Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Guarded Heart

By Christine Acance

     “Bakit bigla-bigla yatang idineklara ka ni Daddy na maging bodyguard ko?” supladang untag niya kay Angus.
     Nagkibit-balikat ang lalaki. “Sundin mo na lang ang daddy mo, Amber. Alam niya ang ginagawa niya.”
     “At ang lagay, magiging anino kita kahit saan ako magpunta? Hindi pa ako nababaliw, Mr. Madriaga. Hindi ikaw ang gusto kong magprotekta sa akin.”
     Ngumisi ito. “Dahil ba natatakot kang gawin ko muli ang ginawa ko kagabi?”
     Nanlaki ang mga mata ng dalaga pagkaalala sa halik na ibinigay nito sa kanya, kasabay ng init na umatake sa katawan niya. Hinding-hindi niya aaminin, pero iyon nga ang ikinatatakot niya—na hindi niya mapigilan ang nag-uumalpas niyang atraksyon para sa mayabang na lalaki….

Return To Me

By Sachi Bliss

     “Why are you here,Via?” Humakbang palapit si Rafe at inabot ng isang kamay ang kanyang baywang. “Do you, by any chance, still love me?”
     Pakiramdam ni Via ay may sasabog na major artery sa puso niya. Bakit ba ito ginagawa sa kanya ng lalaki?
     Ngumiti ito nang hindi siya sumagot. “Yes or no lang ang sagot.”
     Yes! I love you, Rafe Javellana! I always do. Gustung-gusto niya iyong isigaw, ngunit sa sobrang lapit nito ay tila sabay na nawala ang lakas at boses niya.
     “What? Nahihiya ka ba o hindi mo alam ang sagot? O nalilito ka?” Mababa ang boses nito at kaakit-akit sa kanyang pandinig. “Maybe this will help you decide…”
     Bago pa siya muling nakapag-react ay nahigit na siya ng binata palapit. His lips descended upon hers, claiming and conquering, breaking the seven-year drought….

Forever Is Ours

By Kizza Grace

     “Sa tingin mo ba, galit lang ang dahilan kung bakit kita pinakasalan? There is more to that.”
     Napakunot ang kanyang noo. “Ano ang ibig mong sabihin?”
     “A little of desire, Maia. Una pa lang kitang nakita, I found you interesting; a mixture of innocence and intrigue.”
     “Alex, please,” protesta niya. “Let me go, release me from this marriage. Hindi tayo magiging masaya. Puwede tayong magpa-annul.”
     “Hingin mo na ang kahit ano, ’wag lang ’yan. We shall consummate our marriage, Maia,” determinadong pahayag nito. “Ibibigay ko sa ’yo lahat ng kailangan mo at bibigyan mo ako ng anak. You will give me a son.”
     Lahat ng kailangan niya, sabi ng asawa. Pero hindi kasali roon ang pinakaimportante—pag-ibig.

Exclusively Yours

By Jade Anne Franco

     “Sinadya mo ba iyon? Were you there to seduce me?” matalim na tanong ni Miguel sa kanya.
     “You’re the one who seduced me, how dare you!” asik niya.
     “Does it really matter who did what?” mabilis nitong pakli. “Hindi sa nagmamalinis ako, Aleia, pero ano’ng inaasahan mo sa isang taong lasing at may naabutang halos hubad na babae sa kuwarto niya?”
     Ginusto ni Aleia ng isang gabing kapiling si Miguel, hindi mahalaga kung makilala man siya nito o hindi. Now that she got what she wished for, bakit hindi pa rin siya masaya?
     Tawag lamang ng laman para sa binata ang ginawa niyang pagpapadama ng pagmamahal na kay tagal niyang kinimkim. Dapat inasahan na niya iyon….

Is It Okay If I Call You Mine?

By Sansa Esguerra

     Sa apat na miyembro ng kanilang bandang Gothic Chickz, ang lead guitarist na si Bullet o Violet ang maituturing na pinaka-game sa lahat ng bagay. Kaya sisiw sa kanya ang dare ng mga kaibigan na halikan niya ang isang lalaki sa bar. Bonus pa na guwapo at malinis tingnan ang naturang estranghero. Mainit ang halik na pinagsaluhan nila, kaya sa kabila ng kalasingan ay hindi niya nagawang kalimutan ang halik na iyon.
     Laking-gulat niya nang malamang ito ang kanyang bagong Math professor. At mistulang malayo sa kanya ang tipo ni Redencio Cristobal, dahil nalaman niyang may crush ito sa guro nilang palihim nilang tinatawag na ‘Miss Tapia the Second’….

A Dream Is A Wish

By Edith Joaquin

     Na-love at first sight si Rose nang masilayan ang larawan ng isang guwapong lalaking may nakakatulalang ngiti. Ni hindi niya alam ang pangalan nito at alam niyang close to never niya itong makikilala sa personal. Gayunpaman, laman parati ng pantasya at panaginip niya ang kanyang nameless fafa.
     Kaya parang nagbukas ang langit at pagkarami-raming anghel ang kumanta ng Hallelujah Chorus, at muntik himatayin si Rose nang makaharap ang lalaki ng kanyang      panaginip.
     Pero agad siyang napakurap at natauhan nang preskong magsalita ang lalaking Allan umano ang pangalan. Teka, bakit ganoon? Parang may mali. Bakit hindi niya gusto ang dating ng isang ito? Dapat ay nagtatatalon siya sa tuwa, dream come true niya ito, supposedly.
     Iisipin na sana niyang hindi totoo ang destiny hanggang sa makilala niya si Jay, ang identical twin ni Allan….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!