Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Fratman And The Tigress

By Anabelle Briones

     Kulang na lang ay mag-walk out si Garnet Bermudez nang makita kung sino ang kanyang napili sa dating game na pakana ng mga kaibigan niya: it was Kevin Sandejas, ang manlolokong ex-boyfriend niya. Lalo siyang nainis nang malamang dalawang linggong bakasyon sa Boracay ang premyo nila sa kalokohang larong iyon.
     Wala siyang pakialam kung anuman ang motibo nito sa muling pagsulpot sa buhay niya. Sa tingin din niya ay hindi na kailangan ang anumang paliwanag na ibibigay umano nito ukol sa paghihiwalay nila years ago. Pero nadidismaya man siya sa sarili, aminado si Garnet na nang muli siya nitong halikan, na-realize niyang pagdating kay Kevin, puso pa rin ang nagmamando sa buo niyang pagkatao….

A Witch’s Fairy Tale

By Dana Rivera

     Martin Santiago coined Selinda Mendez in one word: witch. Tingin yata nito ay isa siyang demonyitang nagkatawang-tao at nasa sinapupunan pa lang ay genetically designed na para sirain ang buhay nito at ng prinsesa nitong si Marie.
     Pero kahit ano pang tanggi ng binata, wala siyang pakialam. Kung nakatadhana siyang maging evil queen sa istoryang iyon ay okay lang sa kanya. Basta hindi siya hihinto hangga’t hindi niya nakukuha ang happy ever after na alam niyang deserved niya.

Heal Me With Your Love

By Faith A. Teodoro

     Matapos malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ni Gilene ay nagkaroon siya ng bagong direksyon. Tinalikuran niya ang glamorosang mundo ng modeling at pinili na maging isang volunteer worker ng isang non-profit organization. Sa pakiramdam kasi niya ay iyon ang misyon niya sa buhay, bukod sa matagpuan ang tunay na magulang.
     Sa isang mission trip ng grupo ay napadpad siya sa probinsya ng Batangas at nakilala ang isang guwapong doktor. At napasama na rin yata sa misyon niya sa buhay ang paligayahin ito at ang anak nito. Gayunpaman, maibigay man niya sa lalaki ang lahat-lahat sa kanya, hindi pa rin maalis ang katotohanan na ang mahigpit niyang kakompetensya sa puso ni Adrian ay isang babaeng matagal nang patay….

Dear James Dean

By Sefah Mil

     Valentine’s Day. Dapat ay may dalang love letter ang sinuman para makasali sa kasayahan sa mansyon ng Hacienda Marcelino. Ipinasok ni Anita ang kanyang liham sa pink na sobre sa panalanging mapupunta ito kay Josh na isa sa mga pamangkin ng kanyang amo. Pero masyado na siyang mapangarapin kung isali naman niya si Sir Nelson, ang anak ni Ma’am Feliciana, sa usapan. Hindi makikipagsulatan ang seryoso at kuripot na tagapagmana ng hacienda sa isang batang schoolgirl.
     Kinaumagahan, natanggap niya ang isang sulat mula kay James Dean. Hindi niya ito kilala, pero nakipagsulatan siya rito sa loob ng pitong taon hanggang sa nagkaalaman kung sino nga ba talaga ang kanyang penpal. At hindi niya akalain na siya ay isa pala talagang mapangarapin….

Traveling With Love

By Elaine Bartolome

     Alam ni Lee na mali ang gagawin niyang pagsama sa kanyang sekretarya sa ‘misyon’ niya sa Cordillera para maghanap ng isang natatanging bato, pero gusto rin niya kasing magbakasyon ito. Hindi na siguro niya itatanggi na attracted siya sa babae. Bakit ba hindi? Sa ganda nitong mala-diyosa ay walang hindi maaakit dito.
     Which brings him to his problem: Paano na nga lang pala kapag nagkasala siya? Silang dalawa lang ang maglalakbay, kaya kailangan niya ng mas madaming self-control.
     Sa kabilang banda ay gusto rin niya ang kanyang gagawin. Gusto niyang makasama si Kayla kahit sandali lang….

My Landlord Proposals

By Eve Eleanor

     Gumulo ang buhay ni Alyanna nang dumating ang anak ng kanyang landlady at nagbigay ng proposal. Hindi na siya nito sisingilin sa dalawang buwang utang niya sa renta at may libre pa siyang one month kung papayag siyang pansamantala silang magsama sa ilalim ng iisang bubong. Kung practicality ang paiiralin, hindi na masama ang offer nito. Wala rin siyang choice dahil wala siyang sapat na pera para pambayad ng house rent. Tinanggap na lamang niya ang alok nito.
     Pero sadya yatang business-minded si Drake, nasundan pa ang proposal nitong iyon. Mula sa pagiging tagaluto ng almusal ng binata, naging date siya nito sa dinaluhan nitong pagtitipon. Laking gulat niya nang ipakilala siya nitong nobya sa pamilya nito.
     Hindi iyon kasama sa proposal na tinanggap niya!

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!