Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Room 31

By Sefah Mil

     Gustong maging ‘diyosa’ ni Loti isang gabi at para magawa iyon ay dapat na niyang ipamigay ang kanyang pagkabirhen. Pumasok siya sa Room 31 kung saan inakala niyang naka-check in ang crush niyang si Miko. Ang problema, mali pala ang pagdinig niya sa numero. Room 21 pala dapat, hindi 31. Huli na nang napansin niya ang pagkakamali. Nakapasok na siya sa silid at isang matipunong lalaki ang naka-jackpot ng kanyang virginity.
     Sa kasamaang-palad, lumaki ang kanyang tiyan pagkatapos ng dalawang buwan at wala siyang pangtustos para rito. Kailangang panagutan siya ni Mr. Matipuno, na kung hindi siya nagkakamali ay ang supladong si Gregor Sajili, ang kinatatakutang kuya ng kanyang kaibigan.

Second Chance At Marriage

By Cassandra Victoria

     Runaway wife si Donna Camilla Francisco. Pinili niyang ipagpatuloy ang tahimik na buhay bilang doctor sa Pilipinas, subalit biglang nagulo iyon nang makita niyang prenteng nakaupo sa sofa ng bahay niya ang bahagi ng kanyang nakaraan―si Erick Jude Locsin.
     She had a taste of a whirlwind romance, a sweet married life and immeasurable passion with him. Subalit ngayon na nagbalik na siya sa dati niyang buhay ay si Erick naman ang pinakagusto niyang iwasan. All that she needs is his signature para maputol na ang ugnayan nila, but Dr. Locsin is willing to give her more than that. Kung ang mga halik at yakap na iginawad nito ang pagbabasehan, he came not to hand her her freedom, but to give his wife a dose of a second chance….

My Other Fiancé

By Jasmine Han

     Engaged na si Ashley sa kanyang boyfriend of many years nang malaman niya ang di kanais-nais na ginawa ng ama bago ito namatay. Ipinagkasundo siya nitong ipakasal sa anak ng taong pinagkakautangan nito dahil sa pagkagumon sa sugal. Kapalit iyon ng bahay at lupa nila na balak pa naman sana niyang ibenta para makapag-aral ng medisina ang kapatid niya.
     Dali-dali siyang nag-empake at hinanap si Revas Mendoza. Nakahanda siyang magmakaawa, ibalik lang nito sa kanya ang titulo ng bahay at hindi ituloy ang kasal. Laking gulat niya nang walang reklamong pumayag ang lalaki sa gusto niya.
     Okay na sana, kung hindi siya mainit na hinalikan ni Revas at naakit siyang tugunin iyon….

The Unwanted Wife

By Ingrid De La Torre

     Animo perpektong modelo na lumabas mula sa isang men’s magazine, Keefe Falcon is every woman’s dream kaya hindi na nakapagtatakang pati ang spoiled brat na si Shammy Araneta ay ma-in love sa guwapong binata to the point na pinikot niya ito sa kabila ng katotohanang may iba itong mahal.
     Tama nga yata ang kasabihang, ‘You reap what you sow’ dahil ipinaramdam nito kay Shammy na kahit kailan ay hindi magiging kanya ang mailap nitong puso. Ngunit kung kailan gusto na niyang sumuko, saka ito nagmistulang stalker and worse, na-kidnap pa siya nito.
     Hirap siyang intindihin ang asawa—minsan mabait, minsan naman ay masungit. Psychotic pa yata ang piniling mahalin ng puso niya….

Kuwentong Pag-ibig Lang

By Edith Joaquin

     Ang sabi nila, huwag na huwag mong gagalitin ang isang writer, because you just might find yourself inhumanely tortured, extremely ugly, or worse, dead in her novel. Iyon eksakto ang ginagawa ni Mikaela sa kanyang hero turned antagonist. Noong una niyang makita si Gerardo Hechanova, inisip niyang perfect ito para gawing hero material. Puwes, mali iyon dahil hindi pangbida ang ugali nito. Kaya nga mula sa pagiging protagonist, ginawa niya itong bonggang kontrabida.
     Ngunit nang lapitan siya nito at kausapin isang araw, parang okay naman ito. Inalok pa nga siya ng binata na mag-collaborate sila bilang nag-aral ito ng playwriting. Maybe they just really got off on the wrong foot with that fiasco with his car. Maybe they were destined to…
     What, Mikaela? Assuming ka.

In Love With Her Boss

By Ruth Amblada

     “Tori, I’ll be frank with you. Why don’t we go out? Let’s be a steady couple for a while.”
     Muntik nang mabilaukan si Tori sa sinabi ng boss niyang si Sergio Madrid III. “Nalilito ako.”
     “Sabi ng doctor, hindi na magtatagal si Lolo kaya siguro gan’on siya lately. Naisip ko lang na baka mag-improve pa ang health niya kapag nakita niya ang gusto niyang makita.” Huminga ito nang malalim at nagpatuloy, “Pinipilit niya ako na pakasalan kita, Tori. Gustung-gusto ka niyang maging asawa ko.”
     Hati ang damdamin ng babae. Instant crush niya si Serge noong una niya itong nakita, pero hindi siya komportableng magiging ‘sila’ para lamang sagipin ang kalusugan ng abuelo nito….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!