Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Entranced

Wiccan Series (Book 1 of 4)

By Elise Estrella

     “N’ong 18th century, sinumpa ng mangkukulam ang ninuno ko. Lahat ng lalaking minahal ng mga babae sa pamilya namin ay namatay nang maaga.”
     Nagtagis ang mga bagang ni Ethan. “So, ipinagtutulakan mo ako palayo dahil sa isang sumpa.”
     Tumango si Cleo. “Ayokong may mangyaring masama sa ’yo—”
     Umiling ang binata. “I think I’ve heard enough. Hindi mo kailangang magsinungaling sa ’kin o gumawa ng kuwento para lang sabihing mong ayaw mo sa akin. Tulad na lang ng hindi mo kailangang sabihin sa ’kin na mahal mo ako para ibigay ko sa ’yo ang lahat ng gusto mo.” Tumalikod ito at tuluyang umalis.
     Huminga siya nang malalim. Nagdurugo ang puso niya, una dahil nagtagumpay siya sa pagtataboy rito; at pangalawa, nalaman niyang hindi siya nito matatanggap kahit kailan….

Enthralled

Wiccan Series (Book 2 of 4)

By Elise Estrella

     Kahit hindi pa i-consider ni Cordelia na kamukha ni Joshua Robles ang lalaking kaniig niya gabi-gabi sa kanyang panaginip, matitipuhan pa rin niya ang head of security ng Insular Hotel. He was so sexily male at agad siyang na in lust dito.
     Hindi siya malandi, pero aaminin niyang hindi rin siya mala-Maria Clara. Ang tendency niya ay habulin kung ano ang gusto niya, at iyon ang unang pagkakataon matapos ang kanyang first and last relationship na nakakita siya ng lalaking talagang gusto niya. It would be interesting to find out kung mutual ba ang damdaming iyon.
     Ngunit mukhang magiging challenge ang Joshua na ito. Man of few words ang binata na misteryoso. Intriguing. Irresistible.
     Cordie was going to enjoy learning everything about him….

Enticed

Wiccan Series (Book 3 of 4)

By Elise Estrella

     Alam ni Soraya na hindi siya mag-aasawa. Kung talagang mahal niya ang isang lalaki, alam niya sa sarili niya na hindi niya kakayaning ilagay ito sa panganib. Dahil sa sumpa sa kanilang pamilya, hindi siya puwedeng ma-in love. Hindi niya maaaring mahalin nang tuluyan si Kendrick dahil para na rin niya itong inihatid sa libingan nito.
     Pero dahil alam niyang kailanman ay hindi sila puwedeng magsama ng binata, she wants something from him.
     At iyon ay isang gabi sa piling nito.

Entangled

Wiccan Series (Book 4 of 4)

By Elise Estrella

     Ni sa hinagap ni Thea, hindi niya naisip na ang tahimik at seryosong si Dr. Bennett Tanjuatco at si Mr. Macho sa Banyo na aksidenteng nabosohan niya ay iisa! Maliban sa tuyo ang buhok nito at may suot itong damit, hindi siya maaaring magkamali. Hindi niya malimut-limutan ang guwapo nitong mukha mula pa nang una niyang nakita ang binata na hubad at basa.
     Oh, my God!
     Bigla ay gusto na niyang tapusin na nilang magkakapatid ang sumpa sa lahi nila. Baka kasi iyon pa ang maging hadlang sa happy ever after nila ni Bennett. Hindi mailarawan ng salita ang gulat nila nang malamang lola mismo ng binata ang nagdala sa pamilya nila ng sumpang iyon….

My Fiancé’s Brother

By Jade Anne Franco

     Celine knows that it wasn’t love that brought her and Miguel together, but she is still thankful. Hindi lahat ng marriage for convenience ay ganito kadali. Napakadaling pakisamahan ng binata, napakatalino at napakaguwapo.
      Pero nang isinama siya ng fiancé sa hometown nito at nakilala niya ang kapatid nitong si Lander, parang nag-iba na ang lahat. Kada makikita niya ang binatang ranchero, tila ba may ginigising itong kung anong emosyon sa dibdib niya—something wild and primitive.
      And it is immensely wrong to let herself get affected like this by her fiancé’s brother.

Rockstar Next Door

By Helene Del Mundo

     Cliché na kung cliché, pero iyon talaga si Tara Madrigal: isang nobelistang may writer’s block. Kulang dalawang buwan na siyang nagpipilit na may matapos na nobela at kaunti na lang ay masasaid na ang budget niya. May dalawa pa naman siyang kapatid na pinapaaral at kailangan ng tulong ng single parent niyang nanay. Kaunting-kaunti na lang tatanggap na siya ng labada, o kaya maghahanap ng sugar daddy.
     Mabuti na lang, to the rescue ang kapitbahay niyang si Chris Ibañez. Masyado pa itong bata para maging sugar daddy niya, pero willing naman itong tulungan siya. Iha-hire siya ng kanyang seksing kapitbahay bilang ‘tagataboy’ ng mga babaeng nahuhumaling dito.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!