Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Naughty Or Nice?

By Dior Madrigal

     Medusa incarnate na na-trap sa katawan ni Aphrodite ang unang impression ng TV at film actor na si Nikolas kay Arianna. Hindi niya alam kung bakit ang rude ng dalaga pagdating sa kanya, gayong mabait naman ito sa kapatid niya at sa iba pa.
     Sa inis tuloy ni Nik, sinagot niya ng masasakit na salita ang mga insulto nito sa kanya. Halos magtinginan na lang tuloy sila nang masama kada magkikita.
     Ngitngit na ngitngit man sa babaeng ang ganda-ganda pa naman sana, hindi niya maiwasang ma-curious dito. Lalo pa nang bigla niya itong makitang nag-po-pole at strip dancing sa private show na inihanda ng kaibigan niya….

Office Romance

By Annabelle Briones

     Simply irresistible ang magiging bagong boss ni Chinta Alexa Larson. Walang ginawa kundi magpa-cute sa kanya ang apo ng presidente ng kompanyang pinapasukan niya. Ang malas lang, siya ang itinalaga para turuan ito tungkol sa pasikut-sikot ng negosyong iyon.
     Kahit anong iwas niya, wala siyang nagawa sa charm ni Joseph Viktor Kwan. Hayagan din nitong ipinapakita sa lahat ang interes para sa kanya.
     Pero alam niyang hindi sila bagay. Amo niya ito… at mayroong isang lihim ng kanyang pagkatao ang sigurado siyang hinding-hindi matatanggap ng pamilya ng binata….

A Twisted Fairy tale

By Luna Amparo

     Starting right doesn’t mean you will end it right. Ito ang napatunayan ni Sanya sa kanyang relasyon sa nobyong si Samuel. They started out smoothly, almost perfectly. Ngunit hindi happy ending ang kanilang naging love story. Marami ang villains katulad ng sa isang fairy tale. Ang kaibahan lang, sa kuwento nila ay ang mga villains ang nagwagi at hindi ang love.
     Matapos ang ilang taon ay bumalik si Sanya sa Pilipinas para wakasan nang tuluyan ang storybook by attending her sister’s wedding with her ex-boyfriend. Hindi niya inaasahan na may epilogue pa pala ang inakala niyang tragic ending na istorya nila ng kanyang dating nobyo.
     Hindi tuloy niya alam kung sino nga ba sa kanila ng kapatid ang magkakaroon ng happy ending….

Mahalin Mo Ako

By Eunice Xyra

     Dalawa lang ang pangarap ni Comet sa buhay—ang maging isang sikat na fashion designer at ang makita sa personal si Raisen Philipps, ang hinahangaan niyang artista at rock star. She has been in love with him since day one. Pero nasira ang pantasya niya nang malamang suplado pala ito at mayabang sa personal.
     Lalo pa siyang nainis sa lalaki nang hainan siya nito ng isang blackmail dahil sa kasalanang ibinibintang nito sa kanya. Dahil sa isang kontrata ay natali ang buhay niya rito, maging ang puso niya. But then, they cannot be together. He is a star, and she is just a fan.
     At malamang manatili na lang siyang ganoon, lalo pa’t nakagawa siya ng bagay na makakasira sa inaalagaang career ng lalaki.

Heart Of Persistence

By Mika Edelstann

     If ever the word ‘betrayal’ be reinvented, it’s got to be Grau.
     Sa buong buhay ni Tiffany, tulad ng lahat ng kababaihan, nangarap din siyang magmahal ng isang lalaki. Tama ba namang lokohin siya nito? Her love is pure and sacred, pero kay Grau, flavor of the month lang siya. Isa sa mga koleksyon nitong ipinagmamalaki sa mga kaibigan.
     At ngayong nagpakita muli sa kanya ang binata, ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na magpapaloko muli rito. Ngunit ito mismo ang sumusulpot sa bawat pagkakataong kailangan niya ng tulong, at ipinipilit din ni Grau ang pagtulong kahit tanggihan pa niya. Marahil ay may motibo ito. Malay ba niya kung anong kagaguhan ang nasa isip nito?
     Basta hindi na siya uli magtitiwala sa lalaking iyon.

In The Name Of Love

By Sefah Mil

     Para makasama si Vivetha sa mga kaibigan niya na maka-tour around Asia, kailangan niyang gawin ang assignment na ipinapagawa ng kanyang stepmother—ang guluhin ang kasal ni Miguelito Enrique. Hindi pa niya nakikita ang nabanggit na lalaki, pero sa pangalan pa lang, parang mabaho na ito. Ngunit hindi na importante kung ano ang hitsura nito, ang mahalaga ay mapaibig niya ito!
     Dapat sa una nilang pagkikita ay naka-dress siya, bagong ligo at humahalimuyak sa bango, maganda ang ngiti at napaka-sweet ng boses. Tingnan lang niya kung hindi ito maaakit sa kanya.
     Malas lang niya dahil kung kailan siya bad trip at pagod ay noon pa may guwapong lalaking dumating at nagpakilalang si Miguelito Enrique! Kung anu-anong pagtataray pa naman ang nasabi niya.
     Kailangan na yata niyang magpaalam sa pinakaaasam-asam niyang Asian tour….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!