Posted on

Release From Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Pabili Ng Isang Halik

By Carolyn Weber

     Marahil ay tama ang kaibigan niya; maybe she needs a fling. Sigurado ang mga hakbang ni Miranda patungo sa lalaking nakakuha ng kanyang atensyon.
     “Gusto kong bumili ng halik,” walang ngiting sabi niya. Naningkit ang mga mata ng estranghero. “I want a kiss from you. Puwede na ba ang sanlibo?” Ipinakita niya rito ang hawak na peso bill.
     Hindi niya inaasahan ang galit na dumaan sa mukha ng lalaki. Parang bakal ang mga braso nito na yumakap sa kanya. Sapilitan nitong ibinuka ang bibig niya at kinuyumos iyon ng halik, na para bang napakalaking kasalanan ng ginawa niya rito. Saka siya nito binitiwan.
     Nabigla siya nang may dukutin ito sa wallet. “Name your price,” anito, iniaabot sa kanya ang credit card. “Sky’s the limit. But I want more than a kiss.”

Sweet Scandal

By Eunice Xyra

     Zia King had the most shocking news of her life when she found a crying baby boy in front of her house. Kasama ng bata ang isang sulat mula sa anonymous na nanay nito. At mas nagulat siya sa nabasa. Ayon sa sulat, ang sanggol ay anak ng business mogul at isa sa most sought-after bachelors—si Artemio De Calibre. Kaya minabuti niyang ibigay rito ang responsibilidad sa pagpapalaki ng bata.
     Ngunit itinatanggi nitong ito ang ama ng baby. Inakusahan pa siya nitong user, mukhang pera at kung anu-ano pang masasakit na salita.
     And then, the next thing she knew, bigla na lang nitong inako ang bata at sinabing pananagutan siya. Ano raw?

Hotter Than Summer

By Bella Miara

     Naroon si Lynn sa resort na iyon para mag-enjoy sa bakasyon, hindi maghanap ng summer fling. Sinabihan niya ang sarili na hindi siya dapat magpatangay sa matatamis na ngiti at halik ni Danny Jimenez. Tama nang nag-enjoy siya sa sandaling nagkasama sila nito. Hindi siya mababang uri ng babaeng basta na lang papatol sa isang estranghero kahit gaano pa ito kaguwapo o kasarap kasama. Bagaman hindi na niya mababawi pa ang mga halik na ninakaw nito sa kanya—na sa kasawiang-palad at sa panggigilalas niya ay kanyang tinugon—wala sa plano niyang ma-attract pa nang husto rito.
     However, Lynn could tell it was too late to be cautious when just the sight of him could make her blush and… feel hot.

Little Wild Heart

By Charlotte Dianco

     “Suplado ka ba talaga?” narinig ni Lemuel na tanong ni Danica. “Para kang laging galit sa akin.”
     Imbis na mainis ay na-distract siya. Naka-two-piece ito at hindi man lang nagsuot ng roba o nagtapis ng tuwalya. Kahit alam niyang tomboy ang kaharap, babae pa rin ang katawan nito. At lalaki lang siya!
     “Hindi ako galit sa ’yo,” aniya. “Nanghihinayang lang.”
     “Nanghihinayang? Bakit?”
     “Dahil maganda ka… pero lesbiana.” At ang younger sister ko ang type mo, gusto niyang idagdag.
     May treinta segundo rin yatang hindi ito nakapag-salita, pero mayamaya ay tumawa nang malakas. “Ako? Lesbian? Papayag lang akong maging lesbian kung gay ka.”
     It was a big mistake. Dahil imbis na sumagot, bigla niyang kinabig ang babae at hinalikan sa labi!

Don’t Play With My Heart

By Dorothy Kim

     Act normal. Past is past, okay? Huwag kang papaapekto. Iyon ang bilin ni Gabrielle sa sarili.
     Hindi niya inasahang makikita niya muli si Jansen Benedict Lagdameo pitong taon matapos siya nitong lokohin. Hindi niya inasahan na tiyahin nito ang mismong kliyente niya. And worse, she did not expect these feelings after all these years! Akala niya ay nakalimot na ang puso niya, pero muli lang pinaalala ng pagkikita nila ang kabiguan ng kanyang unang pag-ibig. Gayunpaman, desidido siyang iwasan ito. At subukan lang nitong lumapit at makikita talaga ng lalaking iyon ang hinahanap nito.
     Pero hindi lang paglapit ang balak gawin ni Jansen; he was resolute to win her love all over again….

One Love

By Faith A. Teodoro

     Hindi man niya magawang aminin nang harapan, aware si Hannah sa paghanga niya para sa boss na si Uno Yakobovitch. Iyon nga lang, ubod ito ng sungit. Ilang beses man niyang sinubukang mag-resign, tinatapatan iyon ng amo ng mas magandang offer. Tuloy, hindi siya makaalis-alis sa opisina nito.
     Pero nagulat siya nang bigla itong bumait. Inalagaan siya nito noong magkasakit siya. At unti-unti ay yumabong ang admiration niya para rito, na mukha namang mutual sa pagitan nila.
     May isa nga lang problema. Hindi tamang pagnasaan niya si Uno dahil nobyo niya ang kapatid nito….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!