Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Flight Plan

Amazon Solace (Book 1 of 3)

By Kriss Dela Roca

     Fight or flight? Ito ang laging drama sa buhay pag-ibig ni Danie. Mas pinipili niyang tumakas at lahat ng lalaking nagpaparamdam sa kanya ay hindi niya pinapansin sa takot na muli siyang masaktan. Pero sa pagkikita nilang muli ng ex boyfriend niyang si Jet, hindi gumana ang flight mode niya. Sa halip, isinugal niya ang damdamin at hinayaan ang sariling maging masaya sa piling nito.
     At ang desisyong iyon ay pinagsisihan niya kaagad….

More Than One Night

Amazon Solace (Book 2 of 3)

By Kriss Dela Roca

     One-night stand ang tanging namagitan kay Noelle at sa guwapong lalaking tumulong sa kanya minsang masyado siyang nalasing. Ngunit nang magising siya ay iniwan na niya ito. Hindi na niya inasahang magkikita pa silang muli, pero iyon nga ang nangyari. Gayunpaman, mukhang hindi siya nakilala ng lalaki. Ang mas masakit pa, ang pinsan niyang si Danie ang kinukulit nito.
     Ngunit biglang-bigla itong nagpakita ng interes sa kanya. At nagulat siya sa sarili dahil nakahanda siyang tanggapin ito, anuman ang rason sa biglaan nitong panliligaw sa kanya.

The Endless Promise

Amazon Solace (Book 3 of 3)

By Kriss Dela Roca

     “Ikaw na mismo ang nagpaalam sa akin na asawa kita sa mata ng Diyos at ng batas so I’m here to stay in your life,” ani Trek kay Reian.
     “Sana ay hindi na lang kita minahal!” balik-sigaw nito. Humigpit ang hawak niya sa braso nito.
     “Ano ba ang iniayaw mo sa akin, ha? Bakit mo ako iniwan noon? Bigla kang naglaho without any explanation!” asik niya.
     “I don’t have any intention to tell you my reasons…”
     “But I intend to find out.”
     Reian Soledad is one stubborn woman, and too sexy she could create a rage in his hormones. At hindi papayag si Trek na makawala ito muli sa kanya….

A Piece Of Heaven

By Edith Joaquin

     Tomboy raw siya. At girlfriend niya ang magandang babaeng palagi niyang kasa-kasama. Iyon ang alam niyang tsismis na kumakalat sa maliit na subdivision nila. At sa totoo lang, wala pakialam si Cielo roon.
     Not until napadpad sa lugar nila ang guwapong mama na si Nick Ancheta. Biglang-bigla, hindi na siya kontento sa hitsura niya. She wanted to be all-woman for him.
     Hindi siya sigurado, pero crush na yata niya ang bagong dayo sa lugar nila….

If You Were Mine

By Audrey Torres

     “Bakit hindi kita mapilit?” napakamot sa batok na tanong ni Gavin nang hindi siya pumayag sa imbitasyon nito.
     “Mr. Del Valle, the news about your engagement is known all over the country,” nakangiti niyang sabi. “Alin ang mas aksaya ng panahon, ang umuwi ako at magbasa ng romance novels o ang makipag-inuman sa isang lalaking engaged to be married?”
     “Why, are you on the look-out for a relationship?”
     “A long and lasting relationship,” she corrected.
     “Not a fling,” dugtong nitong tatangu-tango.
     “Not an open relationship or even the complicated type of relationship, no,” aniya.
     She wants to be his endless love, not his last fling before he marries somebody else….

Wife For A Moment

By Venice Del Valle

     Dalawang taon matapos ang naunsyami nilang kasal, tumawag ang ina ni Frank kay Paige para ibalitang nasa ospital ang ex-boyfriend niya at umano ay naaksidente.
     Ang sumunod niyang nalaman, kailangan niyang magpanggap na asawa sa dating nobyo dahil may selective amnesia ito at hindi maalala ang bahagi ng buhay nila kung saan nag-away sila at nai-cancel ang wedding. Ang buong akala nito ay natuloy ang kasalang iyon.
     Mahal pa rin niya si Frank at ramdam niyang ganoon din ang damdamin nito sa kanya. Pero nag-aalala siyang mabura lahat ng pag-ibig na iyon sa oras na maalala nito ang anumang bagay na naging dahilan para iwan siya nito noon….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!