi lamang ng kompanya ang naisalin sa pangalan niya. Naibenta na pala ng kanyang ama ang lahat ng natitirang bahagi niyon kay Yasser Hough. Kung bakit hindi man lang ipinaalam sa kanya ng matanda ang tungkol doon. At sa lalaking iyon pa! Alam ng ama kung gaano niya kinasusuklaman si Yasser.
     Parang gusto niyang magdamdam sa kanyang papa at mag-amok sa natuklasan, ngunit alam niyang walang magagawa ang anumang pagpoprotestang gagawin niya. Gaano man kahirap para sa kanya na aminin iyon, kailangan niyang tanggapin ang katotohanang hindi naiiba si Yasser sa kanila.
     Because until two years ago, he was her father’s esteemed son-in-law. And in truth, even up until this very day, she was still Mrs. Kharrie Laurel-Hough, his wife.

Kisses And Blackmail

By Ingrid De La Torre

     Dahil sa isang palpak na trabaho ay kailangan ngayong i-invade ni Sydney ang mundo ni Dylan Villaraza—ang guwapo at super-hot CEO ng Afilado Motor Company—para sa bago niyang assignment sa pinagtatrabahuhan niyang newspaper.
     Ang kaso, ayaw nitong makipag-cooperate sa kanya. Tuloy, nagpaka-mega habol queen siya rito. She followed him around, did awful and silly things, took sexy photos of him, hanggang sa sumapit na siya sa puntong ginamit niya na ang ‘art of blackmail’.
     Unti-unti na niyang napapasok ang mundo nito, ngunit kasabay niyon ay nasakop na rin ni Dylan ang puso niya na walang alinlangan niyang tinanggap. Ngunit tama nga ba ang ginagawa niya? Should she mix business with pleasure? At ang isa pang tanong: pareho ba sila nito ng damdamin o nagpapakadakilang ilusyonada lang siya?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!