Posted on

Release For My Special Valentine Desire Classics!

Want to read the story teasers?

Nagpapatawad Ang Pag-ibig

By Roberta Farcon-Evangelista

     Umaasenso si Vivian sa kanyang propesyon, pero lumalamig naman ang pagsasama nila ni Rob. Gusto lang niyang itaguyod ang sarili, kaya trabaho ang pinag-uukulan niya ng pansin. Masama ba iyon? Pero nang napagtanto niya ang kanyang pagkukulang, iniwan niya ang trabaho at ibinuhos nang lubusan ang atensyon kay Rob. Subalit huli na….

Kahit Wala Ka Na

By Kayla Caliente

     Sawa na si Noel sa psychic mediums na binabayaran ng ina upang ma-contact niya ang di-matahimik na kaluluwa ng kanyang asawa. Kaya peke at mapagsamantala ang tingin niya kay Gia. Even when Gia proved that she really could contact spirits from the other world, nanatiling matigas si Noel. Bakit hindi? Napapatahimik nga ng dalaga ang kaluluwa ng kanyang asawa, pero ang kapalit niyon ay ang pagkaligalig naman ng puso niya….

Forever In My Heart

By Katrina Mandigal

     Masayang namamasyal si Gabriella sa parang nang walang anu-ano ay nakaharap niya ang isang toro na akmang susuwagin siya. Before she could even scream, she was swept off her feet by powerful arms and carried away on a galloping horse. She had barely caught a glimpse of the dark stranger who saved her before he wordlessly bent down and kissed her. In her heart, she knew she was in love.
     Later, she learned that her hero’s name was Antonio, ang kaisa-isang anak ng lalaking dahilan ng kanyang pagbabalik sa Villa Theresa pagkaraan ng labinwalong taon. Ang pamilya nito ang puno’t dulo ng pagkasawi ng kanilang ama at pagkawala ng lahat ng kanilang kayamanan….

Dahil Sa Pag-ibig Mo

By Lena del Mar

     Masaklap na karanasan ang pinagdaanan ni Monica sa relasyon niya kay Rod. Sa ganda niya, sino ang mag-aakalang hindi siya nito sisiputin sa araw ng kanilang kasal? Kaya hayun siya, nagtatago sa probinsya kasama ang tiyahin na kapwa matandang dalaga.
     Hanggang minsan ay may napadpad na matikas at guwapong binata roon. The moment na nagpakita ng interes si Christopher kay Monica ay pinahirapan ito nang katakut-takot ng kanyang mga tiyahin. He passed all tests with flying colors which made Monica think him worthy of her love.
     Ang di lang nila alam, malaki ang kinalaman ni Christopher kay Rod. At hindi aksidente ang pagkakapadpad nito sa lugar nila….

Tanggapin Mo Ang Pag-ibig Ko

By Lira Bellafuentes

     May hindi matukoy na strangeness si Armand kay Lorraine—ang pinakabagong counsellor sa kanyang study camp for whiz kids. In spite of that little misgiving, he found himself steadily falling for her—her charms, wit and talent for making kids laugh. He had to admit, masyado siyang seryoso sa buhay at si Lorraine ang nagturo sa kanya na tawanan ang sarili. But Armand no longer thought it funny nang matuklasan niya kung sino talaga ang dalaga at kung ano ang tunay na pakay nito sa kanya….

Unforgettable

By LJ Montecalvo

     Kabaliwan ang nadarama niya, alam ni Renzo, pero hindi niya mapigilan ang sarili. Ilang linggo niyang hinanap sa Bacolod ang babaeng minsang nakaniig kahit ni hindi niya alam ang pangalan nito. Napilitan siyang umuwi ng Maynila sa sumbong ng pinsan na may isang babae raw na napulot ang ama nito na ngayon ay pinagsasamantalahan ang kabaitan ng matanda.
     Ganoon na lamang ang gulat ni Renzo nang sa pagtungo niya sa bahay ni Don Greg ay nakita roon ang misteryosang babae na nagpatibok ng kanyang puso. Sa wakas, nalaman din niya ang pangalan nito—Melanie. Ang masaklap, ito rin ang oportunistang tinutukoy ng kanyang pinsan….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!