Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Politics Of Love

By Aileen Samson

     Si Sadie Moreno ay isang kolumnista at online blogger para sa diyaryong Philippine News Brigade. Nang minsan isulat niya ang di kanais-nais na gawain ni Governor Parker Miranda ay nagalit ito at sinugod siya sa kanyang condo unit.
     No one expected—not even Sadie herself—that their argument will turn into a heated night of passion. Inis na inis siya sa katangahan na sumuko siya sa lalaking sa paniwala niya ay walang-awa. Sinamantala nito ang kawalang-karanasan niya pagdating sa mga lalaki. Galit at puno ng resentment, ipinangako ng dalaga na hinding-hindi niya hahayaang magkrus muli ang mga landas nila.
     Ngunit nakialam ang tadhana at ang major general niyang ama. And she cannot do anything but be with Parker who never even tried hiding his hatred for her….

Troubled Jewel

By Kriss Dela Roca

     Garnet thought she lost everything nang takbuhan siya ng kanyang fiancé sa mismong araw ng kanilang kasal. Nadurog ang lahat sa buhay niya, pati ang puso niyang noon ay naniniwala sa happy endings ay tila namanhid na sa pag-ibig.
     Nabuhay siya nang mag-isa hanggang sa aksidenteng nakilala niya si Wayne. Sa pangalawang beses pa lang na pagkakilala nila, sinira na nito ang lahat ng emotional defenses niya at nagsimula uli siyang mangarap ng isang happy ever after.
     Pero mukhang hindi kumbinsido si Wayne na tinapos na niya ang chapter ng buhay niya kung saan concerned ang kanyang ex-boyfriend, at wala siyang kabalak-balak na makipagbalikan dito….

Be My Everything

By Emma Scarlett

     Upang mabayaran ang malaking pagkakautang ng mga magulang niya sa pamilya ni Rihan, napilitan si Tifania na tanggapin ang kondisyon nitong maging personal assistant siya ng binata.
     Pilyo at mahirap ispelingin, ganoon si Rihan sa pagkaalala niya kaya hinanda na niya ang sarili sa kung anumang kalalabasan ng kanyang pagsuko sa mga kamay nito. Ang hindi tiyak ng dalaga ay kung kaya pa rin ba niyang ikubli ang damdamin niyang matagal nang iniingatan para sa nawalay na kababata….

Brat In Disguise

By Dior Madrigal

     Plano ng kanyang ama na ipakasal si Kristen kay Marcus Ferera na matagal na nitong bukambibig. Naisip niya, kailangan niyang mapatunayan sa kanyang daddy na hindi ganoon kagaling ang Marcus na iyon kagaya ng inakala nito, at kumbinsihin ang magulang na hindi sila bagay ng binata. Para magawa iyon, tinungo niya ang rancho ng mga Ferera nang naka-disguise bilang lalaki—eespiyahan niya ito! Tulong din iyon para hasain ang pag-arte niya, lalo’t nagbabalak siyang pasukin ang theater acting.
     Ngunit tama pala ang ama ni Kristen. Marcus Ferera is indeed a great person—too good to deserve someone like her.
     Dapat umalis na siya bago pa siya nito mabuko, pero gusto sana niyang makasama ito kahit kaunting sandali pa….

Scary Thing Called Love

By Autumn Castillo

     Malalim ang mga matang iyon na nakatingin kay Tasha. Gusto niyang tuklasin ang misteryo sa likod ng malamig na kislap niyon.
     “Hindi lang talaga ako matatakutin. I’m actually fascinated and curious with things and people like you. Maaaring ang majority ng mga tao ay hindi komportable sa mga iyon, ayaw nila ng kababalaghan. But I crave for it. Ngayon, sabihin mo sa ’king hindi ako normal. Hindi ba normal ang hindi matakot sa ’yo, Lucas?” asik niya.
     Naningkit ang mga mata ng lalaki. “You’re really not afraid, huh?” hamon nito na mas inilapit pa ang mukha sa kanya.
     “Yeah, I’m not afraid,” kumpiyansa niyang tugon.
     Hindi takot si Tasha Sevilla sa multo o ano pang kababalaghan. Mas takot siya sa matinding damdaming ginigising ng hudyong si Lucas, dahilan para bumilis nang todo ang tibok ng puso niya….

Kiss And Run

By Charisse Pamela

     Unang kita pa lang ni Julia kay Aldrin ay nalaglag na sa sahig ang puso niya para rito. Napakaguwapo kasi ng binata. Ngunit hindi man lang siya nito matapunan ng tingin. Nakatuon ang pansin nito sa kaklase nilang si Angelica na kung tutuusin ay hindi naman kagandahan.
     Hindi siya sanay na dinededma ng isang lalaki, kaya na-challenge siya nang husto kay Aldrin. Ginawa niya ang lahat upang mapalapit lamang sa binata. Kahit pa ang makipag-one-on-one basketball ay hindi niya inurungan para lang maging close sila.
     Akala ni Julia ay okay na sila matapos ang masaya nilang paglalaro ng basketball. Nagulat siya nang kinabukasan pagpasok ni Aldrin sa eskuwela ay parang hindi na naman siya nito kilala at nasa ibang babae uli ang atensyon nito.
     Hmph! Pinaglalaruan yata siya ng lalaking ito!

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!