Posted on

Release For My Special Valentine Premium!

Want to read the story teasers?

Their Happy Ending

By Dior Madrigal

     Ang magkaroon ng isang pamilyang kagaya ng sa mga magulang niya ang tanging pangarap ni Cassandra, pero nabura ang happy ending illusions niya nang makilala ang kanyang fiancé na si Raphael De La Vega. Oo nga at mukhang tunay na prinsipe, pero halatang hindi siya nito gusto at ayaw sa arranged engagement na iyon. Gusto niya tuloy magwala. How could her fairy tale ending be ruined?
     Pero kung susubukan niyang gawan ng paraan, baka puwede rin siyang magustuhan ng binata.
     Nang makilala niya ang ex-girlfriend nitong si Alicia, naging malinaw sa kanya ang lahat. Hindi sa kanya ang istoryang ito. Masakit mang aminin, sina Raphael at Alicia ang meant to be, at siya ang malaking hadlang sa happy ending ng dalawa….

The Runaway Bride

By Jasmine Han

     “I’ll behave, Jake. I’ll be a proper wife to you. Gusto ko lang mapasaya si Lolo habang nabubuhay pa siya,” hiling ni Chelsea.
     Ngumisi ang lalaki. “Very well. But it’s going to be on my terms. Gagawin mo lahat ng responsibilidad ng asawa ng isang presidente ng kompanya. At home, you have to take care of everything I need and that includes warming my bed at night.”
     She flinched. Ang pangit niyon sa pandinig niya. Pero kung iyon ang kailangan niyang bayaran sa ginawa niyang pang-iiwan dito five years ago, dapat niya iyong gawin.
     “Is that okay with you?” hamon nito.
     “Yes,” mahinang sagot niya matapos mapalunok.
     “Then, come here and kiss me,” utos nito sa mababang boses.
     Napapikit si Chelsea. Pagkuwan ay nanginginig ang mga tuhod na nilapitan ang lalaki.

The Wolf’s Temptation

By Arianne Cole

     “Francesca, alam kong likas na matigas ’yang ulo mo, pero kahit ngayon lang, do as you’re told. Umuwi ka na… for both our sakes.”
     Nakipagtagisan siya ng tingin dito. “Ayoko,” anunsyo niya. “Bakit ba ayaw mong tulungan kita? Are you that proud, na talagang naduduwal ka sa isiping kailangan mo ng tulong? God, what a misplaced and insufferable arrogance!”
     “Hindi iyon!” asik nito.
     “Then, what?”
     “This!” Hinila siya ni Nick hanggang sa madikit siya sa pruweba ng pagnanasa nito para sa kanya. “I don’t want you here because of this!”
     Namilog ang mga mata niya kasabay ng marahas na pagsinghap…..

Codes And Affairs

Elites (Book 5 of 6)

By Jade Anne Franco

     “Ba’t ba palagi kang nakaismid sa tuwing nakikita mo ako?” nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Adriana Ward.
     Hindi sinasadyang napababa ang tingin ni Lafernio sa dibdib ng babae. Napalunok siya. Her skin looked so tender that he had the strongest urge to touch it.
     “Well, you don’t look irritated now.” Biglang lumipad ang tingin niya sa mukha nito na ngayon ay namumula dahil sa galit.
     Ngumisi siya. “So you just proved yourself wrong. Hindi ako nakaismid o iritado ngayon. I’m more like… intrigued.”
     He was being rude, at sinadya niya iyon. Ayaw niyang magkaroon ng kaibigan sa hellhole na kinaroroonan. He vowed to keep his loyalty to his brothers, at wala siyang pagkakatiwalaang iba—yes, not even this beautiful woman….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!