Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Back To You

By Anya Madrid

     Nagpakawala si Hendrick ng malalim na hininga. “Huwag ka nang magpapakita ulit sa amin, Serene.”
     “Bakit?” untag nito.
     “Kailangan mo pa bang tanungin iyan? Maayos na ang buhay ko. Huwag ka nang manggulo pa.”
     “Wala akong planong manggulo, Hendrick…”
     “Sa tingin mo ba, hindi ka nakakagulo ngayong nagbalik ka at nagpakita sa amin?” inis na turan niya.
     “That’s unfair. Wala akong ginagawa sa inyo!” Tumaas na ang boses ng dalaga.
     Hindi niya kayang sabihin sa dating nobya, pero nalilito siya sa tuwing kaharap niya ito. Here he is, about to get married to his fiancée, but driving himself crazy with the thought of Serene in his bed, writhing in pleasure beneath him….

Married To A Temptress

By Alexie Aragon

     Ampon man si Louisa, ibinigay na rin sa kanya ang parehong karapatan na taglay ng tunay na anak ng mga Yu na namatay at siyang pinagkuhanan ng kanyang pangalan. Ngunit ang realisasyon ng kanyang lihim na takot ay dumating. Kailangan niya iyong harapin, no matter what. Dahil sinalo niya ang suwerte ng tunay na Louisa, puwes, kailangang tanggapin din niya ang dapat sana ay obligasyon nito—ang matali sa matrimonya ng kasal nang walang pag-ibig.
     Hindi pa man sila naikakasal ni Edward, dissolution of their marriage na ang pinag-uusapan nila. Mas gusto pa naman sana niyang maging Mrs. Edward Arguson habambuhay.
     Sana ay makatulong ang na-research niya sa Internet ukol sa pang-se-seduce ng asawa….

Body, Heart And Soul

By Arianne Cole

     Nagtungo si Katrina sa Sta. Ana para bilhin ang Isla Verde. Ang pulo ang kabuuan ng mga pangarap niya. Pero ganoon na lang ang dismaya at buwisit niya nang malamang nabale-wala ang kasunduan nila ng may-ari dahil sa isang aroganteng lalaking mas pinili nitong pagbentahan ng property.
     Ang mas nakakainis, iyon din ang parehong estrangherong minalas na nakadaupang-palad niya sa dalampasigan noong unang araw niya sa Sta. Ana at ‘nang-harass’ sa kanya.
     Nagbalik sa isip niya lahat ng ipinaramdam nito sa kanya sa muli nilang paghaharap—bukod sa iritasyon at indignation, there is also a delicious ‘something’ she can’t name….

Heart Stealer

By Charlotte Dianco

     Kahit naiinis sa kasupladuhan ng dating kaibigan, aminado si Libby na nagulat siya nang makita si Jonnie. Elementary pa lang sila ay artistahin na ang kababata at gusto na niya ito kahit pa nga pink ang paborito nitong kulay.
     Pero ngayon, lalong tumaas ang facial value ng binata, naging uber hot ang katawan, at isa na itong councilor! Ayon pa sa ina nito, ang lalaki ang napili ng mga kapartido nito para tumakbong mayor sa susunod na eleksyon. Hindi man intensyon ni Libby, base sa mga qualities nito, hindi malayong mangyari iyon. Mukhang magiging mayor nga ang herodes!
     Hindi naman maintindihan ng dalaga, pero biglang naging appealing sa kanya ang title na ‘First Lady’ ng kanilang bayan….

Dare To Love Me

By Priscilla Del Cielo

     She can definitely make any man fall in love with her—simply because she can. Na kay Diana Versoza na ang lahat ng mga katangian ng isang It Girl—young, pretty, sexy, smart, rich. Perfect na sana ang buhay niya hanggang sa makipag-break sa kanya ang long-time boyfriend niya. Hindi niya matanggap ang sakit at kahihiyan, kaya nakipag-dare siya sa kanyang mga kaibigan na kaya niyang paibigin ang sinumang lalaki.
     Naging target niya ang best friend ng kuya niya na si Rafael Ramirez. To-die-for ang all-Pinoy looks ng binata, kaya hindi imposibleng magkagusto rin siya rito—na siya ngang nangyari. Ang problema na lang niya ay kung paano ito kukumbinsihing minahal niya ito kahit pa sa eksperimento nagsimula ang lahat….

Her Persistent Ex

By Lily Ann Muñoz

     Ang tangkang ‘panunuhog’ sa kanilang magkapatid ang dahilan kung bakit hindi na makatkat ang matinding inis ni Dang sa ex-boyfriend na si Rolly. Kahit itinatanggi nito, buung-buo sa isip niyang kaya lamang siya pinaibig nito ay upang mapalapit din ito sa puso ng Ate Irish niya.
     Ngayong muli itong nagpaparamdam sa kanya makalipas ang ilang taon, nakakita siya ng pagkakataong gumanti at paglaruan din ang binata. Pero sa proseso ng ginagawa niyang pagpapahirap sa kalooban nito, parang ang sarili yata ang higit na pinaparusahan niya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!