Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Heart And Seoul

By Sachi Bliss

     Billie gasped when he raised her hand to touch his face, then gently kissed it. “JD…” mahinang saway niya sa lalaki.
     Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. His eyes had taken a darker, more dangerous shade. Napailing ito. “I don’t know why every time I had to meet Jae Rim, I always hoped you would be there also,” tukoy nito sa nobya na siyang kliyente niya. “I’m sorry that sounded so wrong but… being with you feels anything but that, Billie.”
     Pinagmasdan niya ang kaharap. Lasing ba ito?
     Ngunit malinaw niyang narinig ang sinabi nito, at bagaman naguguluhan, nauunawaan niya ang ibig sabihin ni JD.
     Dahil ganoon din ang nararamdaman niya….

Memories Of Israel

By Edith Joaquin

     “You are dealing with terrorists!” Natahimik si Ephraim nang malaman ang dahilan kung bakit bihag niya ito ngayon.
     “Mariam, you know me better than this. Wala akong alam sa sinasabi mo,” anito mayamaya.
     “Kailangan mong maintindihan, Ephraim.” Tumitig siya sa mga mata nito. “My job is to eradicate enemy forces that threaten my homeland at all costs. Pangalawa, hindi ko sigurado kung kilala talaga kita. Hindi ko alam kung ano ka sa labas ng panahong nakasama kita sa Israel. Madaling magpanggap.”
     Kitang-kita niya ang pagguhit ng sakit at pait sa mga mata ng binata. “Tama ka nga. Hindi tayo magkakilala.”
     His voice sounded resigned, and a huge part of her heart ached and bled for the only man she ever loved….

A Rose In Liechtenstein

By Alexie Aragon

     Sa dinami-dami ng bansa sa mundo, bakit naman sa Liechtenstein pa? Isinumpa ni Ezekiel na hindi na tatapak muli sa bansang iyon sa pagitan ng Switzerland at Austria, matapos hindi sumama sa kanya pabalik ang nobya na sinundo niya roon.
     Ngayon, apat na taon pagkatapos, hiniling ng kanyang papa na dalawin niya ito sa bansang iyon. Imposibleng hindi sila magkita muli ni Lauren, dahil doon mismo nakatira sa ikalawang pamilya ng ama ang kanyang ex-girlfriend.
     Hindi niya aaminin pero hindi pa talaga siya lubusang naka-move on. At hindi niya alam kung paano siya mag-re-react kapag nakita ito kasama ang kanyang stepbrother na siyang bago nitong kasintahan….

Somewhere In Ireland

By Doreen Laroya

     Billionaire tycoon Jeremy Jacinto has to fly to Ireland to impress an eccentric and elusive Spanish hotel owner. Matagal na niyang gustong bilhin ang isang property ni Don Cesario Esperanto. Inimbitahan siya ng mayamang don para mag-dinner sa bahay nito sa Dublin. Iyon lang ang nag-iisang pagkakataon niya para kumbinsihin ang matanda. Kaso inaasahan nitong dadalhin niya ang kanyang asawa, na isang malaking problema dahil single pa siya.
     Noon niya nakilala si Vivian Perales. Sumang-ayon ang spirited na turista sa proposition niya kapalit ng pagsagot niya sa lahat ng gastos nito sa paglilibot sa bansa, at mas malaki pang compensation kapag nagtagumpay sila.
     Umaarte lang sila. Ngunit sa pagitan ng pagkukumbinsi kay Don Cesario, pag-aktong asawa at paglilibot sa Ireland, may kung anong nagbago kay Jeremy. He experienced the greatest adventure of his life—falling in love.

Love In A New York Minute

By Elise Estrella

     Sa loob-loob ni Mason ay may namumuong protective at possessive instinct para sa kanyang maganda, hot at mabangong housekeeper. Mali iyon, pero hindi niya mapigilan. At bakit niya kailangang pigilan, siya lang naman ang nakakaalam niyon?
     Isa pa, hindi lang hot si Hannah, she was also sweet at alam niyang gusto na nito ang kanyang pamilya kahit sa sandaling pagkakasama nila. Noong una pa lang, gusto na niya ito.
     Pero hindi siya naniniwala sa love at first sight. Wala namang na-i-in love nang ganoon kabilis. No one could fall in love in a New York minute. Especially not someone like him….

An Affair In London

By Sachi Bliss

     “That’s the Traitor’s Gate,” bulong ni Quillan.
     Marcie held her breath. Hindi niya kailangan ng paalala kung sino at ano ba siya ngayon.
     “’Yung nasa likod niya, that’s the Bloody Tower,” tukoy nito sa toreng dating pinagkulungan kay Queen Elizabeth I ng baliw nitong stepsister.
     Right. And I am the Bloody Traitor here, she thought. At hindi niya sigurado ngayon kung kanino ba talaga siya nagtatraydor—kung sa kanyang best friend dahil sa mga di-inaasahang nararamdaman niya ngayon para sa boyfriend nito, o kay Quillan dahil itinatago niya sa binata ang ginagawang pagtataksil ng nobya nito.
     Parang bigla tuloy siyang naka-relate sa mga dilemma dati ni Queen Elizabeth I….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!