Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Fate Meets Love

By Chelsea Enriquez

     Ayon kay Tandang Selya, ang pinaka-credible na manghuhula sa baryo nila, si Steven daw ang nakatakda para mapangasawa ni Ysabella. Ang kaso, pakipot ang binata at kontrabida mode palagi kahit pa lahat ng kakilala nila ay todo-suporta sa ‘love team’ nila. Nagawa na niya ang lahat ng pagpapapansin mula sa pagluluto ng pagkain nito hanggang sa pagpapakita ng legs, pero wa epek pa rin sa lalaki.
     Hanggang sa sabihan siya ng matandang manghuhula na nagbago raw ang kapalaran niya. Dapat na raw niyang kalimutan si Steven dahil sasaktan lang umano siya nito. 
     Laking gulat niya nang imbis na matuwa ang binata, aba’y parang hindi nito nagustuhan nang sabihin ni Ysa na iiwan na niya ito at hindi na guguluhin pa….

My Heart Belongs To You

By Ammy Redrico-Ribay

     Para hindi maremata ng bangko ang lupa’t bahay nila, humingi ng tulong si Dee-Dee sa Lolo Felix niya para matubos iyon. Ang kaso, humingi ito ng kapalit; maraming apo sa tuhod. Pero siyempre kailangan muna niyang mag-asawa. May solusyon naman si Macario Magdaraong Jr., her best friend. Tinulungan siya nito na mag-husband-hunting, inireto siya sa mga bachelor friends nito. Subalit ni isa ay wala siyang napili.
     Nang inalok nito ang sarili para maging asawa niya, tinanggap niya. May naging problema uli, ayaw maniwala ng lolo niya na nag-iibigan sila. Ngunit ang Macario, pinalabas na nagdadalantao siya para pumayag ang kanyang abuelo na makasal sila. Kailangan na lang nilang magsiping para mabuntis siya nang totohanan. Nasa lalaki muli ang solusyon doon. Dahil kung sa kanya lang, handa siyang isuko ang sarili kay Mac.
     Na-realize ni Dee-Dee na mahal niya ito, hindi bilang kaibigan lang….

You’re All I Need

By Sansa Esguerra

     Dahil sa biglaang pagkamatay ng ninong ni Spencer, napilitan siyang maging temporary guardian ng anak nitong si Nathan hangga’t hindi pa dumarating ang appointed guardian ng bata na kapatid ng kanyang ninong. Pero halos tatlong buwan na siyang naghihintay ay wala pa rin si Marcus Daza. Kaya hindi pa man niya ito nakikilala ay inis na siya rito. Nang dumating na ito ay wala itong ginawa kundi guluhin ang tahimik niyang mundo. Sa tuwing nagkikita sila ay hayagan itong nagpapakita ng interes sa kanya; siya naman ay panay ang iwas. Wala siyang interes sa pakikipagrelasyon, nais niyang unahin ang kanyang trabaho.
     Pero kahit na ano ang gawin niyang iwas ay hindi pa rin niya mapigilan ang atraksyon na nararamdaman para sa binata. At nang tuluyan na ngang nahulog ang loob niya kay Marcus ay saka naman ito kinuha sa kanya….

Sweet Temptation

By Jade Anne Franco

     Kailangan ni Ethan ng bagong maid habang on leave ang kanyang kasambahay. Ang exquisitely beautiful, pero nuknukan ng sungit namang ex-girlfriend ng kanyang best friend ay mayroong hinihinging pabor sa kanya. Isang pilyong ideya ang pumasok sa isip niya. Hindi itinatago ni Anika ang inis sa kanya noon pa man, at dahil sa tingin niya ay lalo itong nagiging hot kapag nagagalit, parang gusto niya itong asarin pa lalo.
     Inalok niya ito ng deal. Papayag siyang tumugtog sa anniversary ng foundation ng pamilya nito, kapalit ng two weeks nitong pagtatrabaho bilang maid niya….

The Cinderella Project

By Elise Estrella

     Paano nga ba mang-akit ng lalaki?
     Kumakabog ang dibdib ni Maxene habang isinasagawa ang kanyang plano sa masquerade party na iyon. She is going to seduce her boss, the love of her life. Hindi na importanteng hindi siya nito mahal, hindi siya naghahanap ng forever. Gusto lang niya ng isang gabi sa piling ng binata, lalo pa’t aminado siyang hindi ang katulad niya ang babaeng pakakasalan ng isang Edison Arceaga.
     Kinakabahang nilapitan niya ang lalaki. Nagdidiwang na siya sa loob-loob niya nang mainit siya nitong halikan. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang hubarin ng binata ang maskarang suot at malinaw niyang nakita ang mukha ng kaharap.
     Hindi si Edison ang kahalikan niya kundi ang kuya nitong si Elric—ang suplado at dominanteng CEO ng kompanyang pinapasukan niya!

Jamie Love

By Carolyn Weber

     “Iniinsulto mo ba ako?” inis na asik ni Jamie kay Raphael.
     “Iniinsulto? I’ve just proposed to you!” galit na rin nitong tugon. “Hindi ko hinihingi ang katawan mo nang walang kapalit. I’ve offered you my name!”
     “Gusto mo akong pakasalan, pero hindi mo ’ko mahal. Gusto mo lang akong maging ina ng mga anak mo! Sino’ng hindi ma-o-offend d’un?”
     “Hindi ba iyon din ang dahilan kaya di mo matanggap ang lalaking gusto ng mama mo? Dahil hindi ka rin sigurado kung mahal mo siya,” akusa nito. “You’re willing to marry him even if you’re not sure, so ano’ng pagkakaiba namin? At least, I can make you respond to me. Kaya bang gawin iyon sa iyo ng lalaking iyon?” patuloy nito.
     May punto ito roon. Pero, hmph, bakit naman niya iyon aaminin?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!