Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

I Have Always Loved You

By Doreen Laroya

     Gaya ng napagkasunduan nila, nagtungo si Dallas sa rancho ng kanyang benefactor na si Claire Brillantes pagka-graduate niya ng Veterinary Medicine para roon i-apply ang natutunan niya. Gusto niyang kahit paano ay makaganti sa pagpapaaral nito sa kanya mula noong namayapa ang parents niya.
     Sa rancho ng biyuda, nakilala niya ang anak nitong si Rick, and it was desire at first sight. Kaagad lumago ang pagnanasang iyon at nauwi sa pagmamahalan.
     Ngunit natuklasan niya ang madilim na lihim ng mag-ina; isang sekretong may direktang kinaugnayan sa trahedyang nangyari sa kanyang mga magulang….

Race For Your Love

By Marianna Ruiz

     Upang mapaluguran ang ama, sumunod si Philip sa utos nito na kaibiganin niya si Kahlen Mavri Dizon, ang genius na nakaimbento ng alak na siyang dahilan kung bakit namamayagpag ang kalaban nilang kompanya. Kapag close na sila, saka niya ito aaluking lumipat sa company nila. Pero kung hindi siya magtagumpay, uusad na siya sa Plan B, which is to make her fall in love with him, hanggang sa puntong ibibigay na nito sa kanya ang lahat, pati ang formula ng inimbento nitong alak. With his looks, hindi iyon mahirap.
     Ang kaso mula noong halikan niya ang babae, hindi na siya napalagay. He desires her, at mukhang siya mismo ang nahuhulog sa sarili niyang patibong….

Reunited Hearts

By Blaize Pascual

     Twenty-seven years old na si Kit. Maayos ang career niya, at masaya siya roon kahit wala siyang love life. Wala naman kasi sa priority niya ang huli. She never wanted to have a man in her life—never again. Masyado siyang nasaktan ni Jude Torregoza kung kaya naturuan niya ang pusong magalit at maging bato.
     Pero bakit nang muli silang nagkita ay mabilis pa sa ipu-ipo na nasira ang depensang kay tagal niyang inipon sa puso niya?
     Kahit pa nga sigurado siya na siya rin ang masasaktan sa huli, walang alinlangang muli niyang inalay ang puso at ang buong sarili sa binata.

Capture My Heart

By Darla Domingo

     “Seriously, Daniella, tigilan mo na ang kapatid ko. Kung babae talaga ang tipo mo ay huwag na lang sana si Lana,” ani Karl.
     She rolled her eyes in frustration; ang hirap palang kausap ng taong ito! Saan ba nito nakuha ang ideyang tibo siya?
     Biglang may lumiwanag na light bulb sa kanyang ulo. Time to change tactics. Hindi siya mananalo sa pakikipagtalo sa lalaki dahil mukhang kumbinsido ito sa hinalang sexual preference niya.
     “Do you honestly believe mas prefer ko ang babae?” Bahagya pang inimbay ni Dane ang balakang habang lumalakad palapit sa nagulat na binata. “What made you think na ang gaya ko ay sa isang babae magkakagusto, when I can have someone like you?” malanding bulong niya sa tainga nito na ikinatigas ng katawan ni Karl.
     Hah, it’s payback time!

Kung Puwede Lang Sana

By Charisse Pamela

     Mula noong makita ni Harold si Yasmin na umiiyak sa harap ng puntod ng isang mayamang negosyante, hindi na ito nawala sa isip niya. Tila pinag-aadya rin ng tadhana na magkita sila parati at sa totoo lang, na-cu-curious siya sa misteryosang dalaga. Hindi rin niya malimutan ang halik na ibinigay niya rito noong unang araw na magkakilala sila.
     Kung puwede nga lang sana niya itong mahalin ay hahayaan niyang ma-in love siya rito nang tuluyan. Pero hindi niya papayagang maging dahilan si Yasmin para pag-usapan ang pamilya niya ng lahat ng taong nakakakilala sa kanila. At parang hindi rin niya maatim na ang karibal niya sa dalaga ay isang babaerong matanda na nakalibing six feet under the ground at ang sarili niyang ama.

High On Love

By Edith Joaquin

     Sa buong career niya bilang PDEA agent, hindi pa naranasan ni Ivy ang ganitong klase ng panic attack. Kahit pa noong minsan na pinaulanan sila ng bala ng nahuli nilang suspect na mas hi-tech pa ang armas kaysa sa hawak ng buong team nila. Iyon na ang pinakamatinding operation na nagawa nila.
     Ngayon, may tumawag lang na nagtatanong ukol sa pinag-aaralan niyang kaso. Maaaring maging daan ito upang magkaroon na ng linaw ang ilang detalye sa case at nang magawan na iyon ng kaukulang aksyon para matapos. Pero nagbanggit ang kausap niya ng isang pangalan—pangalan ng natatanging lalaking minahal niya.
     At hindi pa siya handang harapin si Sheridan Gatdula at ipaliwanag kung bakit hindi siya sumipot sa kasal nila noon….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!