Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

His Tempting First Lady

By Alexie Aragon

     With the exception of her Lolo Lucio, napag-aralan na ni Arabelle na kamuhian ang mga diktador at manipulador na kalalakihan mula noong ma-realize niyang malaking nuisance sa kanyang buhay ang mga ito. Kasali sa listahan ang kanyang tiyuhin, ang mga inconsiderate superiors at ang ex-boyfriend niya. Latest addition sa listahan si Benjamin Fortaleza.
     Sa nakalipas na dalawang taon, isinaksak niya sa kukote na galit siya sa aroganteng best man noong kasal ni Rafael Torralba. Kahit ang isang bahagi ng isip niya ay umaamin na attracted siya sa guwapong binata, nagtagumpay siyang pigilan ang damdamin.
     Hanggang sa magkrus muli ang mga landas nila. She was torn between despising him and liking his good looks.
     Noon din, nagpasya siyang iwasan si Benjamin dahil hindi niya gusto ang epekto nito sa kanyang sistema….

Love Me More Than That

By Jade Anne Franco

     Akala ni Kathryn, sa tagal ng panahon na in love siya kay Gabriel ay nakontrol na niya ang kanyang emosyon. Natutunan na niyang pigilan iyon at so far, wala siyang problema roon. Kinailangan niya ng maraming practice, pero epektibo naman iyon. But just one kiss from him and all her control evaporated into oblivion.
     Gusto niyang umasa na may kahulugan ang halik na pinagsaluhan nila ng kababata, pero alam niyang hindi iyon mangyayari. Sa unang pagkakataon sa buhay ni Gabriel ay nag-e-exert ito ng maraming effort para sa isang babae. And it just proved that he found his current girlfriend very special.
     O ang mas masama, maaaring ang ibig sabihin niyon ay na-in love na sa wakas ang best friend niya—iyon nga lang, sa ibang babae.

Suddenly It’s You

By Sachi Bliss

     Pareho silang heartbroken at iniwan ng mga taong nakarelasyon nila. Dahil doon kaya nagkasundo sila at naka-develop ng weird na koneksyon… at nauwi sa pagkakabuo ng isang weird deal. Tutulungan ni Pierce si Kate para makalapit sa dati niyang nobyo at makipag-balikan dito. Para raw, at least, isa man lang sa kanila ay maging masaya sa huli.
     But his closeness was making her nervous, and even excited. Hindi niya iyon maintindihan. Si Pierce ito, ang lalaking tumutulong sa kanya para makuha niya muli ang ex-boyfriend niya. Ang ex niya dapat ang nagpapakaba sa kanya, ang nagbibigay sa kanya ng kakaibang excitement. Why on earth was she feeling all those things toward this beautiful man, who was only being helpful?
     Hindi lang yata basta weird si Kate. Nababaliw na rin yata siyang talaga….

Pretend Wife

By Aileen Samson

     “I want you to act as my wife in everything except in sharing the bed. Make me fall in love with the idea of marriage. Kung magustuhan ko, I’ll propose to Georgina,” tukoy ni Max sa nobya nito na nakabase sa Singapore.
     Gustong matawa ni Jenny sa sinabi nito. Nasisiraan na ba ito ng bait? “And what makes you think I’ll agree to that stupid idea?”
     Tumawa ito. “Let’s just say I will approve your proposed wage increase and make all our contractual workers permanent employees,” mabilis nitong sagot.
     Hindi siya nakaimik at matamang nag-isip.
     He just got her. Alam nitong sa ganoong terms ay hindi makatatanggi si Jenny Mendoza, ang company lawyer cum human rights advocate….

I Finally Found You

By Joelle Madison

     “Sandali nga lang! Hindi ako sasama sa ’yo!” pigil ni Alessa kay Reisuke na patungo na sana sa kuwartong tutuluyan nila. “D’un na lang ako sa kotse.”
     “Baka nakakalimutan mo, bodyguard kita. Kahit saan ako magpunta, dapat nandoon ka. You’re responsible for my safety. What if something happens while I’m in that room? What will you do? Siguradong lagot ka sa mga superiors mo. Malamang, mas masama ang mangyari sa ’yo.”
     Tama ito at wala siyang dapat ipagreklamo.
     Niloloko ni Alessa ang sarili kung ipipilit niya na walang epekto sa kanya ang lalaki. His presence, his masculine scent, his voice that lingered in her ears—lahat iyon ay nakaapekto sa sistema niya. At kung makukulong sila sa iisang kuwarto, baka makalimot siya!

You Were Meant For Me

By Christine Acance

     “Bakit ganyan ang ayos mo? Para kang mang-aakit,” komento ni Drey na ikinataas ng kilay ni Felicity.
     “Ganito talaga ang suot ko pag ’andito ako sa bahay ko.”
     “Talaga? O dahil nandito ako?” Seryosong nakatingin ito sa kanya, halatang hindi nagbibiro.
     “Napakayabang mo naman para isipin ’yan.”
     Unti-unti itong lumapit hanggang sa maramdaman niya ang mga labi nito sa kanyang bibig.Walang pag-aalangan na tinugon ng dalaga ang mga halik nito.
     “Parang nasagot n’un ang tanong ko,” ngisi nito pagkatapos. “Tell me, Felicity, did you long for my kisses?”
     Damn this man! Hindi niya alam kung ano ang motibo ni Drey sa pag-arteng gusto siya gayong may iba itong nobya. At naiinis siya sa sarili na hindi niya ito matanggihan….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!