Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

A Funny Twist Of Fate

By Doreen Laroya

     Mula London, nagmamadaling umuwi si Flynn sa Pilipinas para pigilan ang kasal ng nobyo. Pagdating sa Maynila ay derecho siya agad ng simbahan. Ang kaso, ibang simbahan ang napuntahan niya at ibang kasal ang nabulabog niya.
     Sa gitna ng pagkakagulo ay nagawa niyang makatakas.
     But fate decided to play a funny game. Nakilala niya si Xander nang minsang maisipan niyang makipag-chat. Akalain ba niyang ito iyong kawawang groom ng pinigilan niyang kasal three years ago? Tiyempong pressured na itong makahanap ng kapalit sa nag-walk-out na bride. At mukhang siya ang napili nitong gawing panakip-butas….

Love Me So Dearly

By Jaimie Atienza

     Isang Loss Prevention Officer si Joshua Panganiban sa isang billion-dollar company. At dahil sa delikado ang linya ng trabaho niya, sa opinyon niya ay mapapahamak lamang ang sinumang babaeng mapapalapit sa kanya. Ayaw na rin niyang maulit ang nangyari sa nobya niya noon.
     Kaya pinakaiiwas-iwasan niyang mahulog sa sex appeal ng katrabahong si Cyrene Fabillaran, kahit pa iba ang idinidikta ng puso at katawan niya. Pero hindi niya matiis na mapalayo rito, lalo pa ngayong nanganganib ang buhay ng dalaga….

Happy Together

By Ella Gualvez

     Kasalukuyang pinagluluksa ni Iris ang kanyang broken heart dahil sa nalalapit na pagpapakasal ng kaibigang si Christian, nang sumulpot ang isang lalaki at tinakpan ng panyo ang bibig niya. Nang magkamalay siya, isang mukhang demigod na kidnapper ang nakilala niya.
     Tutulungan daw siya ni Leon na mabawi ang lalaking mahal niya, kung makikipagsabwatan siya rito. Magpapanggap silang couple para pagselosin si Christian at ang babaeng gusto naman nito. Hindi siya pumayag, pero hindi iyon pumigil kay Leon para isagawa ang gusto nito. Gamit ang blackmailing schemes nito, napagmukha nga nilang magnobyo sila sa harap ng parehang target nilang paghiwalayin.
     Pero nang natutupad na ang mga plano nito, parang gusto na niyang manikluhod upang siya na lang ang mahalin nito….

Lifetime Partners

By Charisse Pamela

     Kulang daw sa alembong si Stef kaya hindi siya napapansin ng best friend at business partner niyang si Lance. Ang dapat daw, matuto siyang mag-display ng legs at curves. Pero sa palagay niya, para lang talagang naturukan ng general anaesthesia ang binata, manhid ang buong katawan. At saka, wala siyang balak na ipaalam ang hidden desire niya sa kaibigan, ano! Lalo pa at siya mismo ang binalak nitong gamitin para pagselosin ang ex-girlfriend nito. Wala talaga siyang appeal kay Lance.
     Dapat siguro ay tanggapin na ni Stef na business partner lang talaga ang papel niya sa buhay nito….

Ever, Ever After

By Elise Estrella

     Sa palagay ni Drusilla, may sumpa ang pangalan niya. Dahil pinangalan siya sa ugly stepsister ni Cinderella, malamang walang napipintong happy ever after ang love story niya. Dumagdag na ebidensya na hindi pa siya nagkakanobyo sa edad niyang twenty-six. So what? I-e-enjoy na lang niya ang pagiging single at gagawa ng pagkakaabalahan. Bilang bahagi ng ‘Operation: Happiness’ niya, nagtungo siya sa Sanctuary Zoo at nag-volunteer doon.
     Ngunit nalimutan niya ang sumpa sa sarili na hindi maghahanap ng lalaki nang makilala si Kendall, isang veterinarian. Naisip niyang masarap lang kiligin pero wala siyang expectations.
     Single forever na nga siya, di ba? Hindi para sa kanya ang happy ever after….

Acts Of Love

By Lara Esquijo

     Hindi alam ni Laura kung suwerte o kamalasan ang dumapo sa kanya at sa isang aksidente ay nailigtas niya ang kanyang idolong si Rick Gonzales mula sa isang iskandalo na posibleng ikasira ng career nito. Kasunod niyon, inalok na siya ng binata ng raket—well, sort of raket. May allowance kasing kasama ang pagpapanggap niya bilang nobya nito sa publiko para pagtakpan ang tunay na karelasyon nito. In short, panakip-butas siya.
     Matagal na niyang crush si Rick, kaya hindi naman siguro masama kung i-wish niyang leading lady siya ng aktor sa tunay na buhay, habang nagda-drama sila sa harap ng mga reporters.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!