Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Uncovered

Incognito (Book 1 of 3)

By Sachi Bliss

     Utang ni Yani ang lahat-lahat sa kanya sa mag-asawang Albert at Gertrude Cordova. Kaya ipinangako niya sa sarili na gaganti siya sa kabutihan ng itinuturing niyang mga magulang sa pamamagitan ng paghahanap sa anak na matagal nang hindi nakasama ng mga ito. Naisip niya, kailangan munang maging close sila ni Bertrand bago ito mailapit sa mga magulang nito; at kasama sa pakikipaglapit ang pagpapanggap.
     Inihanda na niya ang sarili na anuman ang mangyari ay lilisanin niya ang bahay ng lalaki matapos niyang maisakatuparan ang kanyang misyon. Hindi niya inasahang iibig siya kay Rand, ngunit hindi niyon dapat guluhin ang nakaplano na.
     Aalis siya dahil iyon ang sa tingin niya ay nararapat. And then, she would move on. Hindi niya nga lang alam kung paano….

Unraveled

Incognito (Book 2 of 3)

By Sachi Bliss

     Malaya will never live up to her name. She was never free, never will be. Maganda ang bihis at mataas ang pinag-aralan, pero nagkakanlong siya ng mga taong nagtutulak ng droga, nagtatago at nangungunsinti ng madidilim na sekreto ng maraming personalidad. Nang piliin niyang tumakas, wala naman siyang ginawa kundi magtago.
     And then she met Evan. Naaaliw lang siya noong una sa pagiging mahiyain ng guwapong binata, pero nang maglaon ay minahal niya ito nang totoo at ayaw na nga niyang lisanin pa ang lugar na iyon. She sincerely wanted to start a new life with him.
     Ngunit nabawi kaagad ang pagkakataon niyang makapagbagong-buhay nang abutan siya ng kanyang nakaraan….

Reporting For Love

By Averiz Gale

     Sa lahat ng ka-batch ni Macy sa training para sa mga magiging reporters, kay William Divina lang siya ilag. Hindi niya gusto ang binata. Pakiramdam niya ay sipsip ito sa mga executives at mayabang din porque dati itong journalist sa dyaryo. Ang mas nakakainis pa, dito napupunta ang mga gusto niyang beat.
     At para bang hindi pa sapat iyon upang kainisan niya ang kapwa reporter, aksidenteng naringgan niya ito habang pinipintasan siya.
     Gayunpaman, sa likod ng isip ng dalaga, naroon ang paghanga at atraksyon para sa lalaki—attraction na walang hiyang lumantad isang gabing pareho silang lasing.
     Walang inhibisyong nakipag-flirt si Macy sa guwapong binata; tuluyang nabura sa isip na kaaway niya si Yam at may fiancé siyang iba….

Matters Of The Heart

By Doreen Laroya

     Calvin bumped into her accidentally. At na-love at first sight siya sa babaeng may magagandang mata. Nang muli silang magkita, hindi siya natandaan ni Zaira. But the attraction was there and it was enough. Pagkalipas ng dalawang taon, ikinasal sila.
     A fatal car accident killed Zaira. His grief changed his outlook on life. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Zoe, Zaira’s identical twin. Muli ay naramdaman niya rito ang kakaibang kaba na una niyang naramdaman noong gabing nakilala niya si Zaira. She made him doubt his true feelings for his late wife.
     At hindi niya iyon gusto. Si Zaira ang mahal niya. There was no room for Zoe in his heart.
     Or so he thought….

The One That Got Away

By Jaimie Atienza

     Matapos niyang ipagmukmok ang pang-iiwan ng kanyang nobyo, nagdesisyon si Kendis Villaruz na maglibang at magsimula muli ng buhay. She was struggling, all right, ngunit hindi iyon naging hadlang upang magsaya siya kahit minsan. Pero nasobrahan yata siya sa saya dahil nagising siya sa kama katabi ang isang lalaking hindi niya kilala.
     Plano niyang ibaon na sa limot ang nangyari, ngunit muling nagtagpo ang mga landas nila ni Leo. Ang mas masama pa, magkasama sila sa trabaho. Naroon pa rin ang mutual attraction, pero mukhang kailangang kalimutan nila iyon, kasama ng alaala ng gabing iyon dahil engaged na pala ang binata sa ibang babae….

Bared to You

By Sylvia Day

     Dumating si Gideon Cross sa buhay ko na parang kidlat sa kadiliman…
     Guwapo siya at matalino, malupit at mapusok. Naakit ako sa kanya nang higit pa sa pagkaakit ko sa kahit na anumang bagay o sa kahit sino sa aking buhay. Parang droga na labis kong pinananabikan ang mga haplos niya, kahit alam kong magiging kahinaan ko iyon. Hindi ako perpekto at may mga sugat ang aking pagkatao, at napakadali niyang naihantad ang mga lamat kong iyon…
     Alam ni Gideon. May sarili siyang mga multo. At kami ang magsisilbing mga salamin na maghahantad ng pinakalihim na mga sugat… at mga pagnanasa. Binago ako ng bigkis ng kanyang pag-ibig, at ako ay nananalangin na huwag sana kaming paghiwalayin ng aming masasakit na nakaraan…

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!