Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

More Than A Stranger

By Charisse Pamela

     Kailangang magpunta ni Serena sa bayan ng San Martin upang hanapin ang kanyang ama. May nakapagsabi kasi na matatagpuan niya ito roon. Ginagawa niya iyon upang tuparin ang kahilingan ng ina na kasalukuyang malubha ang kalagayan dahil sa karamdaman.
     Hindi niya kabisado ang daan patungong San Martin at nagkataon pang ang napagtanungan niya ng direksyon ay tila kusa siyang iniligaw. Nabalaho pa ang sasakyan niya dahil sa paglambot ng lupa dulot ng malakas na pag-ulan.
     Isang estranghero ang nakatagpo sa kanya at nag-alok ng tulong. Ito lang ang taong makakatulong sa kanya sa pagkakataong iyon, pero hindi pa sigurado si Serena kung safe nga ba siya sa piling ng balbas saradong lalaki na medyo bastos….

Secret Paradise

By Doreen Laroya

     “Sino ka?” tanong ni Carina sa lalaking nakaupo sa malaking bato sa gilid ng batis na madalas niyang puntahan noon. Paano nito nalaman ang lugar na iyon? Silang dalawa lamang ni James ang nakakaalam ng existence ng paraisong iyon!
     “Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sa ’yo?” balik ng matangkad at guwapong lalaki. “You’re trespassing.”
     “I-ikaw ang bagong may-ari ng manor?”
     He sneered and something tugged at her heart. His smile reminded her of someone from her past. “Ryland Villegas. And you have no right to be here.”
     Nabigla si Carina. Ngayon lang niya nakita at nakilala ang kausap, kaya hindi niya alam kung bakit tila galit ito sa kanya.
     Ano ba ang kasalanan niya sa estrangherong ito?

Say You Love Me

By Terri Dizon

     Pangarap ni Amara Molino na maging award-winning actress, kaya ginagawa niya ang lahat makapasok lamang sa mundo ng showbiz kahit pa mahigpit iyong tinututulan ng kanyang istriktong ama. When she finally got her big break, abut-abot ang kanyang pasasalamat. Hindi niya naisip na bukod sa pagkatupad ng pangarap na maging artista, she would also get to meet her dream man.
     Ngayon, hindi malaman ni Amara kung ano ba ang mas mahirap—ang maging mahusay sa larangang pinili niya, o ang makapasok sa puso ng guwapo subalit saksakan ng suplado at sobrang elusive na direktor….

The Perfect Alibi

By Emma Scarlett

     Sa kagustuhang mabili ulit sa napagbentahan ng bangko ang ancestral house ng mga magulang ay pumayag si Elizabeth na magpanggap bilang fiancée ng devilishly handsome lawyer na si August De Vera. Iyon ay para panindigan ang minsang alibi ng binata upang itaboy ang ex-girlfriend/stalker nito.
     Dahil sa set-up na iyon, kakailanganin ni Eli na dagdagan ang pasensya sa mayabang at likas na mapanglait na lalaki. There was no other way to get Villa Isabelle back except abiding to his rules. Sa kabila ng madalas nilang pagtatalo, she could not resist his charms.
     At nang sigurado na siyang mahal na nga niya si August, noon sumulpot ang first love nito, na hindi niya kailanman mauungusan ng ranggo sa puso ng lalaki….

Hanggang Sa Muli, Pag-ibig

By Marianna Ruiz

     Kung nalaman lang ni Dea na si Aldrick Marciano—ang mismong first crush niya na nang tumagal ay kinabubuwisitan na niya—ang magtuturo sa kanya ng pasikut-sikot sa business ng kanyang ama, hindi niya sana tinanggap iyon.
     Ilang taon man na ang lumipas, hindi pa rin nakakalimutan ng dalaga ang mga insultong sinabi nito patungkol sa kanya noong araw na mabuko ng binata ang lihim niyang paghanga rito. Tuloy, mainit ang ulo niya sa obviously ay paboritong empleyado ng kanyang ama, kahit wala itong ginagawa na dapat niyang ikagalit.
     Lalo siyang nainis nang ma-realize na kagaya pa rin ng dati ang sitwasyon nila—naging mas komplikado lang. Higit na sa teenage crush ang damdamin niya kay Aldrick, ngunit hindi pa rin siya nito gusto….

Magic Kiss

By Eunice Xyra

     Desperado na si Jeramiah Costalles na mapaibig si Achilles Cervantes. Hindi siya type nito, ngunit palibhasa ay hindi sanay nang na-re-reject, lalo siyang na-challenge sa pagsusuplado ng binata sa kanya.
     Mabuti na lang at may nakilala siyang marunong gumawa ng gayuma. At mukhang effective ang love potion dahil agad naging sweet sa kanya ang lalaki matapos niya itong halikan.
     Masaya na sana si Jeramiah, hanggang sa ma-realize niyang hindi na obsession lang o pride ang dahilan kaya gusto niya itong makuha, mahal na niya ang doktor. At nalulungkot siya dahil alam niyang matatapos din ang lahat sa oras na mawalan ng bisa ang gayuma….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!