Posted on

Special Halloween Release: MSV After Dark!

Want to read the story teasers?

My Sacrifice

By Edith Joaquin

     “Did you know the folks here used to believe that each year, this river steals a life?” narinig niyang tanong ng misteryosong lalaki na nasa paanan ng tulay.
     “How did you know that? Taga-rito ka ba?” Nagdesisyon si Faye na lapitan at salubungin ang tingin nito, at tumigil yata ang kanyang paghinga. Mukhang god ang kanyang kaharap!
     “I’m fairly new to this place, pero matagal-tagal na rin mula nakalipat ako,” anito.
     “So totoo ang sabi ng mga matatanda. May pakpak ang balita, kaya alam mo ang tungkol sa myth ng ilog na ito.”
     Unti-unting umangat ang gilid ng mga labi nito bilang ngiti. Sinabayan niya iyon. Dumantay ang palad nito sa kanyang kamay at doon siya natauhan. His hand, his palm was ice cold.
     God! Parang kamay ng isang bangkay!

Isobel’s Secrets

By Tabitha Luna

     Isang insidente sa backpacking trip sa Europe ang nagpabago sa buhay ni Isobel. Mula noon, wala na siyang ibang ginusto kundi ang maging normal, but by human standards, she isn’t. Not anymore.
     Ten years later, she’s back on her feet, living on an island, running her life, kontento sa ilang kaibigan, sa pamilya, sa mga turon at siopao. That is, until one particular man comes knocking at the door of her shop: si Aristotle Sono. Best friend niya ito since grade one. Patpatin pa ito noong huli niya itong nakita, but now, he is all charm and sinful appeal.
     Sangkatutak na tanong ang sumulpot sa isip niya. Ano ang gagawin niya? Kung hindi siya ang pakay ni Aris sa Sanctuario, ano ang ginagawa nito sa isla? Can she trust him? At bakit hindi na siya naalala nito?
     Sa lahat ng mga tanong, iyong huli ang pinakamasakit sa kanya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!