Posted on

Release for My Special Valentine Premium!

Want to read the story teasers?

Brave Spirit

By Doreen Laroya

     “Iniiwasan mo ako!” asik ni Neala.
     “Alam mo naman pala, bakit pumasok ka pa dito sa silid ko?” Alam ni Cayden na masyado siyang malupit sa dalaga, ngunit kailangan niya iyong gawin.
     “Gusto kong malaman kung bakit.” Bahagyang nanginig ang boses nito.
     Pilit niyang inignora ang nakita niyang sakit na bumalatay sa mukha ng babae at ngumisi. “Dahil ayaw ko na sa ’yo. Nakuha ko na’ng gusto ko sa ’yo. Bakit pa kita pagtitiyagaan?”
     Sumugat sa puso niya ang nasasaktang anyo ni Neala, pero mas mabuti na iyon. Hindi na siya ang dating Cayden na minahal nito. Hindi na bagay sa isang tulad niya ang ganoong pag-ibig.
     Dahil isa siyang Zuveris, a horrible creature of death and destruction.

Blood Warrior

By Elise Estrella

     Kakaiba man, maayos ang buhay ni Dorian. Gigising siya nang hapon kapag takipsilim na, iinom kapag gutom, lalabas para maghanap ng kalaban, magliligtas ng mga mortal, makikipag-usap sa mga kasamahan, uuwi para matulog upang muling gumising nang takipsilim. Bihira siyang magkaproblema. Sa katunayan, mahal niya ang kanyang trabaho.
     Hanggang sa makilala niya si Eliyana. The more he learned about her, the more she became attractive to him. Sa kabila ng lahat ng inamin niya rito ukol sa sarili, hindi natakot ang dalaga. Sa halip ay ipinakita nitong tunay ang pag-aalala nito para sa kanya. Kung makakasama ba niya ito araw-araw hanggang sa dulo ng walang hanggan niyang buhay—
     Iyon ang problema. Imortal siya, si Eliyana ay hindi. Hindi siya dapat nagkakagusto rito. Wala siyang karapatang umibig sa kahit na sino….

Bewitching The Knight

By Dior Madrigal

     Ivana was seriously contemplating murder nang malaman niyang pinaplano ng kanyang ipokritong pamilya na makipagbati sa mga Salazar sa pamamagitan ng kasal. Hindi siya makapaniwalang nalimutan na ng lolo niya ang ginawa ni Diego Salazar sa kanyang ina. Ngayon ay balak ipakasal ng mga ito ang pinsan niya kay Aiden, ang mismong anak ni Diego. But she noticed the lust in Aiden’s eyes as he stared at her. At nagkaideya siya kung paano sisirain ang plano ng kanyang pamilya.
     Kaso isa palang tunay na knight in shining armor ang lalaking gusto niyang gamitin, and Ivana cannot afford to mess with nice people. Plano na niyang mag-back out, subalit walang balak ang binata na lubayan siya. Mukhang gusto nitong bumawi sa kanya dahil sa kasalanan ng ama nito sa mama niya.
     Ngunit hindi awa ang nais niya mula kay Aiden. She wanted his love… something she would never deserve.

Targets And Vows

Elites (Book 6 of 6)

By Jade Anne Franco

     Bagaman business move ang orihinal na dahilan ng pagpapakasal nila ni Jarno, minahal ni Scarlet nang totoo ang lalaki. Sa kung anong dahilan, malamig ito sa kanya nang araw ng kanilang kasal. At matapos ang reception, hindi na niya ito nakita pa muli.
     Hanggang sa dumating ang panahong nagpaplano na siyang mag-file ng annulment at tuluyang kalimutan ang damdamin para sa asawa. Noon ito nagbalik. And he was determined to stay married to her.
     Sa halip na pagbigyan ang hiling niyang kooperasyon para sa maayos na paghihiwalay, he gave her a proposal: Two weeks silang aaktong tunay na mag-asawa. Pagkatapos niyon, malaya na siya.
     Hindi niya kailanman ginustong lumaya mula kay Jarno, she wanted him in her life forever. Ngunit kung hindi iyon posible, puwede na rin siguro ang dalawang linggo….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!