Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Wild

Unexpected Passions (Book 1 of 4)

By Dior Madrigal

     Ang deal ni Brandon sa kanyang lolo, hanapin niya ang mga kamag-anakan ni Aurora Esteban, pakasalan ang isa sa mga apo nito, at siya ang magmamana ng eighty percent ng kayamanan ng matanda.
     However, his grandfather’s information about the woman was insufficient and faulty at best. Kaya siya na mismo ang umupa ng detective para hanapin ang anak at apo ni Aurora Esteban. Gusto niyang makita nang personal ang babaeng posibleng maging kabiyak niya.
     Ang natagpuan ni Brandon ay isang twenty-two-year-old spoiled brat; wild, capricious and irresponsible. In short, everything he detested. Hindi niya yata kayang isipin na ang klase ni Keira Vivian Beltran ang mapapangasawa niya….

Forbidden

Unexpected Passions (Book 2 of 4)

By Dior Madrigal

     Ilang sandaling nagtama ang mga paningin nila. Pagkatapos ay biglang umungol si Samantha. “Oh, shut it!”
     Nanlaki ang mga mata ni Trent nang hilahin nito pahubad ang kamiseta niya. “Sam, what are you—”
     “I’m getting tired of this!” asik nito. “This sexual tension is killing me! I don’t like it!”
     Itinulak siya ng babae, pumaibabaw sa kanya at sinimulang hubarin ang t-shirt nito. His cognitive abilities went down the drain as his eyes hungrily raked her lovely body.
     Nanuyo ang lalamunan ni Trent. Paano nga ba nangyaring naging mala-sex goddess ang appeal sa kanya ng kababata niyang noon ay naturingang one of the boys?

Wicked

Unexpected Passions (Book 3 of 4)

By Dior Madrigal

     Iyon na ang pagkakataon ni Kurt Leviste na agawin ang spotlight mula sa kanyang pinsan at kuhanin ang CEO position, kasama na ang kayamanan ng lolo niya. Isang dalagang kamukhang-kamukha ng babaeng pinapahanap ng matanda ang natagpuan niya. Ang mas maganda pa, nadiskubre niya ang weakness ni Dianna Raiz: Pera.
     Inalok niya ito ng sampung milyon, kapalit ng dalawang bagay: Magpanggap itong apo ni Aurora Esteban at pakasalan siya. Hindi naman mahirap kumbinsihin ang babae. Lalong hindi mahirap ang papaniwalain ang kanyang abuelo na baliw na baliw sila sa isa’t isa. Hindi na kailangang mag-drama ni Kurt sa bahaging iyon. He sure can’t seem to take his hands off Dianna’s hot body….

Hopeless

Unexpected Passions (Book 4 of 4)

By Dior Madrigal

     Sa loob ng nakalipas na sampung taon, alipin si Aslan Leviste ng pagsisisi, pagdurusa, pangungulila at galit sa sarili dahil sa inakalang pagkamatay ni Lena Perez, ang babaeng bukod-tanging minahal niya. Naging laman ng mga bangungot niya, tulog man siya o gising, ang mga pangyayari nang maulang gabing iyon.
     Sa kung anong biro ng kapalaran, natagpuan niyang buhay pala ang dalaga. Hindi niya alam kung ipagpapasalamat niyang may amnesia ito. He will surely lose her again, sa sandaling malaman nito kung paano niya ito sinaktan nang gabing iyon, sampung taon na ang nakakaraan.
     He broke her heart, and that heartache was what almost killed her….

Secrets And Forever

By Chelsea Enriquez

     Simula pagkabata ay mahal na ni Giselle ang best friend niyang si Will. Ito ang prinsipe niya, ang kanyang knight in shining armor. Kabaligtaran nito si Cyrus, ang antipatikong pinsan nito na talaga namang tinik sa lalamunan niya. Malaking hadlang ito sa happy ending nila ni Will; ang ultimate kontrabida.
     Kaya nagulat niya nang isang araw ay bigla itong mag-alok na tulungan siya para mapansin siya ni Will in a romantic sense. Habang kasama niya ang hinayupak ay natagpuan niyang mabait din pala ito at hindi lang pang-aasar ang alam. Napansin din niyang nakakakilig pala ang mga ngiti ng ka—
     Wait. Nakakakilig? Kinikilig siya dahil kay Cyrus?
     Isa iyong malaking bakit!

My Neighbor Gio

By Abby Herrera

     “I suppose we should kiss,” ani Gio matapos isenyas ang pamilya niyang pasimpleng nanonood sa kanila. “May mag-boyfriend bang hindi man lang nagki-kiss pag nagpapaalaman?”
     Tama ito, at dahil ideya niya iyon, siya dapat ang maging mas cooperative. “Okay, fine, but make it quick.”
     Tumingala siya at pumikit. After a moment’s hesitation, he kissed her cheek gently. Nang dumilat siya, nagtama ang mga mata nila ng binata. He was looking at her with an odd mixture of amusement and fondness. Nag-iinit ang mga pisnging nagbaba ng tingin si Taylor. The last time somebody looked at her like that—
     Pero hindi! Ayaw niyang mag-isip na mayroong ibang ibig sabihin ang ikinikilos ng lalaki.
     Gio was just doing her a favor. Iyon lang iyon.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!