Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Guns And Caprices

Elites (Book 1 of 6)

By Jade Anne Franco

     Alam ni Agatha na cheating ang ginagawa niya. Hindi na siya nahiya; ikakasal na siya ilang araw na lamang, pero nagawa pa niyang ibigay sa ibang lalaki ang sarili. And of all people, kay Jake pa! Walong taon siyang nagagalit sa alaala ng binata dahil sa ginawa nito, pero heto at ipinagkanulo niya ang sarili sa unang araw ng pagkikita nilang muli.
     Pero bakit mas gugustuhin pa niyang tanggapin ang katotohanang iyon kaysa iwan si Jake? Naloloka na talaga siya. He came back to her life like a whirlwind, putting in chaos everything that she has worked hard for. Ni hindi niya alam kung ano ang panganib na nakaambang sa kanya dahil sa binata. She’s not even sure if Jake is the good guy.
     At isinusugal niya ang sariling buhay dahil lang sa kapritso ng kanyang puso….

Bullets And Gifts

Elites (Book 2 of 6)

By Jade Anne Franco

     Hindi makapaniwala si Fabio sa ginagawa niya ngayon. From his last mission of rescuing hostages, he is now forced to babysit a beautiful woman, habang ang mga kasamahan ay papunta sa kung saang beaches at resthouses sa Pilipinas.
     The plan is to keep Regina interested, upang sa ganoon ay hindi nito mapansin ang pagbantay niya rito—na magagawa niya lang nang maayos kung hindi niya hahayaang maging sagabal ang sarili niyang damdamin para sa dalaga. A simple kiss could complicate his job.
     But he wants more than a kiss from his alluring ward… at alam niya ring hindi lamang iyon ang handang ibigay ni Regina sa kanya….

Daggers And Romance

Elites (Book 3 of 6)

By Jade Anne Franco

     Lamunin na lang sana siya ng sofa na kinalulugmukan niya, iyon ang hiling ni Georgina habang iniisip ang kahihiyang inabot matapos siyang mahuli ng lalaking balak niya sanang pagnakawan.
     “Please, I… I will do anything you want me to do, I swear! Huwag mo lang akong ibibigay sa mga pulis,” pakiusap niya.
     Tumaas ang dalawang kilay ng estranghero. “Did you say anything?” paglilinaw nito.
     “Y-yes, anything,” pigil ang hiningang sagot niya. Mamaya na niya iisipin kung ano ang susunod na gagawin.
     Nagliwanag ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Very well.”
     Gusto niyang sumigaw nang maisip kung ano ang gusto nitong kapalit ng kalayaan niya: her body!

Bombs And Promises

Elites (Book 4 of 6)

By Jade Anne Franco

     “I’m spending my remaining days in the Philippines in this house,” walang anumang deklara ni Loki.
     “Sino’ng nagbigay sa ’yo ng karapatang gawin ’yan?” asik niya. “Dati ay gusto kong palaging nasa tabi kita. But right now, ayokong isipin na minsan ay naging parte ka ng buhay ko.”
     “Such strong words, Julianne. Too bad those words won’t stop me from being here with you… from now on.”
     Hula ng babae, dahil pa rin sa pangako nito sa kuya niya kaya inoobliga ni Loki ang sarili nito na alagaan siya. Pero hindi na siya batang alagain at anuman ang rason nito, hindi niyon mapagbabago ang kanyang isip. He broke her heart many times before and there’s no way in hell she would let him do it again….

Never Too Late

By Cher Reyes

     Tinugon na yata ng Diyos ang palaging panalangin ng anak ni Thea—ang makilala ang daddy nito. Limang taon niyang pinag-iisipan kung paano ipapaliwanag sa anak ang tungkol sa ama nito, pero ginawa iyong madali ng tadhana para sa kanya nang walang alinlangang tanggapin ni Bernard ang paslit. Binura niyon ang lahat ng kaba at takot niya. Nadiskubre rin nilang mahal pa rin nila ang isa’t isa.
     It was almost perfect. Kung wala lang sanang fiancée si Bernard na labis nilang masasaktan kung itutuloy nila ang relasyong iyon….

Heart Of Kindness

By Mika Edelstann

     As an acupuncturist, sa negosyo na lamang umiikot ang buhay ni Bonnie Leianne. Takot kasi siyang magmahal at mawalan gaya ng nangyari sa nanay niya, sa mabait na babaeng nag-ampon sa kanya, at sa kanyang lola. Ayaw na niya na muling mahalin at iwan ng kung sinu-sino. Sa tingin pa niya, mas mabuti na itong nag-iisa siya.
     Kaya naman, na-stress siya nang mapansin ang spa and wellness center na ipinapatayo sa harap mismo ng kanyang clinic. At mukhang intensyon talaga siyang kalabanin ng sexy at magandang proprietress niyon. Kinakabahan na rin siya na baka kuhanin din nito pati si Finn—ang pinakamalapit na kliyente sa puso niya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!