Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Sweeter Than My Coffee

By Karen Celerio

     Nang dahil sa walanghiya niyang ex-boyfriend ay nagpasya si Izzy na ikandado ang kanyang puso at huwag pagbuksan ang sinumang lalaking may nais na kumatok dito. At dahil broken-hearted siya, idinaan na lamang niya sa pagkain ang lahat ng sama ng loob na naging dahilan kung kaya nanaba siya.
     Ang nawawalang self-esteem ay halos nababawi na niya nang makilala niya si Blake Villareal. Matapos nitong sirain ang kanyang ‘coffee moment’, hindi na maganda ang una niyang impression dito. Pero tila sinasadyang laging nagsasalubong ang mga landas nila.
     Gayunpaman, bukod sa ‘nakakandadong’ puso, hindi siya masyadong makapaniwala na interesado sa kanya ang Adonis-in-the-flesh na binata….

Villa Pygmalion

By Sefah Mil

     “I’ll give you five hundred thousand pesos, lubayan mo lang si Andrew,” ani Joaquin.
     Tumaas ang boses ni Adelia. “Okay ka lang? Bakit mo naman ako aalukin ng ganyan? Hello! Wala kaming relasyon! Porque ba close, ibig sabihin kami na? Napakamalisyoso mo,” palatak nito. “Isa pa, kung nagkataon mang kami ng kapatid mo, hindi ako cheap na sa five hundred thousand lang ay ipagpapalit ko na ang lalaking gusto ko. Baka kung bibigyan mo ako ng house and lot sa Forbes Park, o kaya isang negosyo ng pamilya n’yo, puwede pa.”
     Nagkuyom ang mga kamay ni Joaquin; nangangati siyang baliin ang sungay ng dalaga. Hindi na siya natutuwa. Hahalikan talaga niya ang Adelia na ito, oras na may ginawa na namang kabalbalan sa villa….

Sleeping Prince Charming

By Doreen Laroya

     “I believe I have to thank you for literally kissing me back to life,” ani Mitch.
     Dagling nag-init ang mukha ni Luna. Comatose patient ang lalaki na noon ay nakaratay sa ospital at parating walang bisita. Kahit hindi niya kilala, nagkusa siyang dalaw-dalawin at kausapin ito.
     Kaagad siyang yumuko para itago ang pamumula ng mga pisngi. “Nanghihinayang lang ako n’un dahil hindi na kita makikita uli. I-it was meant to be a goodbye kiss.”
     “That kiss meant everything to me, Luna. It brought my soul back to my body. You’ve branded me as yours that day, Baby.”
     Kinabig siya ni Mitch. Para iyong eksena sa isang fairy tale, pero masyadong praktikal si Luna para maniwala sa love at first sight, o na pag-ibig ang kahulugan ng matinding physical attraction nila sa isa’t isa….

Temporary Wife

By Carolyn Weber

     “Nagbago na ang isip ko. Hindi na si Sari ang gusto kong pakasalan,” tukoy ni Marc sa pinsan niyang taksil.
     “Mabuti naman natauhan ka na.” Parang nabunutan si Rio ng malaking tinik sa dibdib.
     “Tayo na lang ang magpapakasal.”
     Namilog ang mga mata niya. “Ang sinabi ko natauhan, hindi nasiraan!”
     Natawa ang lalaki. “Ano’ng nakakagulat sa sinabi ko? Bakit? Nakukulangan ka pa sa ’kin You could do worse,” tuya nito.
     “I can do better,” pagmamalaki niya, bagaman sa sarili ay alam na hindi iyon totoo.
     Marc Verdadero is every woman’s best choice for a husband. Pero ang nasaktan nitong ego lamang ang dahilan kaya siya nito inaalok ng kasal. Hindi niya iyon dapat ikatuwa….

Intoxicating Love

By Aileen Samson

     “Why did you just kiss me?” nalilitong tanong ni Yngrid sa bago niyang boss.
     “To confirm my suspicions,” walang gatol na sagot ni Jack. “Your mouth tastes of alcohol, Miss Fernando. Hindi niyan maipagkakailang lasing ka habang nagtuturo sa klase mo.”
     Napahiya siya at ang tanging paraan para magbangong-puri ay ang magkunwaring galit. “You didn’t have to kiss me, puwede namang tanungin mo na lang ako!” asik niya.
     “At aamin ka ba?” sarkastiko nitong sagot.
     Parang gustong ipukpok ni Yngrid sa ulo ng kaharap ang penholder na nasa desk nito. She thought he kissed her because he liked her. Hindi pala. Ngayon, nasaktan na nga siya, mukhang mawawalan pa siya ng trabaho….

Addicted To You

By Jade Anne Franco

     “You’re doing well, I see…” Sa tono ni Aidan, para lang silang malapit na magkaibigang matagal na hindi nagkita.
     Binigyan ito ni Haley ng sarkastikong ngiti. “You didn’t think a stupid infatuation would greatly affect me, did you, Aidan?” tukoy niya sa kanilang naging relasyon.
     “Infatuation, of course.” Hinagip nito ang kanyang braso bago pa siya makaiwas. “Iyon nga lang ba iyon?” anas nito.
     Kasabay ng pagsalakay ng masasarap na sensasyon, bumaba ang tingin ng dalaga sa mapupulang labi ng dating nobyo. For a split second, she wanted to indulge herself and taste them again. God, she missed him! Pero ipinangako niya sa sariling hindi na magpapadala sa matatamis nitong salita.
     She couldn’t afford to have another heartache from him….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!