Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Secret Boyfriend

By Alexie Aragon

     Biglang-bigla si Marian nang makilala ang taong tuturuan niya ng Ilocano—si ‘Tommy’! Iyon ang ipinangalan niya sa kanyang secret crush na madalas niyang makitang nag jo-jogging sa park. Rafael Torralba pala ang tunay nitong pangalan.
     Lahat ng bagay na kanyang na-imagine tungkol sa imaginary boyfriend niyang si ‘Tommy’ ay na kay Rafael—guwapo, very masculine, gentleman, minsan ay seryoso. Isa lang ang mali: in love ito sa ibang babae at malapit nang ikasal. Ang totoo nga niyan, ang pagkaka-kilala nila ay bunga ng obsession nito sa nobya.
     Martir na siya kung martir sa ginagawa niyang patuloy itong mahalin, pero saka na niya ito sisimulang kalimutan. Pinagbigyan muna ni Marian ang sarili ng isang gabi sa piling ng binata… and gave him her all.

Can’t Stay Away

By Sachi Bliss

     Hindi makapaniwala si Julianna na tinanggap siyang executive assistant ni Allistair Maniego. Umiiwas na kasi ang binatang CEO sa mga babaeng EA dahil ilang beses nang naging problema nito ang mga na-obsess ditong empleyada.
     Dahil hindi siya puwedeng mawalan ng steady income, ipinangako niya sa sarili na mananatili sa posisyong iyon. Nagpanggap siyang lesbian at walang interes sa mga lalaki. Tila effective ang drama niya, dahil na-hire nga siya. But Allistair’s eyes are enough to render her speechless. Kung tingnan siya ng binata ay para bang attractive ang tingin nito sa kanya—and it is unnerving.
     Kailangan niyang mag-ingat. Kapag nabuking ng lalaki na may hidden desire siya para rito, tapos ang career niya….

Run To You

By Faith A. Teodoro

     Hindi alam ni Miracle na ang simpleng pagtakbo niya noong mga panahong iniwan siya ng nobyo ay magiging daan para makilala niya ang isang bagong pag-ibig.
     Abraham was way better than her ex-boyfriend. Sa loob ng maiksing panahon ay naging magkaibigan sila, jogging buddies hanggang sa namalayan na lamang niyang nahuhulog na ang loob niya sa binata. And falling for him was the craziest decision her heart ever made, considering na kagagaling lang niya sa isang heartache. Bukod doon, nagluluksa pa ang puso ni Bram para sa namatay nitong nobya. Hindi kagaya niya, hindi pa ito handa para sa panibagong relasyon.
     Mukhang kailangan na naman niyang tumakbo ulit palayo para magawang makapag-move on….

A Burning Affair

By Darlene Bollon

     Pinakiusapan si Levi ng isang kaibigan na okupahan muna niya ang bahay ng fiancée nito. Pero napansin niya, nababawasan ang kanyang stocks at parang parating makalat ang bahay kada uuwi siya galing sa trabaho. Na-solve lang ang ‘misteryo’ nang mamataan niyang patungo sa banyo ang isang magandang babae na halos hubad ang kaakit-akit na katawan. Mukhang pinagtitripan sila ni Rebecca ng may-ari ng bahay.
     Nagsimula siyang dalawin ng maiinit na panaginip ukol sa seksing dalaga, patunay lang ng pangangailangang ginising ni Rebecca sa katawan niya. Nakatutukso man ang sitwasyon, kailangan pa nilang maghintay ng sandali pang panahon bago makaalis sa bahay. Hiling lang ni Levi, dumating na ang araw na iyon bago pa masaid ang kanyang self-control at tuluyan niyang gapangin ang magandang housemate….

Stand By You

By Kizza Grace

     Napadpad si Nigel Segovia sa Aklan para magtago. Ngunit mula nang makilala niya ang teacher na si Annelize, hindi na naalis sa isip niya ang maamo nitong mukha. Ni hindi na nga siya makapag-isip nang mabuti para malutas ang gulong kanyang kinasasangkutan dahil minu-minutong naalala niya ang dalaga.
     Pero masasayang lang ang lahat ng paghihirap niya kung hahayaan niya ang sarili na magpadala sa kanyang damdamin. Ilalagay niya sa panganib ang buhay niya kung makikipagkita siya sa babae, ngunit para naman siyang mamamatay maisip lang na hindi ito makikita pa.
     Either way, wala siyang panalo sa sitwasyon….

Maid To Love You

By Edith Joaquin

     Hindi sa pangarap ni Grace na maging soap opera princess, pero frustrated actress siya. Iyon lang ang nakita niyang rason kung bakit niya sinakyan ang pagkakamali ni Marcelo Sison nang mapagkamalan siya ng lalaki na caretaker ng bahay na babakasyunan nito. Nakaka-excite kasi, para lang siyang nasa isang true-to-life telenovela.
     Hindi nagtagal, hindi na niya kinaya ang pagpapanggap. Ang bait ng binata, nakakakonsyensya na ginugulo niya ang isip nito. Gusto nang umamin ni Grace, pero ayaw niyang magalit ito sa kanya—na ipinagtataka niya.
     Ano ngayon kung magalit si Marcel? Other people’s opinion of her never used to matter, pero pagdating sa magiging reaksyon ng binata ay na-bo-bother siya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!