Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Elusive Beast

Sexy Beasts (Book 1 of 4)

By Ingrid De La Torre

     ‘Every woman should be a princess on her wedding day and princesses are supposed to be happy.’ Ito ang pinaniniwalaan ni Breeana na dapat maramdaman ng isang bride sa araw ng kanyang kasal. Sa kasamaang-palad, hindi ganoon ang kaso niya. Ipinagpipilitan siyang ipakasal ng kanyang madrasta sa lalaking mukhang hinugot mula sa cartoon show kaya runaway bride ang naging drama niya. Sa kagustuhan niyang makalayo mula sa kanyang evil stepmother at sa lalaking ipinagduduldulan nito sa kanya, napadpad siya sa isang tila haunted mansion.
     Okay na sana ang lahat. Ang problema lang ay ang ‘beast’ na nagmamay-ari ng mansyon na tila laging galit sa mundo—si Niccolo. Bet na bet pa naman niya ang face nito, kaso ay isnabero, suplado, antipatiko at kasumpa-sumpa itong lalaki….

The Corporate Beast

Sexy Beasts (Book 2 of 4)

By Ingrid De La Torre

     Once upon a time, noong bata pa si Riva, nanganib ang kanyang buhay. Mabuti na lang at iniligtas siya ni Nazaron—her knight in shining armor.
     Sampung taon pagkatapos, muling nagkrus ang mga landas nila. Bigating tao na ang lalaki; known as the aggressive beast of the corporate world. Sa pagkakataong iyon ay damsel-in-distress pa rin ang kanyang sitwasyon at muli, ito ang nagsilbing tagapagligtas niya.
     Akala niya ay magkakaroon na ng happy-ever-after ang kanyang pangarap. Pero maling akala pala iyon, dahil imbis na alukin si Riva na maging kahati ng puso nito, inalok siya ni Nazaron na gampanan ang isang papel: ang umakto bilang isang babaeng patay na patay rito! And his number one rule: bawal siyang ma-attract dito nang totohanan….

The Heartbreaker Beast

Sexy Beasts (Book 3 of 4)

By Ingrid De La Torre

     Si Bettina ay isang rebeldeng prinsesa na abot hanggang langit ang galit para sa mga lalaking playboy. Isinumpa niya ang lahat ng kalahi ni Adan na ginawa na yatang hobby ang paglalaro sa damdamin ng mga babae.
     Then, Niall Nemes entered the picture. Ito ang itinalagang maging guardian niya at napilitan siyang kasamahin sa ilalim ng iisang bubong. Paano sila magkakasundo kung ang mismong makakasama niya sa bahay ay siya rin yatang leader ng playboy troop ni Adan? Isa itong halimaw pagdating sa pambababae.
     Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na galit siya rito. She hated his guts and his aura. But those things did not stop her from loving him… and submitting herself to his red-hot kisses….

The Cold-Hearted Beast

Sexy Beasts (Book 4 of 4)

By Ingrid De La Torre

     Hopeless romantic at sentimental dreamer si Bianca. Lubos siya kung magmahal, buo at walang pag-aalinlangan. Isa lang ang wish niya: ang sakmalin ng pana ni Kupido ang puso ng istrikto at rigid niyang boss—si Nakiro Sato, the cold-hearted beast na sobrang anti-love at anti-family.
     Akala niya ay hindi na siya mabibigyan ng tsansa na maranasan kung paano ibigin nito. Ngunit dumating ang araw na naaksidente ang binata dahil sa kagagawan ng mga kuya niya. Nagkaroon ito ng selective amnesia. Isang detalye lang ang na-retain sa utak nito at iyon ay ang eksenang naghahalikan sila sa loob ng isang pribadong silid. Dahil doon, inakala nitong mag-asawa sila.
     Alam niyang mali, pero pinagbigyan ni Bianca ang puso. Sinakyan niya ang maling akala ng lalaki. Nanlimos siya ng kaunting hiram na sandali….

One Breathless Moment

By Elise Estrella

     Mula noong unang makita ni Phillip si Neryna, naghanap na siya ng paraan kung paano ito makukuha. Hindi pa siya nakadama ng ganoong klase ng pananabik para sa kahit na sino o anong bagay. He had to have her.
     It was obsessive and possessive, na pati siya ay hindi naintindihan ang sarili, pero ginawa niya ang lahat at ginamit ang resources para malaman ang maraming bagay ukol sa dalaga. Nalaman niya ang tungkol sa sugarol nitong ama. At kahit hindi siya naniniwala sa fate at destiny, sa tingin niya, tadhana ang nangyari. Makakasama na niya ang babaeng laman ng kanyang panaginip sa loob ng tatlong buwan. At buo na ang isip ni Phillip.
     He was going to seduce her. And he was going to enjoy it….

Bad For Each Other

By Dior Madrigal

     Naniniwala si Shelly na dalawang bagay lang ang maaaring mangyari kapag nakita muli ninuman ang taong gusto nito noon: Una, ang masuka at sa di-pagkapaniwala kung bakit nito nagustuhan ang dating crush. Pangalawa, ang maalala nito ang lahat ng dahilan kung bakit patay na patay ito sa taong iyon noong una pa lang.
     Iyong huli ang reaksyon niya pagkakita kay Alejandro. Ang nakakainis, hindi deserved ng lalaki ang anumang pagtingin niya rito. Pinaglaruan nito ang damdamin niya seven years ago at sinaktan lang siya. At gustong iuntog ni Shelly ang ulo sa inis dahil sa munting haplos ni Al sa kanya ay para nang nag-aapoy ang bawat himaymay niya at natutunaw ang mga buto kasama ng kanyang desisyong kalimutan na ito….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!