Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

With All My Heart

By Doreen Laroya

     Sydney was an heiress. Iyon ay bago nag-suicide ang politiko niyang ama, matapos itong kasuhan ng graft and corruption ng Ombudsman, dahil masyadong matibay ang mga ebidensya laban dito. And in an instant, nagbago ang buhay niya.
     Napadpad siya sa Candelaria, Quezon sa paghahanap sa dating yaya. Pero dalawang taon na pala itong patay. Mabuti na lang at pinayagan siya ni Micah, ang pamangkin ng namayapa, na manatili sa bahay na iyon. Pero bad shot kaagad siya sa kapatid nitong binata. Hindi naman niya maintindihan kung bakit sa kabila ng kasungitan sa kanya ni Lawrence, hindi niya maiwasang mahulog ang loob dito….

The Brazen Temptress

By Jasmine Han

     Naisip ni Suzanne, how can her stepsister Melinda just have it all? Samantalang nasa alanganin ang lahat ng bagay sa buhay niya? Papa-bankrupt ang kompanyang minana niya sa ama; hindi niya magawang magtiwala uli sa mommy niya; and now her ex-fiancé is in love with her stepsister.
     She took another sip of her wine, pagkuwan ay napangiti nang mapait. Isang bahagi ng isipan niya ay nagmamatigas, makaka-move on lang daw siya kung makakaganti siya kay Mel. So she decides to seduce her stepsister’s boyfriend.
     Sa huli ay talo pa rin pala siya. Dahil maling lalaki ang napagbigyan niya ng sarili, and he happens to be the only person who can help her save her company.

Married To My BFF

By Ingrid De La Torre

     Isang ulirang best friend ang papel ni Patricia sa buhay ni Drew. Sa tuwing may problema ang lalaki sa mga chicks nito ay to-the-rescue agad siya. Ganoon lagi ang role niya hanggang sa isang araw na bigla siyang naging aware sa napakaguwapong mukha ng binata at sa napaka-‘yummy’ nitong katawan.
     Napasok sila sa isang sitwasyon kung saan kailangan nilang magpakasal. Subalit hindi panghabambuhay ang magiging pagsasama nila.
     Kailangan niyang magkaroon ng sort of ‘hard copy’ ng masasayang sandali ng buhay niya kasama ang lalaking iniibig. She wanted something tangible… something alive. She wanted to have Drew’s baby.
     Pero paano?

Hold On To Love

By Blaize Pascual

     “Para saan ang pag-uusap na ito, Brad?” She tried to sound unaffected. “Surely, it’s too late kung ngayon mo ako susumbatan.”
     “I really don’t know where you got the nerve to come back here. And FYI, hindi ko gustong nandito ka.”
     What he said broke her heart into gazillion pieces. Kung mabubuo pa niya iyon ay hindi na niya alam. Matinding pagpipigil ang ginawa niya para hindi mapahagulgol sa harap nito.
     Barbara let out a cynical laugh. “This is my home, Brad. And don’t worry about my presence. I can always stay out of your way.”
     Inasahan na niya ang galit ng dating nobyo sa sandaling magharap sila, pero nasaktan pa rin siya. Una, dahil kapakanan lang naman nito ang inisip niya kaya siya umalis noon at pangalawa, dahil mahal pa rin niya ito hanggang ngayon….

Lying Lips

By Kizza Grace

     Veronika was a stubborn woman—mahilig siyang gumawa ng mga childish pranks na may seryosong resulta. Palagi naman siyang nakakawala sa responsibilidad dahil inililigtas siya ng ama at ng pera nito. Hanggang sa isang araw ay muli siyang na-involve sa isang aksidenteng ang biktima ay ang lalaking walang maalala sa nakaraan nito. Naging responsibilidad niya ang pag-aalaga rito kahit pa labag iyon sa kalooban niya.
     Everything went perfectly well, until he kissed her. Right then, her world turned upside down and she found herself falling seriously in love with him.
     Pero, anong biro naman ng tadhana dahil nang nanumbalik ang alaala ng lalaki ay sinabi nitong may asawa pala ito! At mas lalong siyang nabigla nang malaman ang buong katotohanan sa tunay na pagkatao ng pasyenteng minamahal na niya….

Plans Of Forever

By Abby Herrera

     Normal at ordinaryo, iyon ang buhay ni Billie. Para sa kanya, hindi siya kakaiba o extraordinary. But when she met her new boss, the handsome and charming Vito Caballero, pakiramdam niya ay espesyal siya sa paningin nito.
     At kahit unti-unti siyang napapalapit dito, binalaan niya ang sariling huwag umasa dahil sa paniniwalang ang katulad nito ay hindi kailanman mapapaibig ng isang kagaya niya. But they grew close, and in time, hindi na niya alam kung may boundary pa ang kanilang relasyon.
     Just when she felt she was ready to fall, saka niya nalaman ang masakit na katotohanan—may minamahal na palang iba si Vito.
     Pinaglaruan lang yata siya ng binata all along….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!