Posted on

Past Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Ms. Masungit Meets Mr. Mayabang

By Shahani Siblawan

     Binasa ni Dayna ang kanyang mga labi para itago ang ngiti; hindi dapat malaman ng kaharap na naaaliw siya sa usapan nila. “So, ilang babae naman ang nakuha mo sa mga pambobola mo, Harley Gallego?”
     “Wala pa, dahil hindi ako nambobola.”
     Napataas ang kanyang kilay. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?”
     “Nakikipagkilala.” Walang anumang kinindatan siya nito.
     Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Bakit parang kinabahan siya sa klase ng titig ng binata? Napalunok siya para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. Leche naman kasi sa kaguwapuhan, kagaguhan at kayabangan itong si Harley. Kahit ayaw aminin ni Dayna, alam niyang gusto niya ang malakas nitong personalidad….

The Real Gem

By Chelsea Enriquez

     Isa lang ang susi ni Alexa upang makuha ang kanyang mamanahin sa kanyang Lola Eleonor: ang mabawi ang ninakaw na ruby brooch ng pamilya niya, mula sa bago niyong may-ari. Madali lang sana ang lahat dahil may pera naman siyang pambayad sa naturang alahas, bukod pa sa malakas niyang convincing power.
     Ang kaso, mahirap kausap si Dr. Jacob Bernardino. Hindi raw nito ipagbibili ang brooch kahit kanino dahil tanging sa babaeng pakakasalan lang umano nito ipagkakaloob ang naturang brooch.
     Kaya ginawa niya ang sa tingin niya ay tama: she decided to marry Jacob.

Pretty Ally

By Dior Madrigal

     Many times in her teenage years and in her adult life, Allison dreamed of Sebastian making love to her. Sa mga pantasya, it was slow and sweet. He would be nice and gentle, and she would be happy and contented. It would be like one of those fairy tale type of stories.
     Ngunit nang muli silang magkita at nangyari na ang noon ay pangarap niya, walang sweet o slow ukol doon. At lalong hindi pang-fairy tale material ang paraan ng paghalik ng binata sa kanya. It was hot, primal and dirty. Pero hindi siya magrereklamo; Seb was her biggest childhood crush then at ngayon, ito na ang lahat sa kanya.
     Too bad, hindi sila pareho ng nararamdaman. A few tumbles in bed were nothing compared to the special bond Sebastian was sharing with his ex-girlfriend….

Falling For Benjamin

By Marianna Ruiz

     “Look, I’m sorry.”
     “Wala kang dapat ipag-sorry. Tama lang na maging rude ka sa akin at tawagin akong responsibilidad mo,” ani Chayzen.
     “Sobrang nag-alala lang ako.” May humaplos sa puso niya sa sinabi ni Benjamin, pero kaagad niyang sinaway ang sarili. “Believe me, I was… irrationally worried about you.”
     “Really? How irrational could you be?”
     “This much.” Ibinaba nito ang ulo at hinagkan siya sa labi. Desire overpowered her logic. Sa isang iglap, kumawala ang lahat ng sinusupil nilang atraksyon parasa isa’t isa. Pero hindi ibig sabihin ay maaari na iyong magtuloy sa kung saan.
     Malaking kahihiyan at sugal kung susundin niya ang atraksyong ito, lalo pa’t hindi relasyon ang habol ni Benjamin sa kanya….

The Man On A White Horse

By Cher Reyes

     Mula noong mag-twenty-one si Maggie, nagsimula siyang bangungutin kada Biyernes. Nagtungo siya sa isang manghuhula at ayon dito, may kinalaman sa ninuno niya sa mother side ang dahilan ng kanyang mga bangungot. Nagpasya siyang magtungo sa probinsya ng ina para makilala ang lola niya, na isa palang priestess ng kanilang tribo noon.
     Doon niya nakilala si Joshua. Ito ang napakiusapan ng kanyang ninong para tumulong sa kanya. Sa mga panaginip ni Maggie, ito iyong lalaking sakay ng puting kabayo na sumagip sa kanya.
     Pero hanggang sa panaginip lang yata iyon. Dahil sa tunay na buhay, she was nothing but a guest to Joshua….

Shelley’s Secret

By Lou Beronilla

     Nabuwis ang buhay ng isang anim na taong gulang na paslit sa vehicular accident na kinasangkutan ni Shelley. Hindi natahimik ang konsyensya niya sa malagim na pangyayaring iyon. Gumawa siya ng paraan para mapatawad siya ni Darren Jacinto, ang biyudong ama ng bata. Kaya naisip niyang magpanggap at mag-apply bilang nanny ng isa pang anak nito.
     Pero kakaibang magbiro ang tadhana. Habang nagtatagal siya sa paninilbihan sa mga ito ay unti-unting nahuhulog ang loob niya sa biyudo. Hanggang sa matagpuan nila ang mga sariling umiibig sa isa’t isa. Alam niyang kasusuklaman siya ni Darren sa oras na matuklasan nito na siya ang dahilan kung bakit namatay ang pinakamamahal nitong anak.
     At dumating nga ang sandaling iyon….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!