Posted on

Release For My Special Valentine Versions: Ellora’s Cave!

Want to read the story teasers?

Mr. Temptation

By Annabelle Weston

     Tahimik ang buhay ni Cadence hanggang sa alisan siya ng mana ng dapat ay mapagmahal niyang ama. Walang pera at walang masasandalan, nagtungo siya sa Night and Night, International. Umaasa siyang makahanap ng tulong at mga kasagutan doon. Sa halip, ang nahanap niya ay isang purong tukso sa katauhan ni Preston Night. Matangkad ito, maganda ang katawan at ubod ng guwapo. Ang tipo ng lalaki na hindi lalapitan ni Cadence.
     Maaaring player si Preston pero matagal na nitong lihim na minamahal ang dalaga. Hindi nito mapigilan ang sarili na isipin siya–o haplusin, tuksuhin, tikman. At sa kabila ng pagiging mahiyain, hindi rin mapigil ni Cadence ang sarili pagdating sa binata.
     Kay Preston, pakiramdam niya ay buhay siya, seksi at napakapilya sa mga paraang hindi niya nadama noon, pero hindi niya malalampasan ang mga sekreto at kasinungalingan na nakapalibot sa kanya. Oo, kaya siyang bigyan ng lalaki ng walang- taros na kaligayahan sa kama, ngunit hindi ibig sabihin niyon, mapagkakatiwalaan niya ito. At habang dumadami ang lumalabas na sekreto ng pamilya ng dalaga, determinado ang abogado na patunayang karapat-dapat ito sa pagmamahal niya….

A Taste Of Heaven

By Janina Henderson

     Nagsimula ang laro nang ipadala si Jack Paris para ipagtanggol si Helene sa di-nakikilalang kidnappers. Maraming taon na ang nakakaraan mula noong sirain ng binata ang pangarap niyang magkaroon sila ng isang happily-ever-after. Sa wakas ay nagkaroon siya ng tsansang makapaghiganti kaya tinanggap niya ito. May pagkakataon na siyang ipakita kay Jack na katulad na rin siya ng tipo nitong mga babae. Ang plano niya—akitin ito at pagkatapos ay iwan.
     Ang nais naman ni Jack ay ang maiayos ang relasyon nila lalo at naroon pa rin ang kanyang guilt dahil sa ginawang pananakit dito noon. Ngunit dahil sa mabangong amoy ng dalaga na tumutukso sa kanya at sa mga mata nitong nagpapainit ng kanyang katawan, ilang panahon lang ang kakailanganin hanggang sa makipag-bargain siya sa sarili para tuluyan na itong alisin sa kanyang sistema.
     Kapwa sila may kani-kanyang agenda, ngunit nakikigulo ang pag-ibig sa kanila. Sa tulong ng isang pakialamerong ama, dalawang dating madrasta at mga kapatid na gumabay sa kanila sa gitna ng gulo ng nakaraan, muli nilang natuklasan ang isa’t isa. Ngunit magkaroon kaya ng lakas ng loob si Jack na tanggapin sa kanyang puso si Helene sa pagkakataong ito?

Game Of Love

By Jeannie James

     Mapusok at mahilig sa adventure, apat na buwan lamang mananatili si Micki Vaughn sa Seattle bago siya lumipat sa isang bagong bayan at sa isang bagong trabaho.
     Si Adam na isang lagalag, walang inaalala at guwapong binata ay hindi naniniwala sa long term attachments. Pero masyadong nakatutukso para palagpasin ang isang maikli at mainit na romansa kasama ang nakapananabik at mailap na si Micki.
     Sa kuwenta ng dalaga, tamang-tama ang pagtatagpo nila. May ilang linggo sila para makilala ang isa’t isa, ilang linggo para pagsaluhan ang init, ilang linggo para mabagot. Mawawalan ito ng gana sa kanya at maghihiwalay sila nang walang iyakan. Tamang-tamang romansa iyon para sa kanilang dalawa.
     Hanggang sa maabutan si Micki ng nakaraang tinatakasan niya, at nalaman ng binata na nagsinungaling lang siya. Batid niyang hindi niya kayang harapin ang katotohanan. Ngayon, ang tanging hiling niya ay magawa niyang iwasan si Adam hanggang sa dumating ang oras para sa muli niyang pag-alis.

Can’t Hide Love

By Alice Gaines

     Ano ang mangyayari kapag nagtagpo ang dalawang magkaibang tao sa isang battle of the sexes?
     Matapos ang naunsyaming engagement, ang gusto lang ni Raine Winstead ay isang gabi ng anonymous sex. Sa kasamaang-palad, ang napili niyang biktima ay isang napakatradisyonal na lalaki: si Jack Bugalli na malaki ang paniniwala sa pag-ibig, pag-aasawa, at pamilya.
     Natagpuan na ni Jack ang babaeng para sa kanya, ngunit kailangan niyang matutunan na wala sa kanya ang kasagutan sa lahat ng bagay….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!